Fish

Sabado, Pebrero 16, 2013


Hari Ng Tondo
Gloc9
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Minsan sa isang lugar sa Maynila
Maraming nangyayari
Ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat
Animo’y kagat-kagat
Kahit itago’y ‘di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong
Kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong
Sa kamay ng iilan
Umaabusong kikilan
Ang lahat ng pumalag
Walang tanong
Ay kitilan ng buhay
Hukay, luha’y magpapatunay
Na kahit hindi makulay
Kailangang magbigay-pugay
Sa kung sino mang lamang
Mga bitukang halang
At kung wala kang alam
Ay yumuko ka nalang
Hanggang sa may nagpasya
Na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadena na siyang gumagapos
Sa kwento na mas astig pa sa bagong-tahi na lonta
Sabay-sabay nating awitin ang tabing na tolda
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/g/gloc_9/hari_ng_tondo.html
]
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Nilusong ang kanal na sa pangalan niya’y tumawag
Alang-alang sa iba, tsaka na muna ang paawat
Sa maling nagagawa na tila nagiging tama
Ang tunay na may kailangan ang siyang pinatatamasa
Lahat sila’y takot, nakakapaso ang ‘yong galit
Mga bakal na may nagbabagang tinggang papalit-palit sa hangin na masangsang
Nakakapanghina ang nana at hindi mo matanggal na para bang sima ng panang
Nakakulawit subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak
Ang siyang tanging naghahatid sa kanya sa katinuan
At hindi ipagpapalit sa kahit na sinuman
Ngunit nang dumating ang araw na gusto na niyang talikuran
Ay huli na ang lahat
At sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tingga
Tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon, alam niyo na ang kwento ni Asiong Salonga
Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng tondo, hari ng tondo
Baka mabansagan ka na hari ng tondo
Hari ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng tondo





SIPI MULA SA
“AMPALAYA (ANG PILIPINAS 50 TAON
MAKATAPOS NG BAGONG MILENYO)”
ni Reuel Molina Aguila
Upang basahin ang kapalaran ng mga bayan,
kailangang buklafin ang aklat ng kanyang kahapon.
At dahil diyan ay inuulit namin at uulifin kailanman, na,
samantalang may panahon ay lalong mabufing pangunahan
ang mga hangarin ng isang bayan kaysa pahinuhod; ang una’y
umaakit ng kalooban at ng pag-ibig; ang pangalawa ay
umaakit ng pagpapawalang-halaga at ng poot.
(Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon)
Jose Rizal

1.Sarap na sarap sa paghahapunan ang pamilyang de la Cruz, isang gabing tikatik ang
ulan at ang simoy ng amihan sa mga unang araw ng buwan ng Pebrero ay naghahatid
ng nakapanghahalukipkip na lamig.
Sa liblib na baryong ito na lalong naging liblib dahil napag-iwanan ng mabilis na
pagbabago ng mundo, ang munggong sinahugan ng ampalaya at tinambalan ng tuyo
ay langit nang masasabi.
“Heaven!”
Ganyan nga ang sinabi ng kabataang mountaineer na minsang nagawi sa pamilya
de la Cruz at nakisalo ng munggong may ampalaya. Matagal na raw siyang hindi
nakakatikim ng ganoong ulam.
Hindi iyon maunawaan nina Juan de la Cruz dahil pangkaraniwan lang na ulam nila
iyon. Pagkaing mahirap, wika nga. Laking tuwa nila nang abutan sila ng ilang de-lata
bilang kapalit sa munggo’t ampalaya.
Kaya’t sa tuwing ganito ang kanilang ulam ay naghahagikgikan ang pamilya de la Cruz
sa alaalang ito.
Hagikgikan pa sila nang hagikgikan dahil sa sinasabi sa radyo habang naghahapunan
sila. Hindi nila mapagtanto kung ano ang sinasabi ng announcer. Bargain sale daw sa
Super Tiangge Mall ng mga kasangkapan tulad ng teleponong nakikita ang kausap at
bombilyang 10 watts lamang pero kayang ilawan ang isang malaking plasa.
Sapagkat, ni koryente o linya ng telepono ay wala sila. Taong 2050 ay wala silang
koryente o linya ng telepono.
Nagkaroon kung sa nagkaroon ngunit pinutulan din ang buong baryo nang ang
karamihan dito ay hindi nakayanang magbayad.
10 Gapok at nakahilig na ang mga poste ng koryente; at ang mga kawad ay pinagkukuha
na nila para gawing sampayan o panali ng kung ano-ano.
11 Gayon ding nakatiwangwang na ang butas-butas na mga solar panel na ikinabit
noong bata pa si Juan. Donasyon iyon ng mga Aleman, limampung taon na ang
nakakaraan, noong bago magpalit ang taon sa kalendaryo mula sa panimulang
disinuwebe tungo sa dalawampu.
12 Tulong daw iyon upang hindi magdumi ang papawirin mula sa karbong ibinubuga
ng mga de-langis na plantang lumilikha ng koryente. Na, sa pagdami ng karbon sa
papawirin ay siyang nagiging sanhi ng pag-init ng mundo. At siya namang sanhi ng
pagbabago ng klima at panahon: wala sa panahong bagyo, panay-panay na tagtuyot,
at kainitang pati silang sanay nang mababad sa araw ay umaangal.
13 Ngunit sa pagdalaw ng bagyong siya nga sanang nilulutas ng solar panel ay siya
namang pagkabutas-butas at pagkakalasog-lasog nito.
14 Sa tuwing nakikita ni Juan ang mga kalansay ng panahong iyon ay sumasagi sa
kanya, bilang isang gising na bangungot, ang mga ritwal, takot, at pag-iimbak ng mga
pagkain dahil sa sunod-sunod na kalamidad na dumadalaw na siyang kinikilalang
mga signos ng katapusan na ng mundo; at paniwalang hatid ng pagbabago ng
milenyo.
15 Tuyo na rin at tinabalan na ng damo ang mga poso, na kapag hinawan ang sukal ay
makikita pa sa semento ang mga pangalan ng nangampanyang meyor, gubernador,
kinatawan, bokal, at pangulo. Ang mala-lapidang talang ito ay parang isang punit na
pahina na siya na ring nagsisilbing tanging nakatalang kasaysayan ng baryong iyon.
16 Kaya nga’t napapahagikgik na lang sila sa tuwing nakakarinig sila ng mga balita
tungkol sa mabilis na pagbabago sa lunsod at sa ibang sulok ng daigdig.
17 Gaya ng iba pang produktong inaanunsyo ng announcer na kahit pa singkwenta
porsyento ang ibinaba ng mga presyo nito, dahil sa pagkawala ng taripa ayon sa
umiiral na pang-ekonomiyang kalakaran ng globalisasyon, ay hindi pa rin maabot ng
karaniwang mamamayan.
18 Sa radyo niya narinig ang mga mabibigat na salitang iyon hinggil sa pang-
ekonomiyang kalakaran, tuwing umagang bago niya harapin ang kanyang mga
pananim. Kaya’t tuwing umaga nga, sa awa ng itinatagal ng baterya, pilit inuunawa
ni Juan kung bakit umuunlad naman ang ibang bansa, o kung bakit umuunlad
naman ang Maynila ay lalo naman yatang nahuhuli ang kanilang baryo.
19 Kalabaw pa rin ang gamit nila sa pagsasaka samantalang sinasabi rin sa radyo na de-
robot na ang pagsasaka sa ibang bansa.
20 Sinungaling marahil ang radyo. O, marahil hindi niya nasundang mabuti ang sinasabi
ng radyo dahil madalas maubusan siya ng baterya.
21 Pero sa radyo din niya narinig na ‘wag daw silang mag-alala. ‘Yan ang pangako ng
bagong pangulo, isang child actress noong magpang-abot ang mga milenyo na higit
na nakilala sa halos makatotohanang pagganap niya sa papel ng batang ginang-rape
ng kanyang lolo, ama, at mga tiyuhin.
22 Pararatingin daw niya ang kaunlaran hindi lang sa Maynila, bagkus sa kaliblib-
liblibang sulok ng bansa, gaya ng kanilang baryo. Iyon ang pangako ng dating child
actress.
23 Kaya’t ganoon ngang umaasa na lang sina Juan. Sapagkat, ano pa nga ba ang kanilang
magagawa kundi ang umasa na lang at magsikap sa araw-araw.
24 Ni hindi nga siya sumapi sa mga rebeldeng halos mag-iisandaang taon nang
nakikipaglaban ngunit hindi pa rin nagwawagi.
25 Sa ilang pagbisita sa kanila ng mga ito ay nakikipaghuntahan sila kay Juan at
ipinapaliwanag kung bakit paurong lalo ang takbo ng buhay sa kanayunan. Ito,
diumano ay sanhi ng globalisasyon na sinimulan noon pa mang dekada ’90 ng ika-20
siglo. At kaya nakalusot ang bagong kaayusang ito ay dahil sa imperyalistang hangarin
ng Estados Unidos, sa pakikipagkutsabahan nito sa naghaharing uri ng bansa sa
pangunguna ng mga panginoong maylupa at komprador-burgesya.
26 Kung anuman ang pinagsasabi sa kanya ng mga taong labas ay hindi niya
maunawaan; na ‘yon din naman ang kantsaw ng matandang si Kadyo, 80 anyos at
dating aktibista sa kanyang kapanahunan—na halos mag-iisandaang taon na ay iyon
pa rin ang uri ng pagsusuri ng mga rebelde sa lipunang Pilipino.
27 “Sapagkat hindi po nagbabago ang kaayusang politiko-ekonomiya ng bansa,” ang
mariing ratrat ng batang gerilya.
28 “Ipasa-Diyos na lang natin,” ang sabi naman ng pari na taunan kung magmisa sa
kanilang baryo.
29 “Magbabago para sa kabutihan ang lahat,” ang sabi naman ng kandidatong meyor, na
anak ng dating meyor, na anak din ng dating meyor, na anak pa uli ng dating meyor,
na anak ng...
30 “Putris naman.” Ito ang sumasagi lagi sa isipan ni Juan tuwing nauungkat sa anumang
pagkakataon ang kaunlaran sa lunsod at ang kahirapan naman sa kanilang baryo.
31 Hanggang sa natutunan na niya at ng kanyang pamilya na maghahagikhikan na lang
sa tuwing nauungkat ang mga ganitong kaunlaran.
32 Para lamang daw iyang LRT sa Kamaynilaan na maigi ngang sa pagpasok mo sa
isang estasyon ay makakarafing ka saan mang parte ng Maynila; ngunit ikot lang
nang ikot at hindi nakakaabot sa kanayunan.
33 Mahigit limampung taon na si Juan, halos kasintanda ng bagong milenyo; isang tunay
na magsasakang nabubuhay kahit paano sa kanyang mga sinasaka, umaasa sa sarili
at walang pineperwisyo.
34 ‘Yan lang ang kanyang maipagyayabang, na binuhay niya ang kanyang pamilya,
walang-wala man sila. Sapagkat ganoon din siya binuhay ng kanyang ama, kahit
walang-wala mandin sila.
35 Kaya’t nakakahimlay siya, sila, nang matiwasay tuwing gabi. Lalo pa ngayong
halumigmig ang hangin na pinag-init naman ng kaninang umaasong munggong may
ampalaya na hinapunan nila kanina.
36 At sila’y natulog nang mahimbing.


NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO

mula sa nobelang Ang Sandali ng mga Mata
Alvin Yapan

Ngunit kailangan na munang maghintay nina Baltog, Handiong, at Bantong, ang tatlong
bayani ng Ibalong. Hindi ko kaagad sila naikuwento kay Boboy dahil pagkagising, una
niyang hinanap ang kaniyang ina. Ni hindi niya naitanong kung nasaan siya at kung bakit
ako ang naroroon.
“Tiyong, nasaan si Mama?”
“Alam mo kung nasaan siya.”
Nasa Amerika si Nene sa pagkakaalam ni Boboy. Ngunit ang totoo’y walang nakasisiguro
kung nasaan siya. Mula nang lisanin ang Sagrada, wala nang balita ang pamilya Nueva
sa kaniyang kinaroroonan. Tiyak lamang nila na may balak pumunta ng Amerika si Nene
bago umalis. Kung saan doon, wala ring nakakaalam.
Sumusulat siya kay Boboy paminsan-minsan ngunit palaging walang nakalagay na
address kung saan nagmula ang sobre. Makukulay ang mga sobreng pinagsisidlan
ng mga liham, at ang liham ay nakasulat sa mababangong papel na kadalasang
napapalamutian ng naka-imprentang mga bulaklak.
“Tiyong, dadalawin niya kaya ako?”
“Kung alam niya sigurong may-sakit ka. Pero pa’no naman niya malalaman?”
Nasubaybayan ko ang paglaki ni Nene sa bahay na bato. Sapul nang isilang siya. Ngunit
mula nang siya’y umalis wala na akong nalaman tungkol sa kaniyang naging buhay.
“Ano ba ang ikinukuwento niya sa mga sulat niya sa ‘yo?”
Ikinuwento sa akin ni Boboy ang mga kuwento sa kaniya ni Nene. Ang iba’t ibang
kulay. Ang iba’t ibang amoy. Ang iba’t ibang ingay. Ang iba’t ibang bugso ng hangin.
Ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa snow. Ang snow at ang Pasko. Isang malamig na
Pasko. Ang mga himig ng kantang “White Christmas.” Ang hindi maintindihang eksena
ng mga batang nagbabatuhan ng binilog na snow. Kung paano nasama ang kaniyang
ina sa larong ito. Ang napakalinis na kalye. Hindi aspaltado at bitak-bitak. Hindi katulad
ng kalsada sa Sagrada. Ang mababait na tao. Ang uma-umagang “Good Morning!” ang
hapun-hapong “Good Afternoon!” o kaya’y ang gabi-gabing “Good Evening!” tuwing
may makakasalubong sa daan. Kung paano naaalala ng kaniyang ina ang mga estudyante
nito noong nagtuturo pa sa Mababang Paaralan ng Sagrada, pati ang aninong nakulong
sa bahay ng mga alaala. Ang pangungupahan sa isang apartment. Ang pine tree sa
harap nito. Kung paano, tuwing Pasko, sinasabitan ng maliliit na bola at Christmas lights.
Napakaraming Christmas lights. Iba-ibang kulay. Ang snowman. Ang pagtutulong-tulong
ng magkakapitbahay sa paggawa ng snowman na di-hamak na mas matangkad sa
kaniyang ina. Pati ang fireplace. Mamamatay daw ang kaniyang ina sa ginaw kung walang
fireplace. Ang napakatinding lamig. Ang nakamamatay na lamig. Kung paano kailangang
pagpatung-patungin ang mga damit makalabas lamang ng bahay. May pang-ilalim
na, may t-shirt pa at polo at jacket. Kung gaano kasaya sa Amerika. Kung paano siya
niyayaya ng kaniyang ina na sumunod doon kapag nakatapos na siya sa kaniyang pag-
aaral at may trabaho na. Ang pagiging presidente ng kaniyang ina ng mga kahera sa isang
department store. Ang malaking kita. Ang mga libreng damit dahil sa department store
na lang niya kinukuha. At ang mga prutas. Ang napakarami at napakamurang prutas. Ang
nakakasawa nang mansanas. Ang kapulahan ng mansanas. Kumikinang sa kapulahan at
napakatamis. Hindi katulad ng mga mansanas sa Filipinas na napakaliliit. Mapakla. Hindi
maintidihan kung pula o berdeng mansanas dahil kalahating pula at kalahating berde.
Kung paanong doon, kapag pula ang mansanas talagang pula; kapag berde, talagang
berde. May mga orange ding napakalaki. Original siyempre, sabi ng kaniyang ina. Talo
ang ponkan sa Filipinas. Ang pagtatrabahong nauuwi sa pag-iikot sa department store,
dahil walang magawa. Kaya minabuti niyang bantayan na lamang ang mga kahera upang
walang matuksong kumupit. Ang malaking suweldong natatanggap ng kaniyang ina. Ang
pagiging katiwala nito sa pinapasukang department store. Kung paano bago umuwi ay
kinokolekta ang benta at ito mismo ang nagtatala ng benta sa logbook. Ang kaniyang
inang naging katiwala ng may-aring Amerikano. At hindi lamang ang kulay ng mansanas.
Hindi lamang ang kulay ng orange. Higit sa lahat ang kulay ng pera. Kakulay ng damo
at sindami. Hindi kakulay ng isandaan ng Filipinas. Kakulay ng ubeng napakahirap nang
hanapin sa palengke ng Sagrada.
“Tiyong, hindi niya siguro doon nahanap si Mr. Edwards. Hindi niya nabanggit sa
mga sulat ni minsan. Mabuti na rin siguro iyon,” dagdag pa ni Boboy. “Malaya siyang
makauuwi sa Filipinas kung hindi pa siya kasal kay Mr. Edwards.”
Naaalala ko si Nene bilang babae ng mga simulain. Mayroon siyang pagkukusa. Bago pa
man siya nagturo, marami na siyang binuksan at pinasimulang mga negosyo sa Sagrada.
Dapat pa nga sigurong kay Nene magpasalamat ang Sagrada sa pagpapalago ng negosyo
sa bayan namin, at hindi kay Chua.
Nang maging mura ang refrigerator, nag-ipon si Nene ng pera mula sa ipinapadala ng
katiwala sa mga lupang sakahan na iniwan sa kanila ni Severino. Bumili siya ng General
Electric. Single-door. Basta may mainom lamang silang malamig na tubig. Nang huwag
ding mapanis ang mga ulam. Biglang tumaas ang kanilang bayarin sa koryente. Nagbanta
si Selya na ibebenta ang refrigerator. Nakaisip si Nene na magbenta ng yelo.
Sa sunod nilang pamamalengke, bumili siya ng plastic. Brand ng White Horse. Pinag-
aralan niyang mabuti kung paano itinatali ang dulo ng plastic nang hindi sumasabog ang
tubig. Ibinenta niya ang yelo. Dalawang piso bawat isa.
Dahil wala pa noong ibang may refrigerator sa lugar nila palaging ubos ang ibinebentang
yelo ni Nene. Nanghihinayang siya sa mga dalawang pisong nakaalpas dahil
nauubusan siya ng paninda. Maliit lang kasi ang freezer ng refrigerator kaya hindi niya
nadadagdagan ang ginagawang yelo. Saka niya inimbento ang ice tubig. Nakaplastik
na malamig na tubig. Kahit hindi matigas na yelo, naibebenta pa rin niya ng uno
singkuwenta isang piraso.
Walang ibang may refrigerator sa Sagrada noon dahil namamahalan pa rin ang mga tao.
Mahal na nga raw, pampadagdag pa ng gastos sa koryente. Ngunit nang makita nilang
mas malaki ang napagbebentahan ni Nene kaysa sa ibinabayad sa koryente, ang dealer
namang RC Marketing ang nahirapang tumugon sa dami ng order.
Nagkaroon ng paskil na “Ice for Sale” ang halos lahat ng tarangkahan ng mga bahay sa
Sagrada. Dahil halos lahat ng bahay ay may refrigerator na, nabawasan ang mamimili.
Ibinaba ni Nene ang kaniyang presyo sa piso para mapasakaniya lahat ang kakaunti na
lang na mamimili. Pagkalipas lamang ng isang gabi wala nang nagbebenta ng yelo sa
presyong dalawang piso.
“Gaya-gaya, puto maya!” galit na sigaw noon ni Nene.
Sunod na pinasok ni Nene ang ice candy. Ibinenta niya ng dalawang piso. Ganoon din
ang nangyari. Makalipas lamang ang isang gabi, may nagbebenta na ng ice candy ng piso
at iba-iba pa ang flavor: abukado, monggo, at buko.
Ngunit tunay na negosyante talaga si Nene dahil alam din niya kung kailan bibitaw sa
isang negosyo. Isang araw, napagpasiyahan niyang wala nang iaasenso ang industriya
ng yelo, ice tubig, at ice candy sa bayan ng Sagrada. Muling nag-isip si Nene ng isang
pagkakakitaang susustento sa konsumo sa koryente ng refrigerator. Manok. Nagpatayo si
Nene ng manukan. Sinimulan niya sa sampung forty-five days lamang at pagkatapos ng
apatnapu’t limang araw may benta na muli siya. Nangyari ang lahat ng ito bago pa man
dumating sa Sagrada ang Sariwanok ng Magnolia.
Ngunit nahalata ni Nene na mahirap mag-alaga ng manok at kailangan pa niyang
maghintay nang higit sa isang buwan. Ang benta ay hindi ganoon kalaki. Kaya hindi
nagtagal sinabayan niya ang kaniyang poultry ng piggery. Tatlong baboy lamang nang
simulan niya. Paanakan ang isa sa tatlo nang hindi maputol ang kaniyang aalagaan
at ibebentang baboy. Ibinebenta ni Nene ang baboy sa mga may-ari ng carneceria sa
palengke. Libo-libo ang kaniyang napagbebentahan. Dahil sa malaking kita napalitan ni
Nene ang single-door na General Electric refrigerator ng double-door. Higit na malaki na
ngayon ang freezer ngunit hindi yelo, ice tubig, o ice candy ang ipinuno niya rito kundi
mga pitso ng manok at karneng baboy. Nang mabalitaan ng mga tao ang tagumpay
ni Nene, nagtayo rin sila ng kani-kanilang poultry at piggery. Natuwa ang may-ari ng
carneceria dahil marami na silang mabibilhang baboy. Makakapili na sila. Ayaw na
nilang bumili ng mga baboy na pinakain ng mga tirang pagkain. Higit na malaman ang
mga baboy na sa feeds lamang pinalaki. Halos araw-araw nagigising ang buong bayan
ng Sagrada sa mga putak ng libo-libong manok at tili ng kinakatay na mga baboy. Ang
papawirin ng Sagrada ay nangamoy ipot ng manok at tae ng baboy. Kaya nang minsang
may dumaang bagyo, nagpasalamat ang buong bayan dahil muli silang nakalanghap ng
sariwang hangin kahit na panandalian lamang.
Nagreklamo si Selya. Tuwing mainit ang panahon kahit mayaman sila sa yelo, hindi
mapawi-pawi ng kaniyang abaniko ang sangsang ng dumi ng manok at baboy. Si Selya
ang nagpahinto sa negosyo ni Nene. Silang mga Nueva ang unang pamilyang umahon sa
kabaliwan ng poultry at piggery.
Sa mga kinita ni Nene sa manukan at babuyan, nakapagtayo siya ng malaki-laking sari-
sari store. Saka siya namasukan sa Mababang Paaralan ng Sagrada. Naisip ni Nene
na malaking kustomer ang mga estudyante. Nagtrabaho siya bilang guro ng Home
Economics, ang asignatura tungkol sa sining ng paglalaba, paghuhugas ng pinggan,
pagpapaganda ng bakuran, paglilinis ng bahay, at paggawa ng kung anumang palamuti sa
salas. Bumili si Nene ng iba-ibang klase ng kendi sa palengke, mga gamit pang-eskuwela
at mga pang-araw-araw na gamit sa kusina tulad ng toyo, asin, bawang, sibuyas, at iba
pang recados. Hindi pinabayaan ni Nene ang kaniyang sari-sari store. Gusto lamang
niyang mapalapit sa kaniyang mamimili. Hawak pa niya sila bilang kanilang guro.
Hindi nagkaroon ng takot si Nene na mawalan ng kustomer. Pipiliin at pipiliin pa rin ng
kaniyang mga estudyante ang kaniyang sari-sari store.
Dahil isa rin daw na estudyante ang guro sa loob ng silid-aralan, may natutuhan din si
Nene sa kaniyang mga mag-aaral: ang sining ng mga patalastas.
“Kung ang isang baso ng suka sa Nene’s Sari-sari Store ay piso at ang isang baso ng
toyo ay dalawang piso, ilan dapat ang dadalhin mong pera sa Nene’s Sari-sari Store
kung bibili ka ng dalawang baso ng suka at tatlong baso ng toyo?” Kapag hindi na rin
makapaghintay si Nene na pumunta sa kaniyang tindahan ang mga mag-aaral, siya na
mismo ang nagdadala ng paninda sa paaralan. Isang balot ng mani sa presyong dalawang
piso, pulboron na tatlong piso ang isa, tuwing recess.
Katulad ng mga naunang pinasok na negosyo ni Nene sa umpisa lamang naging malago,
bumaba ang benta noong halos bawat madaanang kanto ay may nakatayo nang sari-sari
store at kung minsa’y may karinderya pa sa harap. May Nita’s Sari-sari Store, Tindahan
ni Aling Prising, Jovy’s Mini-Mart, at kung ano-ano pang pangalan. Ang listahan din
ng utang ay kasinghaba na ng pinagdugtong-dugtong na mga ahas, buntot sa ulo,
na natatagpuan uma-umaga sa kalsada, na yupi sa pagkakasagasa ng mga sasakyan.
Nandoon na pala si Oryol noon pa lamang, hindi ko lamang napansin: sa mga ahas
na nabulabog ng mga engkuwentro ng NPA at Konstabularyo sa kasukalang kanilang
tirahan, nagsilabasan upang masagasaan lamang at magsabog ng dugo at lamang-loob sa
highway ng Sagrada.
Sa kabila ng hirap at pagod na ibinuhos ni Nene sa paglalako ng kaniyang paninda sa
mga estudyante, hindi pa rin niya mapantayan ang kinita niya sa pag-aalaga ng manok at
baboy. Nawalan siya ng gana.
Muli na lamang nabuhayan si Nene nang dumating si Mr. Edwards sa Sagrada.
Naghahanap ang Amerikano ng matutuluyan sa loob ng isang buwan. Hindi nag-atubili
ang mag-inang Nene at Selya na patuluyin siya sa kanilang malaki ngunit lumang bahay.
“Dagdag na kita!” paliwanag noon ni Nene na hindi naman tinutulan ni Selya na noon na
naman lamang nakatagpo ng Amerikano.
Isang turista ang pakilala ni Mr. Edwards. Ngunit hindi ang Bulkang Mayon ang ipinunta
niya sa Bicol kundi ang Daro-anak sa Pasacao. Sinabi nila sa kaniya noon na higit na
maganda kung umupa na lamang siya roon mismo sa Pasacao dahil may kalayuan din
ang Sagrada. Dalawang oras mahigit ang biyahe papuntang Daro-anak magmula Sagrada.
Katwiran naman ni Mr Edwards, marami na raw tao doon at mahal ang mga paupahang
kuwarto. Ang ibinayad niya kay Selya at kay Isko, ang inupahang tagapaghatid-sundo ni
Mr. Edwards sa Pasacao ay higit na mababa kaysa sa ipambabayad niya sa renta doon.
Nagtitipid din pala ang mga Amerikano, naisip ko noon.
Misyon daw ni Mr. Edwards sa buhay na gagawin niyang sikat ang Daro-anak sa buong
mundo. Isang pulo sa Pasacao ang Daro-anak. Kakaiba ang pulo dahil parang isang bukid
na nagkataon lamang na ibinagsak sa kapatagan ng dagat. Parang naligaw na kapatid ng
mga luha ng higante na naging Chocolate Hills ang Bohol. Walang puno. Lahat talahib at
damo. May kalayuan ang pulo sa pinakamalapit na pampang. Pangarap ni Mr. Edwards
na languyin ang ilang milyang papunta at pabalik sa Daro-anak nang walang tulong sa
anumang kagamitan sa paglalangoy. Dahil dito magiging sikat daw siya bilang taong
kayang makalangoy nang pulo sa pulo sa Guinness Book of World Records. Hindi lamang
daw siya ang sisikat pati na rin ang lugar ng Daro-anak.
Nang buong buwan ngang iyon ng Oktubre, dalawang beses bawat linggong inihahatid-
sundo ni Isko si Mr. Edwards sa Daro-anak. Ginawa na ring assistant ng Amerikano si Isko
na susundan niya sa paglalangoy sa isang bangka. Para sa kapakanan ni Mr. Edwards,
kapag hindi na kaya ng kaniyang limampung taong gulang na katawan, sasakay na
lamang siya sa bangka ni Isko at muling sisimulan ang isa pang pagsubok.
Sa mga kuwento ni Isko kung paano halos malunod na si Mr. Edwards sa kalalangoy,
naawa na kaming mga taga-Sagrada. Pinayuhan namin siyang kung talagang gusto niyang
marating ang pulo ng Daro-anak, hintayin na lamang niya ang takipsilim sa Pasacao. Sa
pagkati ng tubig sa dapithapon may lumilitaw na tulay na lupa na nag-uugnay ng Daro-
anak sa dalampasigan. Higit na kahanga-hangang pakinggan na nilakad ng isang tao ang
pagitan ng dalawang pulo kaysa sa nilangoy. Hindi nga lang namin maintindihan kung
bakit ayaw pakinggan ni Mr. Edwards ang aming payo.
Hindi nagtagal at nakasanayan na rin namin ang paulit-ulit na pamamalagi ni Mr.
Edwards sa Sagrada nang isang buwan, tuwing Oktubre. Naging masaya na rin ang lahat
para sa dagdag na kabuhayan nina Isko, Selya, at Nene. Napalitan na ni Cory Aquino
si Ferdinand Marcos at ni Fidel Ramos si Cory Aquino sa pagkapangulo ng Filipinas,
naroon pa rin si Mr Edwards, nangangarap pa ring makasama sa Guinness Book of World
Records.
Subalit hindi nakapagtatakang umabot nang ganoon katagal si Mr. Edwards sa kaniyang
pangangarap dahil may lumabas na tsismis na hindi naman daw talaga ito ang pangarap
ng Amerikano.
Hindi lamang mani at pulboron ang ibinebenta ni Nene sa kaniyang mga estudyante.
May mga plastik na baril-barilan na rin, mga eroplano, tren, mga tangke, at kung
ano pang mga laruan. Nagreklamo ang mga magulang na dapat itigil na ni Nene ang
pagtitinda. Lalong-lalo na raw iyong plastik na baril na nalalagyan ng maliliit na balang
plastik. Baka raw makabulag sa mga anak nila.
Muling nakita ni Nene ang kasaganaang naramdaman niya sa panahon ng
pagmamanukan at pagbababuyan. Hindi pumayag si Nene sa gusto ng mga magulang
na pinangangambahan ang pagkabulag ng kanilang mga anak. Ang ginawa na lamang
niya ay umorder kay Mr. Edwards ng mga baril na tubig ang bala. Manghang-mangha
ang mga estudyante dahil kulay-pula ang tubig. Kaya kapag natatamaan nila ang kanilang
kaaway, parang duguan talaga ang damit ng mga ito. At pagkatapos lamang ng ilang
minuto maglalaho ang dagta at makauuwi silang hindi mapapagalitan ng kanilang mga
labanderang ina.
Hindi na rin nakapagreklamo ang mga ina lalo na nang magbenta si Nene ng mga
hulugang t-shirt, pantalon, at sapatos sa kaniyang sari-sari store na umabot sa pagiging
boutique kinalaunan. Umorder din si Selya ng payong kay Mr. Edwards nang lubusan
na niyang maagaw ang mga mamimili sa Bombay na naging kaaway niya noon.
Walang nagawa ang Bombay kundi ituon na lamang ang kaniyang pagnenegosyo sa
pagpapautang ng five-six.
Ang talagang pangarap daw ni Mr. Edwards ay ang pagkakaroon ng mapagbebentahan ng
mga laruan, damit, at iba pa, at hindi ang pagkakasali sa Guinness Book of World Records.
Pinili niya ang Sagrada, hindi dahil palaging inaantok dito ang mga pulis at walang
panahon upang tuntunin ang pinagmulan ng mga payong, kalan, at kobrekama, kundi
dahil naniniguro lamang talaga si Mr. Edwards na may kakagat sa kaniyang mga produkto.
Alam niya na habang lumalayo siya sa kabihasnan ng lungsod, higit na maibebenta niya
ang kaniyang mga produkto.
Ang sabi naman ng iba, na naniniwala na ang puso ni Mr. Edwards ay kasimputi ng
kaniyang kutis, si Nene ang may kasalanan ng lahat. Si Nene raw ang nagsulsol kay Mr.
Edwards na magdala ng mga imported na bilihin. Ang patunay daw nila: sa ikalawang
buwan lamang nagsimulang magbenta si Mr. Edwards at hindi sa una. Baling naman ng
mga naniniwala na sing-itim ng mga Agta ang puso ni Mr. Edwards, tiningnan lamang daw
kasi niya kung talagang may pera nga sa Sagrada noong unang buwan kaya wala siyang
dala.
Kinausap ko minsan si Nene. Sa kaniya ko nalaman ang kuwento ng Amerikano.
Tumakas daw si Mr. Edwards sa Amerika nang sumiklab ang digmaan sa Vietnam
noong 1966. Hindi lang naman daw siya ang tumakas. Marami raw sila. Pinili raw niya
ang Filipinas dahil nandito ang base militar. Kapag nagbago raw ang kaniyang isip para
sa pagmamahal sa kaniyang bayan madali raw siyang makakatagpo ng mga kapuwa
Amerikano. Ngunit hindi nagbago ang kaniyang isip dahil natuklasan niyang maganda raw
palang magnegosyo rito sa Filipinas. Lalo niya itong napatunayan nang mawala si Marcos
at nagkagulo ang Filipinas sa pamamahala ni Cory Aquino. Ang kailangan mo lamang
daw gawin ay pumunta sa mga liblib na baryo at doon magnegosyo. Abala ang lahat sa
mga kaguluhan sa siyudad at Maynila upang pakialaman pa sila.
Si Mr. Edwards ang may balak talagang magbenta ng imported doon sa Sagrada.
Nakipagsosyo lamang sa kaniya si Nene. Nang ibalita raw ni Mr. Edwards ang kaniyang
plano kay Nene, hindi raw nag-atubili si Nene. Sabi niya kay Mr. Edwards, bibilhin niya
ang lahat ng dadalhin nito sa Sagrada. Pakyawan nang wala nang problemahin si Mr.
Edwards sa pagbibenta at pagsingil ng pautang, hindi kagaya ng Bombay. Ngunit may
kondisyon: si Nene lamang ang bibentahan ni Mr. Edwards nang maging madali naman
sa kaniya ang paglalako sa mga produkto. Sumang-ayon naman agad si Mr. Edwards.
Hindi lang pala nagtitipid ang mga Amerikano, nagsa-sideline din, sabi ko na lang uli
noon sa sarili.
Ang pangarap naman daw ni Mr. Edwards na masama sa Guinness Book of World Records
ay pakulo lamang niya upang ituring lamang siyang suking turista kung sakaling may
magising na pulis sa kalam ng tiyan at makaisip mandelihensiya. Saka hilig daw talaga ni
Mr. Edwards ang lumangoy. Napakainit daw talaga sa Filipinas. Hindi na raw siya nasanay
kahit may ilang taon na ring naninirahan dito.
“Napakainit talaga rito sa Filipinas,” pagsang-ayon naman ni Selya sabay paypay ng
kaniyang abaniko.
Hindi lamang si Nene noon ang nabuhayan sa pagdating ni Mr. Edwards. Pati na rin si
Selya. Kahit nasa sisenta anyos na, nakuha pa rin niyang makipaglandian sa limampung
taong gulang na Mr. Edwards.
“Age doesn’t matter,” sabi noon ni Selya, kaya hindi siya mapagbabawalan.
“Age doesn’t matter!” sabi rin ni Nene at nangarap din siyang magkatuluyan sila ni
Mr. Edwards. At kung edad ang pag-uusapan, ang agwat ni Mr. Edwards kay Nene ay
sampung taon din katulad ng agwat niya kay Selya. Ngunit higit na maganda raw kung
mas matanda ang lalaki kaysa sa babae kaysa ang babae ang higit na matanda sa lalaki.
Higit na matagal daw tumanda ang pag-iisip ng lalaki.
Noon nagsimula ang away ng mag-ina. Higit na mapilantik pa sa dila ng ahas ang mga
dila nina Nene at Selya kapag nag-aaway sila. Ang tanda-tanda na raw ni Selya, sabi ni
Nene, naglalandi pa, gayong pumasok na raw sa menopause. Kapag dumarating naman
si Mr. Edwards upang dalhan muli ng paninda si Nene at subukang languyin muli ang
Daro-anak, nawawala ang pilantik ng mga dila nina Nene at Selya.
Sa hapag-kainan, sa salas o kaya’y sa bakuran kapag maliwanag ang buwan,
kukuwentuhan ni Selya si Mr. Edwards tungkol sa kapanahunan ng mga Amerikano sa
Filipinas. Noong bago pa man dumating ang mga Hapon at kung paano siya niligawan ni
Mr. Smith. Sabi raw sa kaniya noon ni Mr. Smith, hindi raw siya nababagay sa Filipinas.
Higit na nababagay raw siya sa Amerika nang hindi na siya nagpapaypay ng abaniko nang
ganoon kabilis. Saka ipakikita ni Selya kay Mr. Edwards ang kaniyang abaniko, na noon pa
ma’y punit-punit na sa palagiang paggamit.
“Napakarami nang ganiyan sa Maynila,” pansin noon ni Mr. Edwards sa wikang Ingles.
“Ginaya lamang nila. Dala ito ni Mr. Smith galing sa Amerika,” sagot naman ni Selya sa
baluktot na Ingles na natutuhan niya sa nasirang asawa.
“Gusto mo dalhan kita niyan sa sunod na pagbisita ko?”
“Basta yung galing sa Amerika!”
Subalit pag-alis noon ni Mr. Edwards hindi na siya nagpakita sa buong taon ng 1986.
Isa rin siguro ito sa mga nagbunsod kay Nene na pumunta sa Maynila nang magkagulo
sa EDSA, sabi ng ilan. Ngunit nakabalik na sina Nene sa Sagrada at natapos na ang
Rebolusyon sa EDSA at hindi pa rin nagpapakita si Mr. Edwards. Lumipas ang mga
buwan at hindi siya dumating. Nasingil na halos lahat ni Nene ang mga hulugan wala pa
rin siyang bagong maibebenta. Akala niya noon wala na si Mr. Edwards sa buhay nila.
Nalungkot si Selya dahil hindi na mapapalitan ang kaniyang antigong pamaypay.
Nang dumating ang buwan ng Pebrero, taong 1987, muling nagpakita si Mr. Edwards.
Isang palumpon ng pulang rosas ang dala niya at isang kahon ng tsokolate. Wala siyang
dalang abaniko. Ibinigay ni Mr. Edwards ang mga rosas at tsokolate kay Nene. Ibinigay ni
Nene ang tsokolate kay Boboy. Walang biyayang natanggap si Selya kundi isang scotch
tape upang pagtagpi-tagpiing muli ang kaniyang punit-punit na pamaypay.
Akala raw ni Mr. Edwards magkakaroon ng giyera sa Filipinas nang nakaraang taon. Hindi
raw siya makabalik-balik dito sa Filipinas sa takot. Ngunit ngayon at gumanda na ang
papawirin para sa negosyo bumalik kaagad si Mr. Edwards at may balak pang pakasalan
si Nene. Doon nagtapos ang away ng mag-ina. Nanahimik na lamang si Selya sa kaniyang
pagkatalo.
Hindi naman tumanggi si Nene sa balak ni Mr. Edwards gayong matagal na rin silang
magkakilala at naging magkasama na rin sila nang ilan taon. Napatunayan na rin noon
ni Nene na peke ang isinauling Birhen ng Peñafrancia noong 1972. Sa Birhen na nga
lamang siya umaasa at naniniwalaa noon, pagkatapos nawala pa. Wala na rin siyang
pakialam sa pakikibaka ni Benjamin na may ilang taon na ring patay. Lahat ng kaniyang
ipinaglaban at pinaniwalaan ay naglaho nang lahat. Kaya nang niyaya siyang pakasal
ni Mr. Edwards, wala siyang makitang dahilan upang tumutol. Hindi raw sila rito sa
Filipinas magpapakasal. Sa Amerika raw. Dadalhin daw niya si Nene roon. Ngunit bago
sila magpakasal, kailangan na muna raw nilang palaguin ang boutique nila sa Sagrada.
Ang nais na ngayon ni Mr. Edwards ay hindi na lamang isang boutique kundi isa nang
department store.
Dinagdagan pa ni Nene ang mga binibili niya kay Mr. Edwards. Bilang patunay na
hindi siya niloloko ni Mr. Edwards, dinala siya nito sa Maynila kung saan daw sila
magbabakasyon. May sasabihin daw siyang lihim kay Nene. Hindi noon isinama ni Nene
si Boboy dahil nag-aaral na siya sa Mababang Paaralan ng Sagrada.
“Buo ang tiwala ko noon sa kaniya, Tiyong,” sabi sa akin ni Nene bago siya umalis
papuntang Amerika sa paghahanap kay Mr. Edwards. Nabigla raw siya nang sabihin sa
kaniya ni Mr. Edwards na ang mga ibinebenta niyang mga kaldero, laruan, at iba pa ay
binili lamang sa Maynila, sa Divisoria raw kung saan mura ang lahat ng bilihin. Ngunit
hindi naman daw iyon panloloko dahil galing naman daw talaga iyon sa ibang bansa.
Hindi nga lamang daw siya ang mismong nagdala sa bansa.
Sabi ni Mr. Edwards na makikipagsosyo na sila nang pormal, may kontrata, sa mga may-
ari ng binibilhan nila sa Divisoria. Magtatayo raw sila ng department store sa Sagrada.
Uunlad daw ang Sagrada kapag naitayo nila ang tindahan. Dadayuhin daw sila ng mga
taga-ibang bayan. Ipapangalan daw nila kay Nene ang department store. Nabunyag din
kay Nene ang isa pang sikreto ni Mr. Edwards. TNT raw kasi siya kaya hindi maaaring sa
kaniya ipangalan ang department store. Pagkatapos daw ng kanilang kasal, kukuha na
lamang siya ng dual citizenship. Ngunit samantalang hindi pa siya Filipino, si Nene na
muna ang maglalakad ng lahat ng papeles ng itatayo nilang negosyo. Lalago raw ang
negosyo dahil paunlad na raw ang bansa. Bibili raw sila ng isang dyip na maghahakot ng
mga ibebenta nila sa Sagrada. Pagkatapos, hindi lamang daw sila sa Sagrada magtitinda;
pati na rin sa mga karatig-bayan.
Hindi ko noon alam kung ano ang iisipin ko, dahil hindi lamang pala mga Filipino ang
nagti-TNT.
Biglang-bigla noon si Nene sa mga lihim na ibinunyag sa kaniya ni Mr. Edwards.
Binantaan kaagad niya si Mr. Edwards. Hindi aasenso ang anumang negosyo sa bayan
ng Sagrada dahil ang mga tao rito ay parang mga aninong tagasunod lamang sa katawan
ng tao. Ngunit naalala ni Nene ang anino sa loob ng bahay na bato. Hindi anino,
pagwawasto niya. Higit na angkop na parang loro. Kung may sasabihin ka, ang gagawin
lamang ay ulit-ulitin ang sinabi mo nang walang iniiba. Kung walang ituturong bago,
wala ring matututuhang bagong salita. Ngunit hindi rin talaga katulad ng anino o ng loro
dahil kakaiba ang ganitong panggagaya sa bayan ng Sagrada. Hindi sa ginagaya lamang
talaga. Nais lamang talunin ang ginagaya. Parang mga talangka. Parang mga alimango.
Marahil aasenso sa unang mga taon ang itatayo nilang department store. Dudumugin pa
nga siguro ng mga tao, natitiyak na halos ni Nene. Ngunit kapag nalaman nilang galing
lamang sa Maynila ang mga ibinebenta, hindi malayong gagawa rin sila ng sarili nilang
department store. Ipagkakalat pa nila sa buong bayan ng Sagrada kung paano sila naloko.
Darating ang panahon na wala nang bibili sa kanila at sila-sila na rin mismo ang mag-
aaway-away para sa mga mamimili.
Ipinamukha rin ni Nene sa kaniya na ang tatlumpung taong walang ipinagbago ng maliit
niyang negosyo sa tulong ni Mr. Edwards ay sapat nang patunay na walang mangyayari sa
balak nila. Nakita rin siguro ni Mr. Edwards ang lohika ng paliwanag ni Nene, na dumaan
na sa panahon ng yelo, ng manok at baboy at sari-sari store. Mag-isa na lamang na
bumalik si Nene sa Sagrada at halatang-halata ang pagod sa kaniyang mukha. Susunduin
na lamang daw siya ni Mr. Edwards sa Pebrero ng susunod na taon.
“Naku, may nangyari sa Maynila,” paliwanag ng isa sa maputlang mukha ni Nene pag-uwi
niya.
“Inuna ang pulot-gata.”
“Aba’y siyempre! Baka napag-iwanan na nga ang babae ng panahon.”
Mahigit apatnapung taong gulang na noon si Nene.
Napakabilis na ng mga pangyayari ng mga panahong iyon. Hindi nagtagal at pinalalayas
na ng mga Filipino ang base militar ng Amerika sa bansa. Masyado na raw matagal ang
ipinirmi nila sa Filipinas. Masyado nang mapanganib para sa Filipinas na nandito ang base
militar ng Amerika. Maraming dahilan ang ibinigay.
Ikalawa ng Abril 1991 nang pumutok ang Bulkang Pinatubo pagkatapos ng anim na
daan at labing isang taong pagkakahimlay. Ang ulan ng abo, makalipas lamang ng ilang
araw, ay nakarating na sa Bicol upang ihatid ang balita kay Nene na hindi na darating si
Mr. Edwards. Walang ibang nakakuha sa amin ng balita kundi si Nene lamang, dahil
abalang-abala ang lahat ng tao sa kapapasok ng mga basang sinampay. Sa pagdapo
ng mga abo sa mga basang sinampay natutunaw agad sila, dumidikit sa labada at
nagiging mantsa na hindi naman pinangambahan ng mga labanderang ina dahil kayang-
kaya naman daw linisin nina Mr. Clean, Ajax, at Perla. Walang natataranta sa Sagrada
dahil kaya namang linisin ng tubig ang maimpis na abo sa halamanan, sa lupa, at sa
kalsada, hindi katulad sa mga abong umulan sa magkakatabing bayan ng Pampanga na
nagpaguho sa hindi iilang mga gusali at kumitil sa libo-libong buhay.
Taong 1992 nang mapasakamay na ng Filipinas ang Subic Naval Base at Clark Air Base.
Kahit Disyembre pa ang palugit ng paglilipat, Setyembre pa lamang tapos na ang
lipatan. Dumaan ang mga taon nang hindi nagpapakita si Mr. Edwards. Lihim itong
ikinatuwa ni Selya. Akala niya’y matatalo na siya ng kaniyang anak sa pangangasawa ng
isang Amerikano. Mabuti at anak niya ang niligawan at iniwan. Ngayon ay amanos na
sila. Kapuwa na nila alam ang nararamdaman ng isang naloko.
Sa mga taga-Sagrada namang hindi nakaaalam sa tunay na dahilan ng bigla na lamang
pagkawala ni Mr. Edwards, ang naging katwiran na lamang ay marahil daw nalangoy na
niya ang Daro-anak. Ngunit walang dumating na balita tungkol sa pagkakasali ng Daro-
anak sa Guinness Book of World Records. Noon sila naghaka-haka na baka minsan daw
sinubukan niyang languyin ang Daro-anak nang hindi ipinaaalam kay Isko; nahihiya na
siya sa paulit-ulit na pagkabigo. Marahil daw hindi na nakayanan ni Mr. Edwards ang
paglalangoy at nalunod na lamang. Hindi nila nakuhang itanong ang kasagutan kina
Nene at Selya dahil naawa sila sa bigla na lamang pagkawala ng negosyo ng mag-ina.
Binura na rin nila ang mga bintang nila kay Nene. Marahil nga ang paglangoy lamang
talaga ang sadyang pakay ni Mr. Edwards sa kaniyang pagpunta sa bayan ng Sagrada.
Isang araw narinig ko na lamang na namamaalam na sa akin si Nene.
“Tiyong, susundan ko po sa Amerika si Mr. Edwards.”
“Alam mo ba ang address niya?” pagtutol ko noon sa balak ni Nene.
“Hindi.”
Ngunit buo na ang pasiya ni Nene. “Bukas po aalis na ako papuntang Maynila.
Aasikasuhin ko pa po ang passport ko. Baka doon ako magsimula sa paghahanap.
Pupunta siguro ako sa Subic o sa Clark. Siguro naman may nakakikilala doon kay Mr.
Edwards. Magpapaturo na lamang ako ng address niya sa Amerika.”
Ito ang ikinuwento ko kay Boboy nang tanungin niya ako tungkol kay Nene. Ikinuwento
ko rin kung paanong ang kakayahang ipinamalas ni Nene upang pasulputin nang parang
kabute ang mga yelo, ice tubig, ice candy, manok, baboy, at sari-sari store ay siya ring
kakayahang ginamit niya sa pagbaklas ng mga estante sa sari-sari store. Nag-sale na si
Nene, bago pa man naging uso rito sa Maynila ang mga sale, ng lahat ng kasangkapan
sa sari-sari store at boutique. Siningil niya ang lahat ng mga utang. Isinanla rin niya ang
bahagi ng kaniyang mamanahin mula kay Severino. Lalo pang nabawasan ang kakaunti
na lamang na hektaryang natira sa Hacienda Nueva. Noon natuklasan ni Nene na higit na
madali ang pagbaklas kaysa sa pagpako ng estante. Higit na madali ang lumikha ng gulo.
“Natagpuan kaya niya Tiyong, si Mr. Edwards?” tanong sa akin ni Boboy.
“Hindi ko alam. Ano ba ang sabi niya sa sulat?”
“Wala. Wala siyang sinasabi tungkol kay Mr. Edwards.”
“Siguro nga, hindi pa niya natatagpuan.”
“Hindi niya ako kinausap nang umalis siya.”
“Pero sinusulatan ka naman niya.”
“Hindi ko naman siya masulatan.”
“Ano ang natatandaan mo nang umalis siya?”
“Wala. Nagmamadali siyang makaakyat sa bus. Inaayos ang mga bagahe. Hinahanap ang
tiket. Nagpapaganda siya. Tapos sabi niya sa’kin ingatan ko raw ang sarili ko.
Hindi ko na sinabi kay Boboy, ngunit natatandaan ko noon si Nene, parang si Estela nang
makita ko ang kaluluwa nitong papuntang gubat. Pinili ni Estela ang gubat dahil parang
inaasahan lamang talaga na doon siya pupunta. Natural lamang. Isa siyang nawawalang
kaluluwa at ang gubat ang bayan para sa mga nawawala.
Muling lumamig ang paligid. Narinig kong may ibinubulong na tanong sa akin ang
kaluluwa. Itinatanong niya kung bakit hindi sa gubat pumunta si Nene.
May sariling dahilan si Nene. Ngunit hindi pa ito ang wastong panahon upang itala iyon
at mantsahan ang kadalisayan ng papel ng isang higit na masakit pang alaala. Sapat
nang sabihin na ang gubat ng lungsod ang kaniyang pinili. Hindi mapakali ang kaluluwa
sa aking likod. Ngunit natuto na ako minsang huwag uunahan ang panahon. Sapat
nang sabihin na rito sa gubat ng lungsod nababagay ang pagkaligaw ni Nene. Sapat
nang sabihin na ang bus na sinakyan niya papuntang Maynila ay nag-iwan ng bakas na
parang nilikha ng isang higanteng sawa. Ni hindi niya nakuhang magpaalam sa aninong
umaaligid sa bahay na bato. Noon ko unang naramdaman ang kamandag ng aking mga
kuwento, dahil umalis si Nene pagkatapos kong isalaysay sa kaniya ang kuwento ng
mga Nueva. Humingi siya noon ng tulong sa akin. Akala ko makakatulong sa kaniya ang
kasaysayan ng kaniyang pamilya.
Sa tingin ko’y hindi narating ni Nene ang Amerika. Marahil narito lamang siya sa Maynila.
Hindi ko noon maipaliwanag ang selyong nakatatak sa mga liham na padala niya. May
tatak namang New York. Ngunit nang makarating ako rito sa Maynila nakita kong
nagkalat ang mga gumagawa ng iba’t ibang disenyo ng selyo at stamp pads. Magaling
ngang manggaya ang mga Filipino. Hindi mahirap gayahin ang tatak ng selyo. Ang
ikinalulungkot ko lamang ay si Nene; si Nene, na siyang nagpasimula ng panahon ng
mga yelo, manok, at baboy sa aming bayan bago pa man nakarating ang Sariwanok ng
Magnolia sa Sagrada at bago pa man ang mga mega-sale sa mga malls dito sa Maynila; si
Nene na nakilala ko bilang babae ng mga simulain ay sa huli’y natuto na ring manggaya.


BAGONG BAYANIni Joseph Salazar


LIMPAK-LIMPAK na salapi ang nagastos sa pagbili lamang ng kaniyang damit. Sa
dami ba naman ng taong inutangan ni Aling Clara, paano ba namang hindi kakalat
ang mga bali-balita? Disiotso anyos lang si Lea subalit, sa kaniyang kamusmusan,
inako na niyang lahat ang obligasyong maghanap ng perang ipantutustos sa kaniyang
pamilya. “Hindi mo ba alam,” bulong ng mga tsismosang nanay na nagmamaang-
maangan pa para lamang may mapag-usapan. “Pupunta si Lea sa Amerika.” Ikukunot
nila ang kanilang noo, itataas ang mga kilay at iaangat ang mga ilong upang simulan
ang pang-uusisa sa mga detalye ng kaniyang pangingibang-bayan. Natuyo na ang
kanilang mga labada, nagkalat muli ang alikabok na winalis sa isang tabi at nasunog
na ang kanilang mga sinaing, asahan mong nariyan pa rin ang kanilang mga tsismis.
Samantala, nagkunwang tahimik lamang ang mga ama sa piling ng di matapos-
tapos na kuwentuhan ng kanilang mga asawa. Gaya ng dati, hindi nila ipinakikita na
naaabala rin sila ng mga pangyayaring nagaganap sa San Joaquin. Subalit binubuhos
naman nila ang kanilang paghanga kay Ka Nardo, ang yumaong ama ng dalaga, sa
kanilang mga inuman. “O, para kay Ka Nardo,” isisigaw nila sabay tagay ng serbesa.
“Kung buhay lamang siya, pihadong matutuwa ito kay Lea.”
Tunay ngang isang malaking pangyayari ang nakaakit sa pansin ng San Joaquin.
Habang abala si Lea sa paghahanda sa kaniyang nakasabit na kontrata – nakasabit
sapagkat maraming pasikot-sikot hinggil sa kung ano-anong legalidad ang kailangan
pa niyang pagdaanan – abala rin ang buong bayan sa pagpapalitan ng mga kuro-
kuro. Hindi sila magkasundo sa pagtinging ibibigay nila kay Lea. Sa isang banda, siya
ang anak ni Aling Clara na magpapaahon sa kaniyang pamilya mula sa kahirapan:
kaiinggitan, kamumuhian, masarap siraan. Subalit siya rin ang anak ng San Joaquin
na kapupulutan ng pag-asa: pupurihin, tatangkilikin, gagawing pangunahing tauhan
sa mga kuwentong isasalaysay sa ilang henerasyon ng kabataan.
Piling-pili ang Lunes ng kaniyang pagpunta sa embahada. Katatapos lamang ng kasal
ni Paciano kay Elena noong Linggong dumaan, at walang duda na ang kaniyang
pangalan ang laman ng mga usap-usapan sa naganap na handaan. Aba, natalo
pa niya ang mga ikinasal sa paglaganap ng atensyon ng San Joaquin. Sa halip na
pagtawanan ang kapilyuhan ni Paciano na nagkunwang papasok sa seminaryo para
lamang payagan ito ng ama ni Elena na makausap ang dalaga, naging tampok ang
buhay ni Lea. Pinagtalunan nila ang kaniyang pagiging masunuring anak at masungit
na kapitbahay, mapagmahal na kaibigan at di matalinong kaklase, mapagbigay na
pinsan at mataas kung mangarap na pamangkin. Kalat na kalat ang balita: pupunta
si Lea sa Amerika. Bagama’t hindi pa naitatakda ang ganitong kapalaran, kumbinsido
na ang San Joaquin na pupunta talaga siya sa Amerika. At dahil sa mga umiinog
na usapin kahapon sa kasal nina Paciano, gumising nang maaga ang buong bayan,
dumungaw sa kani-kanilang mga bintana, pumuwesto kapiling ng paborito nilang
kakuwentuhan, at inabangan ang paglabas ng walang kamuwang-muwang na dalaga
mula sa maliit na kubong kaniyang tinitirhan.
Noon pa nila gustong makausap si Lea subalit lagi na lamang abala ang dalaga.
Maging ang mga kabarkada niya’y napikon sapagkat hindi siya makausap, ni wala
silang maibahaging detalye sa mga ina nilang gabi-gabi na lamang nangungulit
tungkol sa hinaharap ng kaibigan nilang pupunta sa Amerika.
Maganda sana ang pagkakataong ibinigay ng handaan sa kasal ni Paciano upang
mausisa si Lea. Matagal nang pinangarap ng buong San Joaquin na makausap
siya. ‘Yun nga lang, pinili ni Aling Clara na itabi ang kaniyang anak kay Ore.
Nakapagtrabaho na dati si Ka Ore sa isang pabrika sa Amerika kung kaya’t
pinagsamantalahan ng biyuda ang pagtatanong hinggil sa magiging buhay ng
kaniyang anak doon. At sa puntong ito kung saan tanging ang embahada na lamang
ang makapipigil sa pag-alis ni Lea, hindi mo masisi si Aling Clara na walang ginawa
maghapon kundi mangalap ng mga payong makatutulong sa kaniyang anak na
pupunta sa embahada sa kinabukasan.
“Aba, kailangan pa ba ‘yon?” laking gulat niya matapos ikuwento ni Ka Ore ang
tungkol sa kakilala niyang TNT na hindi nakakuha ng Visa dahil hindi nito alam kung
anong trabaho ang ibibigay ng pabrikang tumanggap sa kanya. “Kasalanan na ‘yan
ng recruifing agency. Sila ang nagsabi na may trabaho, eh. Siyempre, nag-aplay itong
si Lea, ilang trabaho ba ‘yung sinabi nating kaya mong gawin sa applicafion form?”
tanong agad ni Aling Clara kay Lea. Tahimik lamang ang dalaga. “Malay ba namin
kung alin do’n ‘yung ibibigay sa kanya. Walang sinabi sa sulat.”
“Ay, ganoon na nga,” sumbat ni Ka Ore. “Sinasabi ko sa iyo, idadahilan sa inyo ng
Kano na porke ba’t may trabaho na, papayag na lang basta-basta? Hindi pupuwede
sa kanila ang gano’n. Ang gusto nila, alam mo ang pinapasukan mo.” Sa lakas ng
boses ni Ka Ore, halos lahat ng bisitang naupo sa silid ay nakinig na lamang sa mga
kuwento niya. Ni isang salita walang nabitiwan ang ibang mga matatandang noon
pa kating-kati na mausisa ang dalagang pupunta ng Amerika. “Ay, Lea,” patuloy ni
Ka Ore. “Sinasabi ko sa iyo, dapat siniguro mo muna ‘yan. Naku! Paano kung hindi
disenteng trabaho ang bagsakan mo? Ha?”
“Ka Ore, ano ba naman ang iniisip mo?” sagot agad ni Aling Clara. “Legal ang
recruifing agency na pinag-aplayan namin. Aprubado ng POEA ‘yon. Huwag mo
namang takutin ang anak ko ng ganyan.”
Nanlaki ang mata ng matanda. “Naku, Clara! Hindi ko siya tinatakot. Ang hirap din
kasi sa mga kasong ganyan, kapag hindi masiguro ang trabaho pag-alis dito, pihadong
walang trabaho pagdating doon. Maski na ba legal ang recruifing agency dito,
naloloko din ‘yan ng mga Kano do’n. Ano nga ba kasi ang trabahong pinasukan mo?
Ha?”
10 Tumingin lamang si Lea kay Aling Clara na madaling nagtanong: “E, Ka Ore, bukod sa
trabaho, ano pa kadalasan ang mga tinatanong?”
11 “Depende. Kung magpapakasal ka, halimbawa, itatanong sa iyo kung ano ang
ginagawa ng asawa mo, ano ang trabaho niya, saan siya nakatira, sino ang nanay
niya, ilang kuwarto mayroon sa bahay niya, ano ang paborito niyang kulay.
Tinatanong din nila kung anong balak mong gawin matapos ang ilang buwang
paninirahan doon, kung babalik ka pa, kung may balak kang manirahan doon nang
tuluyan. Tinatanong din nila kung ano ang alam mo sa Amerika, kung ilan na ang
mga pangulo nila. Tapos kung may pamilya ka rito, tatanungin nila kung ano-ano ang
pinaggagagawa nila rito, kung may balak silang sumunod sa iyo pagdating mo doon.
Kung wala ka namang pamilya, tatanungin nila kung may boyfriend ka na...”
12 “Pati ba naman ang boyfriend tinatanong?” sabad ni Aling Clara.
13 “Bakit, may boyfriend na ba si Lea?”
14 “Wala,” tugon agad ni Aling Clara. Ngumiti naman sa hiya si Lea habang
mapanuksong humiyaw ang ilang nakikinig. “Pero bakit naman kailangan pa nilang
pag-aksayahan ng panahon ang mga detalyeng ganyan?”
15 “Ay, Clara,” wika ni Ka Ore. “Kapag nagtatanong ang mga Amerikano, aakalain mo
may ginawa kang kasalanan. Napakabagsik nila. Kulang na lamang ay hubaran ka.
Aba, pati nga kulay ng panti mo natatanong kung minsan. Mapipilitan ka namang
sumagot. Kapag nandoon ka na’t tinamaan ka na ng kaba sa dibdib, wala nang
magagawa ang pagsisinungaling. Kung hindi ka naman makasagot nang tuwid, hindi
ka makakapunta ng Amerika. Wala, hindi ka nila papayagan. Dapat listo ka. Tuwid
ang pag-iisip. Hindi ka dapat aanga-anga. Bawat yes na sagot mo, bigyan mo ng
dahilan. Bawat no na sagot mo dapat maipaliwanag mo nang husto. Matuto kang
gumawa ng dahilan. Kung tango ka lang nang tango ng ulo, walang mangyayari sa
iyo. Kahit baluktot ang Ingles, sige lang. Ipakita mo ang nalalaman mo, na matalino
ka at karapat-dapat kang mabuhay sa bayan nila. Siguraduhin mo na alam mo ang
ginagawa mo.
16 At sinimulang muli ni Ka Ore ang kaniyang talambuhay. Magsisisenta na si Ka Ore
subalit ang kaniyang alaala ay umiinog lamang sa walong taong nanirahan siya sa
Amerika. Ilang beses nang narinig ng mga taga-San Joaquin ang kaniyang kuwento.
Memoryado na nila ito. Kahit alam nilang iniimbento na lamang ng matanda ang
ilang detalye, pinalalampas na lamang nila ito. Sinasabayan nila si Ka Ore sa kaniyang
pananaginip na namimitas siya ng mansanas at kahel; o lumalanghap ng malamig na
simoy habang dahan-dahang lumalatag ang niyebe sa lupa; o naglalakad sa ilalim ng
mga puno sa sidewalk, pinakikinggan ang mga nalagas na dahon na nagngungumalot
sa kaniyang pag-apak. Iisipin ng mga taga-San Joaquin na minsa’y mararanasan din
nila ang ganito katamis na buhay. Titingin sila kay Lea, at sa kanilang mga guniguni,
panonoorin nila ang dalagang may suot na Amerikana, pumipitas ng mansanas,
naglalakad sa yelo o sa mga namumulang dahon ng taglagas. Ay, buti pa si Lea.
Makakatikim ng masarap na buhay, lalayo sa hirap, kikita ng dollar. Mabuti pa si Lea,
iisipin nila, pupunta ng Amerika.
17 HALOS hindi na makahinga ang buong bayan nang dumating si Lea mula sa
embahada. Dahan-dahan siyang bumaba sa traysikel, walang imik. Wala silang
makuhang pahiwatig ng tagumpay, ni kasawian sa kaniyang mukha habang hinintay
niyang bayaran ng kaniyang ina ang drayber. Napansin ng drayber ang pananabik ng
mga tao sa kaniyang paligid, at maging siya ay walang balitang maibahagi hinggil sa
kapalaran ng dalaga. Bumaba si Aling Clara sa traysikel, subalit ang kaniyang mukha’y
nakatalikod sa madla, nakaharap sa pinto ng kanilang bahay.
18 “O, Aling Clara, kumusta?” may malakas na loob ang nagtanong.
19 Umiling si Aling Clara sa sama ng loob. “Wala, ni-reject.” Nanatiling tahimik ang
buong San Joaquin. “Hayaan ninyo,” patuloy ni Aling Clara, “may dalawa pa siyang
pagkakataon.”
20 “Aba, Lea,” tawag ng isang ale. “Sinunod mo ba ang payo ni Ka Ore?”
21 Tumango si Lea. “Opo,” sabi niya. “Sinunod ko po ang lahat ng bilin ni Ka Ore.”
22 “Sinasabi ko na nga ba,” sigaw ng isa pang tagaroon.
23 Dahan-dahang naglakad papasok sa kanilang bahay si Aling Clara, mabigat
na mabigat ang loob. Tumingin na lamang si Lea sa mga kababayang maiging
sumubaybay sa sinapit niyang kapalaran. Nakita niya kung paano nasiraan ng loob
ang iba sa kaniyang sinapit na kasawian sa embahada ng mga Amerikano. Nadama
niya ang mga nanlalamig na pagtinging bigay ng ilan sa kanila.
24 Subalit isang tingin lamang ang kaniyang iginanti sa bayang naging manunuri at
tagahanga ng kaniyang makakalimutan ding kasaysayan. At sa kaniyang mga mata
nakita ng San Joaquin ang isang matamis na ngiti ng tagumpay at pag-asa na tila
nakalimutan nilang damhin simula nang isuko nila ang kanilang mga pangarap sa
Amerika.
___________________________________________
Ang akda ay hango sa librong ito:
Santos, B. at C. Santos. (2002). Kawil II: aklat sa paglinang ng kasanayan sa wika at
literatura (KAWIL). Lungsod Quezon: Rex Bookstore, ph. 190-194



BAYAN KO: LABAN O BAWI1?ni Jose F. Lacaba


May mga kaibigan at kakilala akong nag-iisip nang mangibang-bayan. Hindi naman
sila mga Amboy2 na may mental colony, at ang ilan pa nga sa kanila ay magiting na
lumaban sa dalawang People Power Revolution sa Edsa3. Pero nitong mga nakaraang
araw, seryosong pinag-aaralan ng mga kaibigan at kakilala kong ito ang posibilidad na
mag-immigrate4 sa Canada o Australia.
Kung baga, pagod na sila sa laban, bawi na ang gusto nila.
Hindi ko naman sila masisi. Ibon mang may layang lumipad5, kapag matagal-tagal
nang nakakalanghap ng makamandag na hangin dito sa ating bayang magiliw, ay
makakaisip na talagang mag-alsa-balutan at mag-TNT6.
At hindi sila nag-iisa, o nag-iisandaan, o nag-iisang milyon. Ayon sa pinakahuling
survey ng Weather-Weather Station7, 69 porsiyento ng ating mga kabataan—at
siyento-porsiyento ng mga sidewalk vendor at ng mga presong nahatulan ng
kamatayan—ay ayaw nang maging Pilipino. Mas gusto nilang maging Men in Black. O
kaya’y X-Men. O kahit na Hobbit8.
Ang 30 porsiyento naman, ayon pa rin sa nasabing survey, ay gustong sumapi sa
Yaya Sisterhood9. Mas malaki kasi ang kita sa pag-aalaga ng isang uhuging sanggol
sa Hongkong kaysa pagtuturo ng 50 uhuging bata sa ilalim ng punong mangga sa
Barangay Bagong Bakuna.
Gayunman, lumalabas sa survey na may isang porsiyentong nakalaan pa ring manatili
sa ating lupang tinubuan. Ito’y binubuo ng mga sumusunod na sektor: pulitiko,
kidnap-for-ransom gang, Abu Sayyaf10, at SWAP (Samahan ng mga Walang Atik at
Pamasahe).
“Wala na talagang pag-asa ang Pilipinas, sa kabila ng dalawang Edsa at isang
Diosdado Macapagal Avenue11,” himutok ng mga nawalan na ng pag-asa.
Kabilang sa mga ibinigay na dahilan ng paglaganap ng kawalang-pag-asa ang
sumusunod: di-masawatang krimen, di-kinokolektang basura, di-makontrol
na polusyon, sobrang trapik, walang-tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina at
galunggong, kawalan ng hanapbuhay, paghihigpit sa mga pelikulang bold, at
pagpapakasal ni Assunta kay Kongresista Jules12.
Takang-taka ang mga kaibigan ko’t kakilala kung bakit pinipili kong dito pa rin
manirahan sa loob ng bayan nating sawi. Ang una nilang tanong ay: “Bakeeet?!” At
ang ikalawa’y: “Is that your final answer?” “Do you sure?”
10 Ganito ang sagot ko sa kanila.
11 Sa ganang akin, mas masarap pa ring mabuhay sa Pilipinas dahil excifing ang buhay
dito, hindi boring. Kung masyadong plantsado ang bawat araw at gabi mo, kung
sukat na sukat ang bawat oras mo mula sa pagpasok sa trabaho hanggang sa pag-uwi
ng bahay, mamamatay ka sa antok. Samantalang dito sa atin, makapigil-hininga at
makabagbag-damdamin at puno ng misteryo ang bawat sandali, tulad sa telenovela.
12 Paglabas mo ng bahay, hindi ka nakatitiyak na walang aagaw sa cellphone mo.
Pagtulog mo sa gabi, hindi ka nakatitiyak na walang magtatanggal sa side-view mirror
ng kotse mo.
13 Kahit superbilyonaryo ka at marami kang security, tulad ni Kongresista Imee Marcos,
puwede ka pa ring mabiktima ng akyat-bahay13. At kahit superpobre ka at walang
mananakaw sa bahay mo, tulad ng mga taga-Payatas, puwede namang mabagsakan
ng bundok ng basura ang barungbarong mo14.
14 Sa madaling salita, kung narito ka sa Pilipinas, para kang laging nakakapanood ng
palabas sa circus. Marami kang makikitang naglalakad sa alambreng tinik, at kabilang
sa makikita mo ay ang iyong sarili.
15 At saka, marami namang magagandang nangyayari sa ating bayan. Sa kabila ng
kapalpakan at kasuwapangan ng maraming taong-gobyerno, mayroon namang
gumagawa ng kabutihan. Halimbawa, sa Iloilo ay ipinagbawal na ng alkalde ang
bikini car wash . Sa gayon, napangalagaan niya ang dangal, puri, at kalusugan ng
kababaihan. Nawalan nga lang ng trabaho ang mga nakabikining kumikita noon ng
P400 isang araw, pero hindi na sila sisipunin. Kung ipasiya nilang magputa na lang,
baka mas malaki pa ang
kanilang kitain.
16 Salamat din sa pangangalaga sa moralidad na ginagawa ng mga taong-simbahan,
hindi ka na makakabili ngayon ng condom sa 7-11 at iba pang convenience store.
Posibleng lalong lumaganap ngayon ang AIDS sa Pilipinas, o kaya’y maraming
mabubuntis na hindi puwedeng magpalaglag, pero kasalanan nila iyon.
Mahilig kasi silang manood ng Joyce Jimenez16 sa Pasay, e di, ayan, impiyerno sa lupa
ang bagsak nila.
17 Kahit ano pa ang sabihin tungkol sa Pilipinas, grabe rin naman ang kalagayan sa
ibang bansa.
18 Sa New York, halimbawa, kabubukas lang ng Museum of Sex17. Diumano,
mayroon itong layuning historikal at edukasyonal, at ipakikita nito ang “sexual
landscape” sa pamamagitan ng ritrato, poster, painting, libro, at pelikula, na
mangyari pa ay puro malaswa at mahalay sa paningin ni Cardinal Sin18.
19 Alam ba ninyo ang implikasyon ng ganitong Museum of Sex? Lalo pang
mapapariwara ang maraming kalalakihang Amerikano, na pagkatapos ay
magsusundalo, at pagkatapos ay ipapadala sa Pilipinas para sa Balikatan19, at
pagkatapos ay magsisilang ng isa na namang henerasyon ng mga walang-tatay na
tisoy at tisay, na pagkatapos ay kukuning artista ni Kuya Germs20 at sa kalaunan ay
magiging bold star, na pagkatapos ay pupukaw sa makamundong pagnanasa ng mga
manonood, na paglabas ng sinehan ay manggahasa ng unang babaeng makikita nila,
na dahil walang condom ay magsisilang ng sanggol na may AIDS, at pagkatapos...
20 Diyos na mahabagin! Wala na bang katapusan ang trahedya ng sambayanang
Pilipino?
21 Teka muna, bawi na rin yata ako. May mapapasukan kaya ako sa Timbuktu?
__________________________
Lacaba, Jose F. “Bayan Ko: Laban o Bawi?” BULATLAT. Vol. 2, No. 45 December 15-21, 2002.
http://www.bulatlat.com/news/2-45/2-45-labanobawi.html. Accessed: 02 June 2012 (isinaayos at nilagyan
ng mga talababa)
1 Isang laro sa pantanghaling palabas na Eat...Bulaga!
2 Tawag sa mga Pilipinong lumaki sa America. Pinaikling “American boy”.
3 EDSA 1986 na tumapos sa rehimeng Marcos. At 2001 na nagpatalsik kay Estrada.
4 manirahan sa ibang bayan bukod sa lupang tinubuan http://www.merriam-webster.com/dictionary/
immigrate
5 “Ibon mang may layang lumipad”—unang parirala sa koro ng awiting “Bayan Ko”
na isinulat ni Jose Corazon de Jesus at pinasikat ni Freddie Aguilar. Madalas itong
inaawit sa mga kilos-protesta.
6 Pinakiling “tago nang tago”—tawag sa mga Pilipinong nangingibang-bayan at
umiiwas sa batas dahil hindi kumpleto ang papeles.
7 Paglalaro sa totoong tawag sa mga ito na “Social Weather Stations”. http://www.sws.org.ph/
8 Nanggaling sa mga pelikula. Men In Black—tungkol sa sikretong organisasyong
namamahala sa mga alien. X-men—tungkol sa mga taong may-kakaibang abilidad
dahil sa genefic mutafion. Hobbit—maliliit na tao sa mundong nilikha ng nobela/
pelikulang Lord of the Rings.
9 Mula sa nobela/pelikulang Divine Secrets of the Ya-ya Sisterhood na tungkol sa
relasyon ng mag-ina. http://www.imdb.com/title/tt0279778/
10 Abu Sayaff—grupong nasangkot sa iba’t ibang uri ng krimen at teroristang kilos. http://
11 5.1 km highway sa Pasay na naging kontrobersyal noong 2002. Tila raw pinatungan
ng 700 milyon ang presyo nitong umabot ng 1.1 bilyong piso. http://www.bulatlat.com/news/3-
8/3-8-corruption1.html
12 Ikinasal sa huwes ang 19 taong artistang si Assunta de Rossi at ang 41 taong
kongresista ng Negros Occidental na si Jules Ledesma noong Nobyembre 2002. http://
  news.google.com/newspapers?nid=2479&dat=20021103&id=x641AAAAIBAJ&sjid=dyUMAAAAIBAJ&pg=517,36598186
13 Naganap noong Setyembre 2002.  http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=177528
14 Naganap noong Hulyo 2000. http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view/20070810-81712/Garbage_
pile_collapses_at_Payatas_dumpsite,_no_casualties
15 Naging usapin noong kalagitnaan ng 2002. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=166246
16 Artistang tinawag na “Pantasya ng Bayan”. http://www.imdb.com/name/nm0422779/bio
17 Nagbukas noong Oktubre 2002. http://en.wikipedia.org/wiki/Museum_of_Sex
18 arsopibspo ng Maynila 1974-2003. http://en.wikipedia.org/wiki/Jaime_Sin
19 Balikatan Exercises—magkasamang pagsasanay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
at ng US Armed Forces. http://www.globalsecurity.org/military/ops/balikatan_02-1.htm
20 German Moreno, sikat na talent scout na pinasisikat niya sa mga palabas niyang
That’s Entertainment at GMA Supershow. http://en.wikipedia.org/wiki/German_Moreno




PULANGI: ANG ILOG NA HUMUBOG
SA MARAMING HENERASYON
Sipi mula sa Regional Profiles: Peoples and Places (Adarna House, 2009)

Hanggang kamakailan lamang ay sa Ilog Pulangi umiinog ang mundo ng mga taga-
Gitnang Mindanao. May dalawang pangunahing direksiyon lamang ang Maguindanao:
ilod; pababang agos; at laya, pasalungat sa agos.
Itong ilog na tinatawag ring Rio Grande de Mindanao ay tumatawid pababa sa
kanlurang bahagi ng Lungsod Cotabato, at pasalungat na sumusuot sa agos–pasilangan,
pahilaga, at patimog–sa mga lalawigan ng Maguindanao, Hilagang Cotabato, Sultan
Kudarat, Bukidnon, at Agusan. Ang mga lalawigang ito, maliban sa Bukidnon at Agusan,
ang bumubuo sa dating binansagang Imperyo ng Lalawigang Cotabato.
Sa loob ng ilang henerasyon, mula sa panahon ng aking lolo sa tuhod hanggang sa
noong ako’y bata pa, ay ito ang naging pangunahing rutang pangkalakalan ng rehiyon.
Kahit ang galeon ng Espanyol at Olandes, at maging ang mga bapor ng Britanya, ay
naglayag mula sa karagatan patungong Salimbao ng Nuling, ang luklukan ng Sultan ng
Maguindanao. Umangkat sila ng maraming kalakal, kabilang na rito ang gutta percha,
isang uri ng likido na parang kola, na ginagamit ng mga taga-kanluran bilang insulator sa
mga nakalubog na linya ng telepono sa Atlantiko.
Para sa aming mga bata noong dekada-70, pugad ito ng pagsasaya sa pagligo,
pamamangka, paghuli ng ibon at pamimingwit. Kapag tag-araw, isinasama kami ng aking
nasirang ama, na isang manlalayag, sa paghahatid ng mga pasahero’t produkto gamit
ang mga bangka papunta at pabalik mula sa Lungsod ng Cotabato at sa Datu Piang,
ang mga sentro ng kalakalan sa Maguindanao. Minana ito ng aking ama, si H. Muslimin
Maulana, mula sa aking lolo, si Datu Timpolok Buisan, ang ama ng aking Inang si Bai
Ma’mur Rahma Buisan. Ang mga Bangka’y tinawag na Fresco I, II, III, at ang pang-apat
ay ipinangalan sa kapatid kong si Nasser. Hindi lang mga kargamento’t pasahero kundi
pati mga guro at mga aklat pampaaralan ang itinatawid ng mga bangka sa buong rehiyon
namin.
Kahit na nagbigay ng trabaho ang industriya ng transportasyon, umusbong din sa Ilog
Pulangi ang ilang industriyang masamâ para sa kalikasan. Napakaraming bangka ang
humila ng balsa-balsang troso-ipinaaanod sa agos ng ilog hanggang makarating sa bukas
na dagat. Ilang punongkahoy na ba ang dumaan sa Ilog Pulangi? Naramdaman lamang
ang mga epekto ng labis na pagputol ng mga punongkahoy sa balanseng ekolohiko
pagkalipas ng isang henerasyon.
Sa kasalukuyan, hindi na maaring mamangka gaya nang kinawiwilihan ng marami
nang ako’y bata. Naghihingalo na ang ilog. Umaapaw na ito dahil sa pagguho ng lupa
sa pampang nito, na dulot naman ng patuloy na pagkalbo sa kagubatan. Nakalulungkot
isiping hindi na kailanman masasaksihan ng aking henerasyon at ng mga susunod pa ang
ganda at ang biyaya ng Ilog Pulangi.


OBRA
Kevin Bryan Marin


TAUHAN:
MAKSIMO
VITO
DALAWANG SEKYU
VALENTIN
TATLONG ALAGAD
EUGENIO
NAGSUSUBASTA

TAGPUAN:
Ang entablado’y medyo madilim. Isang ilaw lamang ang nakabukas. May tatlong
kahong magkakapatong-patong at doon, nakaupo ang tatlong tao. Ang ayos ng mga
kahon ay parang sa mga tinatayuan ng mga nanalo sa palakasan (hugis tatsulok kung
saan nakapatong ang isa sa dalawang magkatabi sa baba). Sa kahon sa kaliwa nakaupo
ang unang tao, sa pinakamataas na kahon ang ikalawa, ang ikatlo naman sa kanan.
Nakapaligid sa kanila ang mga nakahandusay na anino. Hindi masabi ang oras dahil ang
araw ay tila hindi lumulubog. Sa baba ng entablado ay may dalawang sekyu na naglalaro
ng baraha.
P R O L O G O
*
*
*
UNANG SEKYU [MALIGALIG]
O, pare, tong-its ha! Kitang-kita, walang daya!
IKALAWANG SEKYU [MAGKAKAMOT NG ULO]
Ang malas naman, o! Lagi na lang akong talo! Ayoko na, suko na ‘ko!
UNANG SEKYU
Pare naman, wala namang ganyanan. Ngayon pa lang ako ginaganahan!
IKALAWANG SEKYU [MABABALISA BIGLA]
Uy, pare, padating ang binabae!
[MAGMAMADALING LIGPITIN NG DALAWA ANG MGA BARAHA. MULA SA KANANG GILID
NG ENTABLADO PAPASOK ANG NAGSUSUBASTA.]
NAGSUSUBASTA [GALIT]
Hoy, kayong dalawang tukmol! Kaya naman pala ang mga utak n’yo ay
mapupurol, hari pala kayo ng mga sugarol!
UNANG SEKYU
Ser, hindi naman po…
NAGSUSUBASTA [SASABAT]
Lintek, magmamaang-maangan ka pa! Ang mga pinagagawa ko, kumusta na? Ang
mga upuan, nalinis na ba? Ang mga ilaw, ayos na? Aba, wala pang natatapos ni isa! Kayo
ha, kapag hindi naging maayos ang lahat para mamayang gabi, talagang malilintikan kayo
sa’kin!
IKALAWANG SEKYU [MAAMO ANG MUKHA]
Sige po, ser…makakaasa kayo.
NAGSUSUBASTA
Bueno, kayo ang magbabantay rito…siguraduhin n’yong walang makalalapit dito
dahil pare-pareho tayong mananagot kapag nawala ito. [ITUTURO ANG ENTABLADO.]
DALAWANG SEKYU [PABATO]
Opo!
NAGSUSUBASTA
Tse! Makaalis na nga dito! Kaaga-aga, nasisira ang kagandahan ko!
[LALABAS ANG NAGSUSUBASTA SA KALIWANG GILID NG ENTABLADO AT MAIIWAN ANG
DALAWANG SEKYU SA GITNA.]
UNANG SEKYU
Grabe ang baklang ‘yun! Kung magalit, parang leon! May regla siguro!
IKALAWANG SEKYU
Ewan ko. Binabayaran tayo rito para magbantay at hindi masabon ng bading na ‘yun.
[MAKIKITA ANG NAKATAGONG BARAHA NA NAKAIIPIT SA MEDYAS NG UNANG SEKYU] O,
kita mo na! Pati ako dinadaya! Magsama kayo ng baklang ‘yun! E… ibalik mo na kasi yung
pera ko…
UNANG SEKYU
Gago! ‘Lika na nga! Ayoko nang marinig ang kanyang bunganga!
[PUPUNTA SA KALIWANG GILID ANG DALAWANG SEKYU, MAUUPO, AT TUTUGTUGIN
ANG KANILANG GITARA BILANG PASAKALYE SA DULA.]
U N A N G T A G P O
*
*
*
[UNTI-UNTING KIKILOS ANG MGA ANINO AT PALILIBUTAN ANG TATLONG TAO]
MGA ANINO
Mundo ng salamangka
Mga aninong likha
Nakulong sa mahika
At ginapos sa luha
Ng huwad na pag-asa
Kathang-isip na nasa
Disyerto ng pangarap
Walang tubig na lasap
[PUPUSISYON SA LIKOD ANG MGA ANINO. HINTO. TATAYO ANG UNANG TAO AT TATAPAT
SA ILAW NA NAKABUKAS. TITINGALA SA SPOTLIGHT.]
MAKSIMO [PATULA]
Sa mundo ng karimlan,
Liwanag ang pangarap
At bagtasin ang daan
Ng hilahil at hirap
Upang maabot ang nasa
Ngunit paano na…
At bukas, diyan din, aking matatanaw
Sa sandipang langit na wala nang luha
Sisikat ang gintong araw ng tagumpay
Layang sasalubong ako sa paglaya
[HINTO. TATAYO ANG IKALAWANG TAO AT TATAPAT SA ILAW NA NAKABUKAS. AANINAGIN
SA MGA MANONOOD ANG SINISINTA.]
VALENTIN [PATULA]
O pagsintang labis na kapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw
‘pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamaking lahat, masunod ka lamang
[HINTO. TATAYO ANG IKATLONG TAO AT TATAPAT SA ILAW NA NAKABUKAS. TITINGIN SIYA
SA MALAYO.]
EUGENIO [PATULA]
Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan
Magiting na diwang puno sa isipan
Mga puso nami’y sa iyo’y naghihintay
At dalhin mo roon sa kaitaasan
Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw
Na mga silahis ng agham at sining
Mga kabataan, hayo na’t lagutin
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin
[BAHAGYANG LILIWANAG ANG ENTABLADO. AKMANG MABUBUHAY ANG TATLO SA
PAGKAKAHINTO. TITINGIN SA PALIGID. MAPAPANSIN ANG ISA’T ISA.]
VALENTIN [NABIGLA AT NAGTATAKA]
Sino kayo?!
EUGENIO [NAGTATAKA, NAKAKUNOT ANG NOO, AT MATAAS ANG BOSES]
Hoy ginoo, ang sarili muna’y ipakilala mo!
VALENTIN [NAG-AATUBILI]
Ha? A-ako? [MASISINDAK] Valentin ang ngalan ko. Kayo, sino ba kayo?
MAKSIMO [MAHINAHON]
Ako, mga kaibigan, ay si Maksimo.
EUGENIO
Eugenio. [MAKIKIPAGKAMAY KAY MAKSIMO AT TATALIKOD. GAYUNDIN SI MAKSIMO.]
VALENTIN [MAHINAHONG NAGTATAKA]
Nasaan ba tayo?
MAKSIMO
Ewan ko! Basta pagdilat ng aking mga mata, naririto na ‘ko. Kanina, sinubukan kong
maghanap ng lagusan ngunit ako’y bigo. At nang tinangka kong dumeretso, [TUTURO SA
DIREKSYON NG MANONOOD] ang inabot ko’y bukol sa noo! Isang hindi makitang pader
ang kalaban ko!
EUGENIO [MAGUGULAT]
Hindi makitang pader?! [BAHAGYANG MATATAWA] Ayos ka lang Maksimo? Kaibigan,
ako’y isang batikang siyentipiko at nakasisiguro akong imposible ang sinasabi mo.
MAKSIMO AT VALENTIN [SARKASTIKONG MAY PAGHANGA]
Gan’on?!
EUGENIO
Oo, gan’un nga! [TATAHIMIK ANG TATLO. MAGLALAKAD-LAKAD. MAIINIP SI EUGENIO.]
Diyos ko! Sino bang hunghang ang nagdala sa atin dito? Kay dami ko pang gawain na
dapat kong asikasuhin!
MAKSIMO [TITINGIN SA MANONOOD AT SISIGAW]
Hoy! Kami ba’y naririnig ninyo?! Bakit kami narito?
EUGENIO [NAKATINGIN SA MANONOOD AT MAINIT ANG ULO]
Sino ba ‘yang mga kumag na ‘yan? Kanina ko pa napapansin na tayo’y tinititigan. Ano ‘to,
lokohan?!
MAKSIMO [MAPUSOK]
Hoy ikaw! [TUTURO NG ISA SA MANONOOD.] Oo, ikaw na mukhang bakulaw! Bakit ang
sama mong makatingin? Baka gusto mong makatikim! [SANDALING TITIGIL.] O, bakit
ayaw mong sumagot?! Bansot!
EUGENIO [MANG-AALASKA]
Maksimo, baka…[SANDALING TITIGIL AT NGINGITI.] ano… [MAGPAPAKITA NG KILOS-
BADING.]
MAKSIMO [MATATAWA]
Tsss… gusto ngang makatikim!
[MAGTATAWANAN ANG DALAWA HABANG TINUTURO ANG ISANG MANONOOD.]
VALENTIN
Hoy, ano ba kayong dalawa? Tama na. Wala rin kayong mapapala. Ni hindi nga nila
napapansin ang pinagsasabi n’yo! Mag-isip na lang tayo ng paraan kung paano
makalalabas dito.
MAKSIMO
Alam mo, ubod ka nang pakialamero!
EUGENIO
Oo nga, e, puro hangin lang naman ang nasa ulo! [DUDURUIN SA NOO SI VALENTIN]
MAKSIMO
At ikaw naman, nagdudunung-dunungan.
EUGENIO
Aba, sa iyong sinabi, ako’y nalalaki!
[MARAHAS NA MAG-AAWAY SINA MAKSIMO AT EUGENIO AT SI VALENTIN ANG
MAGSISILBING TAGAPAMAGITAN. ‘DI KALAUNA’Y MAUUNTOG SI EUGENIO SA “HINDI
MAKITANG PADER.” MAPAPAHINTO ANG LAHAT.]
MAKSIMO
Kita mo?! Ngayon nama’y naniniwala ka na siguro?
EUGENIO
[KAKAPAIN ANG HARANG] Imposible ito! Isa akong isang henyo ngunit wala
pa akong naririnig na ganitong klaseng imbento!
MAKSIMO [MANG-AASAR]
Henyo na kung henyo… kulang pa rin sa talino!
EUGENIO
Kanina ka pa! Namumuro ka na!
[MAG-AAWAY MULI ANG DALAWA]
VALENTIN
Tigilan niyo na yan! Ang away n’yo ay isang malaking kahangalan. Bakit
kaya hindi magtulungan? Kapag marami’y mas malakas. Hindi ba mas
madaling makaaalpas?
EUGENIO
Tama, tayo’y magsama. Ang mga alitan ay atin munang kalimutan.
MAKSIMO
At sa pagpapalano, magkasundo na tayo.
[MAGKAKATINGINAN ANG DALAWA AT KANYA-KANYANG MAGMUMUNI-MUNI.]
[SANDALING KATAHIMIKAN.]
EUGENIO
Alam ko na! Hindi ba’t ang layunin nati’y iisa lamang, ang makalabas sa harang? Ano
kaya kung ang paggiba nito’y ating pagtulung-tulungan?
[LUBHANG MAMAMANGHA ANG TATLO SA IDEYA AT BABALIK SA PAGMUMUNI-MUNI.
UUPO SI VALENTIN SA KAHON. KATAHIMIKAN ULIT. TATAPAT SA ILAW NA NAKABUKAS SI
MAKSIMO.]
MAKSIMO
Alam n’yo ba kung bakit gusto kong makalabas? Ang Kanlungan ng Araw ang nais kong
tunguhing landas! [TITINGALA AT ITUTURO ANG SPOTLIGHT HABANG NAKANGITI.]
VALENTIN [SA DILIM]
At ano naman ang naghihintay sa iyo roon, kaibigan?
MAKSIMO [NAKATITIG SA SPOTLIGHT]
Kalayaan! Walang hanggang kasiyahan! Kailanma’y ‘di ko na daranasin ang kahirapan…
ang kalungkutan! Nais kong isama rito ang mahihirap upang ang lubos na kalayaa’y
aming malasap. At sa gawaing busilak, ang puso ko’y magagalak.
EUGENIO [SA SARILI]
Nangarap ang ambisyoso…
MAKSIMO
May sinabi ka, Eugenio?
EUGENIO [PLASTIK NA NGINGITI KAY MAKSIMO]
Wala, aking katoto!
VALENTIN
Eh, ikaw Eugenio, ano naman ang nasa mo?
[AALIS SA TAPAT NG ILAW SI MAKSIMO. TATAPAT SA ILAW SI EUGENIO.]
EUGENIO [NAGMAMALAKI]
Para sa inyong kaalaman, aking mga kaibigan, ako’y isang taong sadyang biniyayaan
ng Diyos ng katalinuhan. Kaya simple lang naman ang nais ng aking lubhang
mapagpakumbabang puso…karangalan. Karangalan para sa aking mga naimbento at
nadiskubre. Karangalan para sa aking pambihirang katalinuhan. Ngunit sa kabila ng
karangalang ito, hatid ko rin ang tulong–mediko para sa mga kapos-palad sa bayan ko.
At gaya mo, [TITINGIN KAY MAKSIMO] kasiyahan at kalayaan din, para sa akin ang dulot
nito.
EUGENIO
Ikaw, tahimik na kaibigan, ano naman ang nais ng iyong kalooban?
[TATAYO SI VALENTIN SA PAGKAKAUPO AT TATAPAT SA ILAW NA NAKABUKAS.]
VALENTIN
Simple lang. Ang sa aki’y para sa aking naghihikahos na puso, sapagkat nakita na niya ang
kanyang kahati. [PILIT INAANINAG SA MGA MANONOOD ANG SINISINTA] O, aking irog,
ako’y hintayin. Upang makasama ka, tandaang ang lahat ay aking gagawin. At ang harang
na ito’y kasama sa lahat ng aking haharapin upang ika’y makapiling. [KAKALAMPAGIN
ANG HARANG.] Ika’y aking iniibig! Alam kong ako’y iyong naririnig…[MAPAPALUHOD
HABANG LUGMOK SA KALUNGKUTAN.]
EUGENIO
Kung gayo’y hayo na’t tuparin ang aking plano na pabagsakin ang balakid na ito!
MAKSIMO
Ngunit, kaibigang Eugenio, paano?
[MAGKAKAMOT NG ULO SI EUGENIO. TATAYO SI VALENTIN.]
VALENTIN
Pagbilang ng tatlo, itutulak natin ang pesteng sagabal na ‘to. Isa…
EUGENIO
Dalawa…
MAKSIMO
Tatlo!
[GAGAWA SILA NG KANYA-KANYANG TINDIG UPANG MAKABUO NG ISANG KAKAIBANG
PORMASYON. SUSUGURIN NILA AT SUSUBUKANG ITULAK ANG PADER NGUNIT SILA’Y
MAPAPAGOD.]
VALENTIN
Kaya natin ‘to!
LAHAT
Todo na ‘to!
[MULING GAGAWIN ANG PORMASYON AT SASALAKAY]
I K A L A W A N G T A G P O
*
*
*
MGA ANINO
Daing at dalamhati
‘pag ang gabi’y kumubli
Tayo’y pinatatabi
Ng dahilang dalamhati
[LALABAS ANG TATLONG ALAGAD]
UNANG ALAGAD
Huwag humarang, kayo’y tumabi!
IKALAWANG ALAGAD
Mga hampas-lupang walang silbi!
IKATLONG ALAGAD
Alis! Mga peste!
[LALABAS NA ANG MGA ALAGAD]
UNANG ALAGAD
Kabaliwan!
IKALAWANG ALAGAD
Kahibangan!
IKATLONG ALAGAD
Kalokohan!
MAKSIMO [MAGUGULAT AT TONONG PANLALAIT]
Teka, saan nanggaling ang mga kutong-lupang ito?
EUGENIO [MAANGAS]
Ang kakapal ng mga apog ninyo!
VALENTIN
Sino ba kayo?
TATLONG ALAGAD
Aba, hindi n’yo kami nakikilala, mga iho?
UNANG ALAGAD
Bueno, hayaan mong…
IKALAWANG ALAGAD
…ipakilala namin…
IKATLONG ALAGAD
…ang aming mga sarili!
UNANG ALAGAD
Unang Alagad ang aking ngalan
Kanang kamay dito sa kulungan…
IKALAWANG ALAGAD
Ikalawang alagad naman ang tawag sa’kin
Simpleng alalay ngunit tigasin…
IKATLONG ALAGAD
Sino ang sa inyo’y gustong makaladkad
Lumapit lang sa’kin, ang Ikatlong Alagad…
VITO [BOSES]
Ehem! Anong kaguluhan ito?! Mga alagad, nasaan kayo?!
UNANG ALAGAD
Kami po’y naririto, mahal naming Ginoong Vito!
[PAPASOK SI VITO MULA SA KANANG GILID NG ENTABLADO.]
VITO [MASOSORPRESA]
Aba’t may mga bagong panauhin ang sa ati’y sadyang napadayo! [SA MGA MANONOOD]
Trabaho kong mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at pagmamahalan sa lugar na
ito. Itinuturing nila akong amo, ngunit pag-utusan po ninyo. [SA TATLO] Kumusta mga
kaibigan, sa ‘yo, sa ‘yo at sa ‘yo? Anong sadya ninyo?
EUGENIO
Ginoong…
VITO
Vito…
EUGENIO
Ah, Ginoong Vito…mawalang-galang na ngunit nais sana naming lisanin ang loob ng
harang na ito.
VITO
[TATAWA NANG PILIT] Naku, pinatatawa mo lamang ako. Imposible ang sinasabi mo!
[MAGKAKAGULO ANG TATLO.]
UNANG ALAGAD
Manahimik!
IKALAWANG ALAGAD
Mga inutil!
IKATLONG ALAGAD
Itigil ang satsat!
VITO [MAGTATAAS NG BOSES]
Ako’y inyo namang igalang! [KATAHIMIKAN] Ngunit, may isang paraan.
VALENTIN
Paraan?
VITO
Oo, paraan, ang natatanging paraan! Ibubunyag ko kung ano iyon subalit dapat ko muna
kayong subukin.
MAKSIMO
Paano?
[HINTO SINA MAKSIMO, VALENTIN, AT EUGENIO]
MGA ANINO [MATATARANTA]
Huwag! Kami’y inyong pakinggan!
Iwasan ninyo ang paraan!
VITO [MAGTATAAS NG BOSES SA MGA ANINO]
Ang sumabat ba’y inyong karapatan?! Ni hindi ko kayo
pinahihintulutan!
[MANANAHIMIK AT MALULUGMOK ANG MGA ANINO]
VITO
Bueno, isang tanong ang ibabato ko para sa inyong tatlo. At batay sa inyong
kasagutan, pipiliin ang karapat-dapat lumisan. Upang ako’y makumbinsi, ang hanap
ko’y makabuluhang rason. Kung nakuha n’yo ang aking sinabi, pwes, ‘wag na tayong
magsayang ng panahon!
EUGENIO
Naku, naman! Kay dali naman pala! Ano ba ‘yan? Kimika o Literatura? Lahat ng iyan…
kayang-kaya!
VITO
[LALAPIT SA MANONOOD] Hindi! Basta, pumarito ka’t sagutin ang aking tatanungin.
[PAPALAPITIN SI EUGENIO SA MANONOOD.]
UNANG ALAGAD
At kayo, Maksimo at Valentin,
IKALAWANG ALAGAD
Maupo muna, dalawang kuto sa paningin,
IKATLONG ALAGAD
At maghanda sa inyong sasagutin.
[PAPAUPUIN NG TATLO SINA MAKSIMO AT VALENTIN.]
MAKSIMO [MAGAGALIT]
Huwag n’yo kaming hamakin!
TATLONG ALAGAD [SA MANONOOD]
Hala, simulan na!
VITO [KAY EUGENIO]
Bueno. Ang tanong: bakit pakay mong lumabas?
EUGENIO [MAHINAHON]
Tulong-Mediko ang nais kong ihandog sa sambayanan. Salamat sa isang pambihirang
lalawigan, ako’y may natagpuan: isang kakaibang halaman! Anumang sakit ay kayang
lunasan! Para sa’kin, Ginoong Vito, ang makapagsilbi sa kapwa ay kaginhawaan.
[TITINGIN SA MALAYO. NAKANGITI.]
VITO
Mahusay. Subalit, kung ikaw na isang siyentipiko ang makararating sa kabila ng harang,
sisikat ka. Kasabay nito ang pagbulusok ng iyong pagyaman! Matatamo mo ang buhay na
puno ng karangyaan! Samakatuwid, yayabang ka dahil sa iyong kasikatan! Iyan ang lason
ng karangalan! Tila lubos ang iyong pagkagahaman!
EUGENIO
Ako? Gahaman? Isa lamang akong siyentipikong tumutulong sa kaunlaran!
VITO [GALIT]
Bastardo! Pinakukulo mo ang dugo ko! Nararapat talagang ibasura ang edukasyon sa
mundo upang maubos ang mga sugapang tulad mo.
EUGENIO [GALIT]
Dapat ay magpasalamat pa kayo dahil natitiis naming makibagay sa mga taong gaya n’yo!
UNANG ALAGAD
Manahimik
IKALAWANG ALAGAD
Inutil!
IKATLONG ALAGAD
Huwag kang bastos!
[PABABAGSAKIN SI EUGENIO NG IKATLONG ALAGAD SA KANANG BAHAGI NG
ENTABLADO. LALAPITAN NG MGA ANINO SI MAKSIMO NGUNIT ITATABOY RIN NG
IKALAWANG ALAGAD]
VITO [KAY MAKSIMO]
Susunod! [TATAYO SI MAKSIMO AT LALAPIT SA MANONOOD.] O, kaibigan, ano ang iyong
mithi sa pagpunta sa kabilang dako ng harang?
MAKSIMO
Ako? [ITUTURO ANG SPOTLIGHT.] Gusto kong marating ang dulo ng naturang liwanag
dahil gusto kong magkaroon ng pagbabago. Pagkakapantay-pantay sa mundo! Lahat ay
may kapangyarihan! Maglalaho ang kahirapan! Ang salapi ay para sa karamihan! Hindi
ba napakagaling ng aking layunin? Para sa nakararami ang aking mithiin! Kung gayo’y
ako ang inyong piliin!
VITO
Tama na! [HIHINTO SANDALI.] Kung walang nakatataas at nakabababa, walang
mamumuno at mag-uutos. Kung walang mag-uutos at mamumuno, mawawasak ang
disiplina ng bayan. Sa iyong sinabi, pinahihirap mo rin ang mga dating mayayaman at
pinayayaman mo ang dating mahihirap. Hindi ba lugi ang mapepera dito? Nakuha mo?
MAKSIMO [NAKATINGIN SA MANONOOD, MAGKAKAMOT NG ULO]
Naligaw yata ako. Sumakit ang ulo ko!
VITO
Umoo ka na lang!
MAKSIMO [NAG-AALINLANGAN]
Uhm…sige, oo, kaso parang…
UNANG ALAGAD
Manahimik
IKALAWANG ALAGAD
Inutil!
IKATLONG ALAGAD
Huwag kang sasabat!
[PABABAGSAKIN SI MAKSIMO NG IKATLONG ALAGAD SA KALIWANG BAHAGI NG
ENTABLADO. LALAPITAN NG MGA ANINO SI MAKSIMO NGUNIT ITATABOY RIN NG
IKALAWANG ALAGAD.]
VITO [KAY VALENTIN]
Susunod! [TATAYO SI VALENTIN AT LALAPIT SA MANONOOD.] Ano naman ang ating
kuwento, ‘pañero?
VALENTIN [MAHINAHON]
Simple lang. Hangad ko lamang sundin ang itinitibok ng aking…[TITINGIN SA IBABA.]…
puso. Ako po’y umiibig sa dilag na iyon. [ITUTURO ANG SINISINTA SA MGA MANONOOD.]
Hangad kong mahawakan ang kanyang mga kamay at halikan ang kanyang mga labi kahit
isang saglit…
UNANG ALAGAD [MALUHA-LUHA AT SUMISINGHOT-SINGHOT]
Makabagbag-damdamin!
IKALAWANG ALAGAD [MALUHA-LUHA AT SUMISINGHOT-SINGHOT]
Bukod-tanging mithiin!
IKATLONG ALAGAD [MALIGALIG]
Nakakikilig ka Valentin!
VITO
[KITANG-KITA ANG PAGBABAGO SA KANYANG MASUNGIT NA MUKHA.] Mamang
madrama, inantig mo ako ng iyong telenobela. Magiting na kawal ng pag-ibig, tumayo
ka’t tanggapin ang basbas ng balakid! [MAPAPANGITI SI VALENTIN.] Ngunit, may isa
pang pagsubok upang mapatunayan kung ang pag-ibig mo nga’y tapat at kung ikaw ang
pinakanararapat.
VALENTIN
Paano?
[HINTO SI VALENTIN]
MGA ANINO
Huwag! Tanggihan mo ang pagsubok!
Iwasan ang maging mapusok!
VITO [MAGTATAAS MULI NG BOSES]
Tila sukdulan na ang inyong kabastusan!
VITO
Halika rito… [IBUBULONG NI VITO SA KANYANG TAINGA ANG PLANO.]
VALENTIN [NABIGLA AT NAG-AALINLANGAN]
Ha?! Kahit ang isang balasubas ay hindi gagawin ang iyong inaatas!
VITO
Binibigo mo ako, kaibigang romantiko! Akala ko pa nama’y kaya mo…
VALENTIN [SASABAT]
Subalit kailangan ba talagang ito’y maisagawa ko?
VITO
Ungas! Tandaan mong sa larong ito’y ako ang batas! Kailangang magmala-Hudas upang
sa harang ay makalampas!
UNANG ALAGAD
Iyong kukote ay gamitin!
IKALAWANG ALAGAD
Huwag mo kaming buwisitin!
IKATLONG ALAGAD
Pagkat kami’y nabibitin!
VALENTIN [SISIGAW]
Pero…!
[MAGDIDILIM ANG ENTABLADO KASABAY NG KUMPLETONG KATAHIMIKAN.]
I K A T L O N G T A G P O
*
*
*
VITO
Matapos ang matinding pagninilay, aking hatol, ngayo’y ibibigay: ang nagwagi ay si…
[PULANG ILAW SA ENTABLADO. MAKIKITA ANG HUGIS NINA MAKSIMO, EUGENIO, AT
VALENTIN. KIKILOS SI VALENTIN, TANGAN ANG ISANG PATALIM, NA TILA PUMAPATAY
SA KANYANG KINATATAYUAN HABANG SINA EUGENIO AT MAKSIMO NAMA’Y TILA
NASASAKTAN SA MAGKABILANG GILID NG ENTABLADO. TATAYO SINA MAKSIMO AT
EUGENIO MULA SA KANILANG KINAUUPUAN. MAG-UUNAT SILA NA PARANG MASAKIT
ANG KANILANG MGA BATOK AT LIKOD. IPAPAKITA ANG KANILANG DUGUANG LIKURAN
SA KANILANG DAHAN-DAHANG PAG-IKOT. TUTUMBA SILA PAREHO. KIKILOS SI VALENTIN
SA KANYANG KINAUUPUAN. MAGTATANGKA SIYANG MAGPAKAMATAY NGUNIT
BIBITAWAN ANG PATALIM. TATAYO SI VALENTIN. PAPALAKPAKAN SIYA NG LAHAT] Iyan
ang manok ko! Dahil sa iyong determinasyon, igagawad ko ang iyong premyo: ang
natatanging paraan.
MGA ANINO
Hala, hala, hayan na
Dasal nga ba o sumpa?
Hala, hala, hayan na
Dasal nga ba o sumpa?
VITO
Punding-pundi na ‘ko sa inyo! Magsitahimik kayo, mga indio!
[TATAHIMIK ANG MGA ANINO] Ehem. Balik tayo sa ‘yo. Makinig ka, iho.
Habang hinahawakan mo ang harang, kailangan mong bigkasin ang dasal na
ito:
Awit ng panahon,
Bulong ng alon,
Ika’y gibain,
At nang maparoon.
[UULITIN NG DALAWANG BESES PA ANG DASAL KASABAY NG RITWAL NA SAYAW.
TULALANG LALAPIT SA HARANG SI VALENTIN. BLANGKO ANG MUKHA. WALANG
EKSPRESYON. KATAHIMIKAN.]
VALENTIN
Awit ng panahon,
Bulong ng alon,
Ika’y gibain,
At nang maparoon.
[WALANG MANGYAYARI. KATAHIMIKAN. UULITIN NI VALENTIN ANG DASAL NGUNIT
WALA PA RIN.]
VALENTIN [NAGTATAKA]
Ginoong tampalasan, ako’y nagugulumihanan. Ginawa ko naman ang lahat ng iyong bilin
ngunit parang bitin.
VITO [NAMILOSOPO]
Sira-ulo! Sinabi ko bang dapat mong gawin ito ngayon din?
VALENTIN [NAGTATAKA]
Hindi ba’t…
VITO[NAMILOSOPO]
Oo, ibinigay ko sa iyo ang paraan ko subalit gagana lamang ang dasal kada-isandaang
taon. Malamang ay hindi ko binanggit sa iyo ito.
VALENTIN [NAGTATAKA]
Ibig sabihin…
[MAYROONG MAPUPUNA SI VALENTIN SA LABAS NG HARANG. LALAPIT SIYA PARA
KALAMPAGIN ITO.]
VITO
Ibig sabihin, ang gantimpala mo sa ngayo’y wala ring saysay. Isasagawa mo ang dasal
matapos pa ang matagal na paghihintay.
VALENTIN [MAG-AALALA]
Pero…siya…[NAKATINGIN SA MALAYO]…ang mahal ko…ti…tila lilisan na! Bakit…
[MAGUGULAT SIYA DAHIL ANG KANYANG SINISINTA AY PAALIS NA. MANGIYAK-NGIYAK
NA MAPAPALUHOD SA MGA NAPASLANG NIYA.]
VITO
Bakit ano? Ika’y sadya lamang na uto-uto! Ang lakas pa ng loob mong magkalat dito!
Mga alagad, linisin ang kalat, pronto, pronto! [TATAWA SI VITO HABANG PUPUSISYON
ANG LAHAT NA AYON SA SPOLIARIUM.] Kaibigan, hindi mo na mabubura iyan…
[HINTO. KUMPLETONG KATAHIMIKAN.]
E P I L O G O
*
*
*
[PAPASOK ANG NAGSUSUBASTA MULA SA KANANG GILID AT PUPUNTA SA GITNA NG
ENTABLADO.]
NAGSUSUBASTA [SA MGA SEKYU, PABULONG]
Psst! Ayos na ba tayo?!
[Senyales na okey mula sa mga sekyu.]
NAGSUSUBASTA [MAGKAKLARO NG LALAMUNAN, BOSES MAGINOO]
Mga giliw naming panauhin, salamat po sa inyong pagdating. Ngayon, sisimulan na natin
ang subastahan sa obra ni Juan Luna — ang Spoliarium. Ang presyo sa pintang ito’y
magsisimula sa limampung libong dolyar…
[HINTO. UNTI-UNTING MAMAMATAY ANG LAHAT NG ILAW.]
W A K A S
*
*
*


BERTDEY NI GUIDO
Isang Yungtong Musikal
Halaw sa librong Bertdey ni Guido.
Nailathala ng Lampara Books.
Mga Tauhan
GUIDO, magsisiyam na taong gulang
MOMMY, mother ni Guido, mid-30s
DADDY, father ni Guido, mid-30s
AYI, yaya ni Guido, mataba, motherly, 40s,
may tendensing maging over-acting at melodramatic
BUBOY, kapitbahay ni Guido sa subdivision,
9 years old, spoiled at KSP
Iba pang Tauhan
MARCOS/FIRST LADY
CARDINAL SIN/CORY
RAMOS/ENRILE
MADRE/WORKER
MGA MARINES/ETC.
TALA:
Ang dula ay isinulat para sa limang aktor lamang. Kung marami ang gaganap, mas
mabufi. Ang IBA PANG TAUHAN ay gagampanan din ng limang aktor, pero magususot
ng maskarang angkop sa tauhan. Minsan, maaaring dalawang maskara ang suot ng
isang aktor. Isa sa harap, isa sa likod. Maaari ring billboard na parang maskara ang
nakasuot sa ulo. Pero magmamaskara lang ang mga aktor kapag ibang tauhan ang
ginagampanan nila. Si GUIDO lamang ang hindi magpapalit ng papel sa kabuuan ng
dula. Makatutulong kung gagamit ng ilang oversized props at carton cut-out bilang
standees para i-recreate ang damit ng tao sa EDSA.
Sa gilid ng tanghalan laging may malaking kalendaryo na maghuhudyat ng panahon ng
dula. Ang pagpapalit ng petsa ay magsisilbi ring pagpapalit ng tagpo.
PEBRERO 1986
Sa private road ng isang upper middle class na subdivision, sinsipa-sipa ni GUIDO ang
isang malaki at makulay na bola habang susunod-sunod, nang-aasar, sa kaniya si BUBOY
na may hawak na ice cream sa cone. Kakanta si Buboy sa pagitan ng pagdila sa ice cream.
Habang nagaganap ng eksena, daanan nang daanan, isa-isa o pares ang mga ordinaryong
tao na abala sa kaniya-kaniyang concern at walang paki sa isa’t isa. May namamasyal. May
magde-date. May nagtitinda ng balut. Maiikling character ad lib lang ang kailangan dito.
Nakamaskara sila, ordinaryong damit ang suot. May naka-walkman, attaché case, atbp.
Nagmamadali, hindi nila pinapansin ang dalawang bata. Magsisimula ang tagpo malapit
nang dumilim hanggang sa unti-unting lumalim ang gabi.
BUBOY (Pakanta):
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Me maghahanda sa kaniyang bertdey parti!
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
‘Yon lang handa sa kaniyang bertdey parti?!
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
GUIDO:
Ano’ng ‘yon lang? Marami pa!
BUBOY:
Sige nga, ano-ano?
GUIDO:
Bakit ko sasabihin?
BUBOY:
Kasi wala nang iba kundi ...
(Pakanta uli.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
GUIDO:
Hindi ko sasabihin kasi … surprise!
BUBOY:
No’ng bertdey parti ko, merong cake!
GUIDO:
Ako rin! Me Batman at Robin pa sa ibabaw!
BUBOY:
No’ng bertdey parti ko, meron pang clown!
GUIDO:
Ako rin! Dalawa pa! Si Happy at si Funny!
BUBOY:
Hmp! No’ng bertdey parti ko, me magic!
GUIDO:
Sa akin, may storyteller pa! “Once upon a time, a long, long time ago …”
BUBOY:
A, basta, laos ang bertdey parti mo sa bertdey parti ko! Ang handa mo lang. (Pakanta.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti! (Paulit-ulit hanggang mag-exit.)
GUIDO (Pasigaw):
Kahit na! Basta, hindi ka imbayted sa parti ko!
Di ka makakatikim ng ... (Pasuyang kakanta, habang pinagdidiskitahan ang bola.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti (3x)
Leche flan, lechon, lengua, macaroni!
Me Andok’s morcon, salad, chicken mami!
Sandwich, puto, cuchinta, chicken honey!
Pastillas, marshmallow, fried chicken, pitsi-pitsi!
Siopao, juice, suman, kalamay, tutti-fruitty!
Monay, chicharon, suman, cotton candy!
Mamon, hotcake, bijon, hamburger, sundae, chicken joy,
dinuguan, laswa,
dinengdeng,
mechado,
menudo,
paksiw,
adobo,
p-p-pinapaitan
Worcestershire sauce,
TERIYAKIII!
Ibabato ni GUIDO ang bola niya sa inis. Papasok si AYI, may bitbit na transistor. Maririnig
ang kantang “Pidro” ng Apo Hiking Society. Bigay na bigay ang sayaw ni AYI. Malapot
ang puntong-Bisaya ni Ayi, kahit matagal na siya sa Maynila at nagsisilbi sa pamilya ni
Guido. Pansinin: hindi lahat ng linya ni Ayi ay isinulat ayon sa kaniyang punto. Bahala na
ang aktor at gaganap. Gabi na.
AYI:
Sus, Guidu, dius miu. Gabing-gabi na, nasa labas ka pa? Mag take a shower ka na!
GUIDO:
Ano’ng oras darating sina Mommy at Daddy?
AYI:
Malay ku? Baka nag-uubirtaym sila. Para madagdagan ang kita at panggastus sa nimo.
Para sa iskul mu, sa iskul bus mu, sa iskul uniform mu, baun mo sa iskul, field trip ng iskul
mu’ ... Saksakan ng gastus! Kaya kayudkalabaw ang Mommy at Daddy nimu. Huwag mo
na silang hintayin!
GUIDO:
E pa’no na ’yan? Sinong magpaplano ng birthday party ko? Three days na lang, nine
years old na ako.
AYI:
Nine years old lang, pinuprublima mu? Aku nga, furty na, ukey pa rin! (Magpapa-sexy ng
pose, saka biglang matataranta.) Anooo? Nine ka na?! Oo nga pala!
Hihilahin si GUIDO at tarantang kakapkapan sa buong katawan, hahaplusin ang mukha
nito nang pauli-ulit, na parang noon lamang niya nakita ang alaga.
AYI:
Sus, ginuu, ang baby na dating kinakarga-karga ko, pinapaliguan, pinapalitan ng lampin,
nilalagyan ng bigkis para hindi umusli ang butod, pinapahiran ng aceite de mansanilla sa
tiyan para laging mautot – kulang na lang pasusuhin kita sa sarili kong dibdib! Sus, ginuu,
Guidu, binata ka na pala! At ako nama’y nagiging tigulang na tonta! Bertdey mo na nga
pala, two days from now. Muntik ko nang makalimutan!
GUIDO:
Kailangan nang gumawa ng mga invitation cards para sa classmates ko saka mga friends
nila. Baka di sila magpunta kung wala silang invitation. Baka makalimutan nila ang
birthday ko!
AYI:
Sus, Guidu, ang laki ng prublima mu! Ako ang tutulung gumawa ng card at magplanu ng
parti nimu!
GUIDO:
Marunong ka ba?
AYI:
Aba, syimpri! Kaya nga yun ang trabahu ku. Katulung. Maid. Yaya. More sophisticatedly
known as Maitre d in France. Domestic Worker sa Hongkong. Filipinas sa London! In
other words, party planner, laundry woman, dishwasher, gardener, at kung pilyo si Kuya,
Sex Object! Ahayyy!
Yes, I am a Maid. And proud to be one. Ang Bagong Bayani! Unsung Heroes! Unpaid
Diplomats. All-around talent. Round-the-Clock-Dependable. At your service, twenty-four
hours a day, seven days a week, and thirty-days a month, except January, March, May,
July, September, October and December. Plus of course, February, which sometimes has
twenty-eight or twenty-nine!
Don’t worry, Guidu, kayang-kaya kong planuhin ang parti nimo. Alam ko ang ihahanda …
(Sabay silang kakanta ni GUIDO habang pa-exit).
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Paglabas nina AYI at GUIDO, maririnig ang recorded na panawagan ni CARDINAL SIN na
magpunta ang mga tao sa EDSA. Habang nagpapalit ng eksena, humahangos na daraan
sa tanghalan ang iba-ibang uri ng tao papunta sa EDSA. Nakamaskara sila, pero may
suot o props na magpapakilalang Corysta sila o anfi-Marcos. Naka t-shirt na dilaw o may
Laban sign. Lahat ay nagmamadali. Muli, makatutulong ang maiikling character adlibs.
Kasabay nito ang papalakas na halo-halong tunog, ingay, tugtog, islogan, at sigawan sa
EDSA habang bahagyang madidilim ang tanghalan.
PEBRERO 23, LINGGO
Naka-pajama, nasa kama si GUIDO. Nakadapa, nagsusulat sa mahabang listahan ng
mga gusto niyang matanggap na regalo. Nasa mesa si AYI, kaharap pa rin ang transistor
na patuloy na nagbabalita ng mga pangyayari sa EDSA. Gumagawa siya ng isang
bundok na sandwiches. Bababa si GUIDO mulang kama at bantulot na lalapit kay AYI.
AYI:
Gud morning, little boy. Natapos mu na ba ‘yung listahan ng bertdey wish mu?
GUIDO:
(Iaabot kay Ayi ang isang yardang listaha.) Hindi pa nga e. Nasaan sina Mommy?
Dadampot si GUIDO ng sandwich. Kakain.
AYI:
(Dadampufin ang listahan.) Sus, Guidu, dius mio! Mas mahaba pa sa rice terraces ang
listahan ng bertdey wish mu! Sana sinabi mu na lang, Gustu mung maging si Marcos,
para lahat ng gustu mu, makukuha nimo!
May daraang carton cut-out ng isang tangke sa harapan nila.
Sa likuran nila o sa magkabilang gilid ng stage, pantomime ng nangyayari sa EDSA
at Malacañang. Mga nakamaskara ang mga tauhan. Doble ang mascara ng bawat
aktor. Isa sa harap at isa sa likod ng ulo. Halimbawa, sa kanan, si MARCOS/IMELDA.
Sa kaliwa, si RAMOS/ENRILE. Ipapasok ding isa-isa ang carton cut-out ng standees na
kinabibilangan ng mga tauhang nasa EDSA nang araw na iyon. Lalakas ang naka-taped
na ingay at hiyawan ng magka-kontrang kampo. “Cory! Cory!” “Marcos pa rin! Marcos
pa rin!”
Maririnig ang malakas na boses ni CARDINAL SIN. Nananawagan na magpunta ang mga
tao sa EDSA. Paulit-ulit.
Nenerbiyusin si AYI. Hihilahin sa tabi niya si GUIDO para magtago sa ilalim ng mesa.
AYI:
Nagriribulusyun na, Guidu! Kanina pang madaling-araw nagpunta sa IDSA ang Mommy at
Daddy nimu! Sasamahan daw nila ang mga tao sa pagtulong kina Ramos at Enrile laban
kay Marcos. Ayan pakinggan mu, ang dami-dami na raw tao sa IDSA.
Hihilahin si GUIDO para magtago sa ilalim ng kama. Hindi sila kasya, babalik sila sa
ilalim ng mesa.
AYI:
Dius mio, Guido! Dali! Dali! (Maaabot ni AYI ang payong. Bubuksan ang payong sa ilalim
ng mesa para gawing cover sa harapan nila.) Isuot mo itong gas mask. Totohanan na ito!
Sus, Guido, dius mio!
Isusuot ni GUIDO ang gas mask, na dali-dali namang huhubarin sa kaniya ni AYI.
AYI:
Ay, nu, nu, nu, nu! Mali, mali! Hindi ka pa puwedeng magsuot nitong gas mask, Guidu.
GUIDO:
Bakit?
AYI:
You have to tiyk a shower first!
GUIDO:
Kaka-shower ko lang kabagi.
AYI:
But today is another day! February 23 na today! Remember this day. This is a very
historic day.
GUIDO:
February 23 is two days from my birthday! A very special and historic day! Babalik agad
si Mommy? Gagawa pa kami ng mga invitation!
AYI:
(Magpapalahaw ng iyak.) Oh, this can’t be true! You just gave me a living,
incontrovertible, unassailable proof that I failed. I failed! God, how I failed in bringing
you up as a sensible Little Boy. Tama talaga si Ate Guy, “Walang himalaaa!” Kahit araw-
araw kang nag-a-Our Father at Holy Mary, Mother of God. Hindi ka pa rin natututo,
Guidu. Look at you! Look at you, Guidu. Nagkakagulo na ang mga tao.
Naggagapangan na ang mga tangke. Nakakasa na ang mga armalite. Ang dami-dami
nang nagbuwis ng dugo … sa Red Cross ni Rosa Rosal – pero sarili mo pa rin ang iniisip
mo! Bertdey mo pa rin ang importante sa iyo. Mga invitation cards pa rin ang mahalaga
sa iyo. Sus, Guidu, dius mio! Ano’ng klase kang Filipino? Sabi pa naman ni Ninoy, “the
Filipino is worth dying for!”
Nagsakripisyo ba ang ating si Ninoy – (Ala-Cory). My Ninoy! Our Ninoy! –so you can
celebrate your ninth birthday?
Maiinis si GUIDO. Magta-tantrums.
GUIDO (Sisigaw):
I just want to know: Is Mommy coming back soon?
Mahihimasmasan si Ayi.
AYI:
Hindi! Sabi ng Daddy nimu, daraanan daw niya itong mga tinapay bago mananghali. Sige,
mag-almusal ka na!
Matamlay na kakain ng sandwich si GUIDO.
GUIDO:
Dalawang araw na lang, bertdey ko na. Baka hindi matuloy ang party ko!
Tutulo ang luha ni AYI sa mafinding awa sa alaga. Sabay silang kakanta, habang lilipat,
darapa, sa kama si GUIDO, dala ang transistor. Lalakasan ang radyo, ililipat ng istasyon
pero puro coverage ng EDSA ang maririnig. Makikinig siya ng balita habang kain ng kain
ng sandwich. Tatabihan ni AYI sa kama ang alaga. Alalang-alala. Magduduweto sina Ayi
at Guido.
GUIDO/AYI (Kakata):
Dalawang araw na lang,
Bertdey ko na!/ Bertdey na niya!
Isa, dalawa, two days na lang
Bertdey ko naaa!/ Bertdey na niyaaa!
Di na maiinip
Hindi mapipigil
Hindi mapo-postpone
Kahit pa bumagyo
Magseselebrasyon dahil
Bertdey ko naaa!/ Bertdey na niyaaa!
GUIDO:
(Habang nagsasayaw si AYI)
Apat na ikot ng relo!
Apatnapung oras at walo!
Bago magka-gulo-gulo!
Bertdey na! Bertdey ni Guidooo!
AYI:
(Habang nagsasayaw si GUIDO)
Sana’y magbago ang mundo
Mas masaya, walang gulo
May value na kahit piso
Walang gutom, me asenso
Sa bertdey, bertdey ni Guiduuu!
DUETO:
Pantay-pantay lahat tayo
Sa bertdey, bertdey ni Guidooo!
Humihingal na mapapaupo ang dalawa.
Samantala, habang nagaganap ang song number, unfi-unfing kakapal ang mga tao
(cut-outs) sa likuran at tagiliran ng tanghalan. Sa pagitan ng bawat dialogue sa ibaba,
sisingit nang salitan ang hiyawan ng “Cory! Cory!” at “Marcos pa rin! Marcos pa rin”
kasabay ng malakas na busina ng mga sasakyan.
GUIDO:
Lagpas na ng tanghali. Bakit hindi dinaanan ni Daddy ang mga sandwich?
AYI (Pakanta):
Guidu, ayaw mu bang
Lumabas
Para mag-bike …
GUIDO:
Nakalimutan na rin siguro nina Daddy at Mommy ang bertdey ko.
AYI (Pakanta):
Guidu, ayaw mu bang
Maglaro
Do’n sa labas?
GUIDO (Malungkot):
Ayoko. Makinig na lang tayo ng balita sa radyo.
Pipihifin ni Guido ang volume tuner. Lalakas ang transistor. Maririnig ang recorded awit
ng koro, pinagtagni-tagning piraso ng mga balita, habang binabago ang ayos ng mga
cut-out standees ayon sa realignment of forces.
KORO:
Hu - Hu - Hum
Humi - wa - layyy
Humiwalay
Humiwalay
Humiwalay
Humiwalay sina Ramos at Enrile
Sina Ramos at Enrile? (Oo, sila!)
Sina Ramos at Enrile!! (Walang iba!)
Kanino? (Kanino paaa?)
E DI KAY MARCOS! (O tapos?)
Hu - Hu - Hum
Humi-ngi
Humingi
Humingi
Humingi
Humingi sila ng tulong
KAY CARDINAL SIN!
Tutunog ang telepono. Pupuntahan ni AYI. Sasagufin.
KORO:
Sumugod ang mga tao
Sa harap ng Kampo
Para proteksiyunan
Ang mga sundalo …
(Ang tao? Sa kampo? Para sa sundalo?
Sa Kampo? Sundalo? Para sa mga tao?
Ang tao? Sundalo? Para nasa Kampo?)
KORO:
Nakagugulat!
Nakaloloko!
Dapat ay sundalo
Sundalo’ng lulusob
Para may proteksiyon
Ang lahat ng tao …
(Sundalo? Sa Kampo? Niligtas ng tao?
Niligtas sa Kampo? Ng tao? Sundalo?
Ang tao? Naglitas sa Kampo? Ng mga sundalo?)
Nakaloloko!
Nakaloloko!
Nakalolokooo!
Iaabot ni AYI kay GUIDO ang telepono. Mag-uusap sa telepono sina GUIDO at MOMMY
niya.
Lalapit ang MOMMY, may hawak na oversized phone. Dueto ng MOMMY at ni GUIDO.
Maaari ding regular na usapan lamang.
MOMMY:
GUIDO:
Guido, son,
I’m fine, Mommy,
How are you?
Fine, Thank you!
(Please, son
(Please, mom
Huwag mong babanggitin,
Banggitin mo, Mom
Please!
Please
Ayokong ma-guilty!
Please, let me know
Ayokong malito!
Na naaalala mo
Dahil sa bertdey mo!)
Ang bertdey ko!)
Matatabunan ang boses nina GUIDO at MOMMY niya ng NEWS REPORT.
NEWS REPORT VO:
General Ramos and Senator Enrile had cut off their ties with President Marcos.
They turned to Cardinal Sin for support. People rushed to Camp Crame to protect the
soldiers from Marcos’ loyal forces.
MOMMY:
Guido, son,
Remember, we love you!
Magha-hung up ang MOMMY niya. Tunog na lang ng telepono ang maririnig nafin.
Yuyupyop sa mga palad niya si GUIDO para umiyak nang tahimik. Unfi-unfing didilim
ang tanghalan hanggang sa makatulog si GUIDO. Mananafiling bukas ang radyo sa
dilim.
Pagkaraan, darafing ang MOMMY at DADDY niya. May dala silang styrofoam na kulay
yellow ng Laban sign at bilog na barbed wire na may yellow ribbon. Pareho din silang
naka-Cory yellow t-shirt at maong na pantaloon. Hindi sila magsusuot ng maskara
habang nagkukuwento kahit gumaganap ng ibang tauhan.
Sisilipin nila si Guido, saka pafiyad na lalapit sa kama para ayusin ang pagkakahiga ng
anak. Mapabubuntung-hininga sila. Ilalagay din nila nang maayos sa kama ang Laban
sign at barbed wire na may ribbon. Magigising si GUIDO. Biglang babangon.
GUIDO:
Mommy, Daddy …
DADDY:
We love you, son!
Sa tagpong ito, magkukuwento ang Mommy at Daddy ni Guido, nang hindi gumagamit
ng maskara kahit gumaganap ng ibang tauhan. Ang mga standees at cut-out ay lilipat
sa harapan, sa tagiliran nang tanghalan. Unfi-unfi namang mauurong sa likod ang
tagpo sa kuwarto ni GUIDO. Hindi dapat itago sa manonood ang pagpapalit ng tagpo at
paglalagay ng mga props at standees sa eksena.
Excited na magkukuwento ang MOMMY at DADDY ni GUIDO, ia-arte ang nasaksikhan
nila sa EDSA. Inaantok na makikinig si GUIDO. Pero kasalit ng huma-harurot at
dramafikong kuwento ng dalawang magulang ang malungkot, makabagbag-
damdaming pagkanta ni GUIDO ng iniisip niya habang nakikinig sa kuwento.
GUIDO:
How are you, Mom? Are you okay, Dad?
DADDY:
We’re fine, hijo.
MOMMY:
Pagod lang. At amoy-pawis!
DADDY:
And very, very hungry!
MOMMY:
Naku, Guido! Nakita mo sana ‘yung nangyari sa EDSA. Saksakan ng dami ang tao.
DADDY:
Nasa harap namin ‘yung mga tangke. Napaliligiran ng mga Marines.
MOMMY:
Ang itim pala nila. At ang lalaki ng mga hawak na armas.
DADDY:
Pero ang babata pa nila. Halos ilang taon lang ang tanda nila sa iyo, Guido!
GUIDO:
(Aawit.) Naalala ba ninyo …
MOMMY:
Hindi sila tumitingin nang deretso sa amin. Hindi sila ngumingiti.
DADDY:
Nasa likuran lang sila ng tangke.
MOMMY:
God, ang laki-laki ng tangke! How very big the tank! Parang higanteng pagong! (Iihitin sa
katatawa.)
GUIDO:
(Aawit.) Na bukas na ang bertdey ko …
DADDY:
Tapos, isang babaeng may hawak na krus ang nagpunta sa harapan para kausapin ‘yung
mga sundalo …
Iaarte ng MOMMY ang tagpo.
MOMMY:
(Hawak ang krus.) Peace, brod, sabi niya.
DADDY:
Pero ayaw talagang tumingin ng mga sundalo.
Iaarte ng DADDY ang sundalo. Naka-attenfion, may hawak na di-nakikitang armas na
nakaturo sa ibaba.
DADDY:
(Mafigas ang anyo.) “Sumusunod lang ho kami sa utos,” sabi nito.
MOMMY:
Magkababayan tayo, brod, sabi ng babae. May mga anak ako. Iniwan ko lang sa bahay.
Ang asawa ko nasa abroad, kasi walang makitang trabaho dito sa atin. Huwag ninyo
kaming saktan! Gusto lang naming ipaglaban ang ating kalayaan! Sumama na kayo sa
amin!
Magsisimulang kumanta ang babae ng “Bayan Ko.” Magfifikas-pahinga ang sundalo
pero mafigas pa rin ang anyo. Pagkaraan, sasabayan ang babae ng naka-taped na kanta
ng maraming tao ng “Bayan Ko.” Maiiyak ang babae.
MOMMY:
Naiyak ‘yung babae. Naiyak na rin ‘yong mga katabi ko.
DADDY:
Nakita kong nagpahid din ng luha ‘yung mga sundalong kaharap niya. (Magpapahid ng
luha, habang nakafikas-pahinga.)
MOMMY:
Pero nagsimulang umusad ang tangke.
DADDY:
Nagsigawan ang mga tao!
MOMMY:
Nagkapit-bisig kaming lahat!
DADDY:
‘Yung babaeng may hawak na krus, sumugod sa harap ng tangke.
MOMMY:
Peace, brod. God loves you! Brod, we love you!
DADDY:
Sumunod kaming lahat sa babaeng may hawak na krus.
MOMMY:
Pinalibutan namin ang umuusad na tangke.
DADDY:
Tapos, narinig namin ang utos ng opisyal.
MOMMY:
Pinaurong ang tangke at pinababalik!
DADDY:
(Lulundag.) Naglundagan kami sa tuwa!
MOMMY:
(Yayakapin ang DADDY.) Nagyakapan kami at nag-iyakan at nagsisigaw sa tuwa …
DADDY:
Hanggang sa lumayo nang malayong-malayo ang tangke!
GUIDO:
(Aawit.) Mommy … Daddy …
Bukas na po ang bertdey kooo …
Halos magkasabay na mafifimbuwang sa kama, sa bandang head board, ang MOMMY
at DADDY dahil sa mafinding pagod.
Parehong naka-Laban sign ang mga kamay. Malakas na maghihilik. Lulundag para
bumaba ng kama si GUIDO, nakapulupot sa katawan ang mahabang listahan ng
birthday wishes.
Papasok si AYI, aakbayan si GUIDO. Tinfingnan nila ang naghihilik na MOMMY at DADDY.
GUIDO:
Huwag na lang natin silang istorbohin tungkol sa bertdey ko. Pagod na pagod na sila.
Bukas, babalik uli sila sa EDSA.
Magdidilim ang tanghalan.
PEBRERO 24, MONDAY
Umaga, sa sala. Nasa harap sila ng TV set na naka-talikod sa manonood. Tinutulungan
ni AYI si GUIDO na magsuot ng damit. Bagong-paligo si GUIDO. Pupulbusan ni AYI ang
alaga ng baby powder mula sa espongha. Pufing-pufi ang mukha ni GUIDO. Naiinis na
pupunasan nang mariin ni GUIDO ng tuwalya ang mukha para mawala ang pulbos.
Maririnig ang naka-taped na balita.
NEWS REPORT VO:
Ang ating latest bulletin. Umalis na raw ang mga Marcos sa Malacañang. Repeat: Umalis
na si Pangulong Marcos at ang kaniyang pamilya sa Malacañang. We will try to verify
this. Repeat: This is an unverified report.
Maririnig na kasunod ng balita ang pagtugtog ng “Mambo Magsaysay.” Sabay halos na
papalundag sa tuwa sina AYI at GUIDO.
AYI:
Wala na si Marcos! Wala na si Imelda!
GUIDO:
Uuwi na sina Mommy at Daddy! Ibig sabihin, puwede pa rin akong magkaroon ng
birthday party bukas!
AYI:
Sus, guinoo! Natupad ang prayer ko kay Santa Zita at Mary Rose. Sabi ko kasi kagabi,
Dear Santa Zita at Mary Rose, Tulungan n’yo naman ang Little Boy ko. Kasi gusto niyang
magkaroon ng bertdey parti. Sige na, Lord, Santa Zita at Mary Rose. Balato na lang nimo
sa bata ang bertdey parti niya. Tigbakin n’yo na si Marcos para matuloy ang parti. At …
Mali pala si Ate Guy! “Hindi totoong walang himalaaa!”
GUIDO:
Tuloy ang bertdey parti ko!
Kakanta at magsasayaw ang dalawa.
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
GUIDO:
Tatawagan ko lang ang mga classmate at friend ko. Sasabihin ko, dito na lang kami
magpa-parti!
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
GUIDO:
Bibili na lang tayo ng cake. Nine candles, Ayi! Saka –
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
AYI:
Ako na ang gagawa ng spaghetti. Specialty ko ‘yon!
GUIDO:
Hindi na baling walang regalo sa akin ‘yung mga friends ko. Ang importante meron
tayong –
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Maaaring i-belt ni AYI ang kaniyang huling linya, parang last line ng mga Negro
spirituals.
Pero bigla silang mapapatda sa bagong NEWS REPORT.
NEWS REPORT VO:
Narito ang latest news bulletin:
Nasa Malacañang pa rin sina Marcos. Repeat: Nasa Malacañang pa rin ang Pangulong
Marcos at ang kaniyang pamilya, contrary to earlier reports. This is a confirmed report.
Repeat: It has been confirmed na nasa Malacañang pa rin si Pangulong Marcos at ang
kaniyang pamilya. Please stay tuned to our People Power coverage.
Manghihina sina GUIDO at AYI sa narinig.
GUIDO/AYI:
Hayyy …
GUIDO:
Hindi pa rin makauuwi sina Mommy at Daddy.
AYI:
Ate Guy, Santa Zita, and Mary Rose, ano ba talaga, mga tita!?
GUIDO:
Hindi na talaga matutuloy ang birthday party ko. Hindi na natin kailangan ng –
Aawifin nila ang very sad version.
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Magdidilim ang tahanan. Salitang maririnig ang “Cory! Cory!” at “Marcos pa rin!”
kasaliw ng “Impossible Dream.”
PEBRERO 25, MIYERKULES, BERTDEY NI GUIDO
Umaga. Wala nang anomang gamit sa bahay nina GUIDO. Masayang papasok ang
MOMMY at DADDY niya. Hahalikan siya.
Habang nagaganap ang tagpong ito, maaaring kabitan ng mga kulay-Cory yellow na
lobo at ribbons ang mga cut-outs at standees sa paligid. Para unfi-unfing maging fesfive
ang milieu.
MOMMY/DADDY:
Happy birthday, Guido! Son!
MOMMY:
Don’t worry, son. Ipinahahanda ko ang mga pagkain para sa party mo.
Huhubaran ng pang-itaas ng MOMMY niya si GUIDO at papalitan ng dilaw na t-shirt.
GUIDO:
Hindi po ba kayo pupunta ngyon sa EDSA?
DADDY:
Pupunta – at kasama ka!
GUIDO:
Yehey!
MOMMY:
Sa EDSA na natin ise-celebrate ang birthday mo. Doon na tayo magpaparty!
Hindi makapaniwala si GUIDO.
DADDY:
Magkakaroon ka ng pinakamalaking birthday party sa buong mundo!
Maririnig ang “Magkaisa” bilang transifion music.
Sa EDSA. Napapalibutan ng mga dumalo sa People Power si GUIDO. Ipapasok ni AYI ang
isang malaking cake, na may siyam na yellow candles.
AYI:
Sus, ginoo, Guidu, nakita mo na ba kung gaano karami ang tao sa parti nimu? Look ako
sa left, mga babae, lalake, bata, matatanda. Mga kayumangging mukha. Look ako sa
right, mga babae, lalake, bata, matanda. Mga kayunmangging mukha! Nag-left-right, left-
right na ako nang paulit-ulit, pero hindi nababawasan ang tao. Parang parami pa nga ng
parami. Ang saya-saya ng parti nimu, Guidu. (Yayakapin si GUIDO at hahalikan.)
GUIDO:
Ayi, one month ka na bang nagra-rally sa EDSA?
AYI:
Ano ka? First time ko lang ito. First day. First chance na maging bayani, at maging tunay
na tapagapagmana ng kadakilaan nina Gabriela Silang at Tandang Sora! – E bakit mu
naman naitanong ‘yon?
GUIDO:
Iba kasi ang amoy mo, Ayi! I think you should take a shower.
AYI:
Ano’ng shower-shower? I don’t want to miss the action, Guidu! (Sisigaw.) Cory! Cory!
Cory! – Nandito kaya si Kris? Magpapa-autograph ako!
Darafing si BUBOY.
BUBOY:
Hapi bertdey, Guido. (Iaabot kay GUIDO ang isang yellow baseball cap.) Tenk yu sa
invitation card, ha!
GUIDO:
Tenk yu din.
BUBOY:
Ayan, redi na ‘yung cake!
MOMMY/DADDY:
Make a wish, Guido. Make a wish!
Pipikit nang nakafingala si GUIDO.
AYI/BUBOY:
Five, four, three, two, blow!
Hihipan ni GUIDO ang cake. Palakpakan. Magkakantahan ng “Happy Birthday, Guido”
ang lahat ng naroon. Pakapalin ang recorded crowd song.
BUBOY:
Ano’ng winish mo, Guido? Ano’ng wish mo?
GUIDO:
Secret …
Maririnig ang tunog ng isang helicopter mula sa itaas. Tifingala lahat. Saka magtataas
ng kamao at sisigaw ng “Cory! Cory! Cory!”
Pero biglang susutsot ang DADDY niya. Makikinig ng balita sa radyong nasa balikat.
DADDY:
Sssh! Me balita! Pakinggan n’yo.
Sisiksik sa DADDY sina MOMMY, AYI, BUBOY, pafi si GUIDO, para makipakinig ng balita.
Tahimik na tahimik ang lahat. Biglang maglulundagan at sisigaw.
DADDY:
Umalis na si Marcos! Wala na sila sa Malacañang! Malaya na tayooo!
Magsisigawan uli ng “Cory! Cory! Cory!” Maririnig din ang mga putukan. Panay-panay
ang busina ng mga sasakyan.
Yayakapin at hahalikan ng mga magulang niya si GUIDO.
MOMMY:
Happy birthday, son! Malaya na tayooo!
LAHAT:
Wala na ang diktador!
Maririnig ang “Tie A Yellow Ribbon.” Ilalabas ang isang kawayan na may carton cut-out
ni MARCOS sakay ng helicopter sa itaas.
LAHAT:
Malaya na ang Filipinas! Mabuhay ang Filipino!
Mabilis na malilinis ang set. Bahagyang didilim bagaman patuloy na maririnig ang
ingay ng selebrasyon at mga busina ng sasakyan.
Maaaring gamifin ang pinagdugtong-dugtong na bahagi ng mga kantabg sumikat
noong EDSA People Power bilang transifion music.
Sa muling pagliliwanag, papasok ang kama ni GUIDO. Nakaupo siya sa gitna nito.
Ginagawang ribbon ang kaniyang mahabang listahan ng birthday wishes.
Tapos, ihahagis iyon sa basurahan malapit sa kama. Tatayo, nakapamaywang sa kama
si GUIDO.
GUIDO:
Iyon ang pinakamasayang birthday ko! Ang pinakamalaking birthday party sa buong
mundo kahit walang …
(Kakanta.)
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Natupad naman ang birthday wish ko! Walang nakaaalam na nang hipan ko ‘yung mga
kandila sa birthday cake ko, ang wish na ibinulong ko ay … (Sisigaw.) Umalis n asana si
Marcosss!
Muling lalabas ang kawayang sa itaas ay may carton cut-out ni Marcos sakay ng
helicopter.
Lalabas ang buong cast. Sabay-sabay na kakanta, iba-ibang esfilo, theme song.
LAHAT:
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream, hotdogs, spaghetti
Cory, Sin, Ramos, Enrile, confetti
Bayan, Diokno, Tañada, Makati
Marines, madre, pare’t estudyante
Teachers, vendors, doctors, Ugarte
Nurses, singers, artista, baong bayani, kasali
Lahat tayo, lahat tayo, lahat ay kasali
Bata, matanda, lalake, babae
Lahat-lahat, bawat isa, lahay ay BAYANIII!
WAKAS










Nakuha mula sa:   www.depedmakati.com/updates/wpcontent/uploads/2012/11/Learning-Package-Baitang7-Ikaapat-na-Markahan.pdf