Hari Ng Tondo
Gloc9
Kahit
sa patalim kumapit
Isang
tuka isang kahig
Ang
mga kamay na may bahid ng galit
Kasama
sa buhay na minana
Isang
maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang
hari ng tondo, hari ng tondo
Baka
mabansagan ka na hari ng tondo
Hari
ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka
mabansagan ka na hari ng tondo
Minsan
sa isang lugar sa Maynila
Maraming
nangyayari
Ngunit
takot ang dilang
Sabihin
ang lahat
Animo’y
kagat-kagat
Kahit
itago’y ‘di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong
Kahit
na madami ang ulupong
At
halos hindi iba ang laya sa pagkakulong
Sa
kamay ng iilan
Umaabusong
kikilan
Ang
lahat ng pumalag
Walang
tanong
Ay
kitilan ng buhay
Hukay,
luha’y magpapatunay
Na
kahit hindi makulay
Kailangang
magbigay-pugay
Sa
kung sino mang lamang
Mga
bitukang halang
At
kung wala kang alam
Ay
yumuko ka nalang
Hanggang
sa may nagpasya
Na
sumalungat sa agos
Wasakin
ang mga kadena na siyang gumagapos
Sa
kwento na mas astig pa sa bagong-tahi na lonta
Sabay-sabay
nating awitin ang tabing na tolda
[
Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/g/gloc_9/hari_ng_tondo.html
]
Kahit
sa patalim kumapit
Isang
tuka isang kahig
Ang
mga kamay na may bahid ng galit
Kasama
sa buhay na minana
Isang
maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang
hari ng tondo, hari ng tondo
Baka
mabansagan ka na hari ng tondo
Hari
ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka
mabansagan ka na hari ng tondo
Nilusong
ang kanal na sa pangalan niya’y tumawag
Alang-alang
sa iba, tsaka na muna ang paawat
Sa
maling nagagawa na tila nagiging tama
Ang
tunay na may kailangan ang siyang pinatatamasa
Lahat
sila’y takot, nakakapaso ang ‘yong galit
Mga
bakal na may nagbabagang tinggang papalit-palit sa hangin na masangsang
Nakakapanghina
ang nana at hindi mo matanggal na para bang sima ng panang
Nakakulawit
subalit sa kabila ng lahat
Ay
ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak
Ang
siyang tanging naghahatid sa kanya sa katinuan
At
hindi ipagpapalit sa kahit na sinuman
Ngunit
nang dumating ang araw na gusto na niyang talikuran
Ay
huli na ang lahat
At
sa kamay ng kaibigan
Ipinasok
ang tingga
Tumulo
ang dugo sa lonta
Ngayon,
alam niyo na ang kwento ni Asiong Salonga
Kahit
sa patalim kumapit
Isang
tuka isang kahig
Ang
mga kamay na may bahid ng galit
Kasama
sa buhay na minana
Isang
maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang
hari ng tondo, hari ng tondo
Baka
mabansagan ka na hari ng tondo
Hari
ng tondo, hari ng tondo-ohhh
Baka
mabansagan ka na hari ng tondo
SIPI MULA SA
“AMPALAYA (ANG PILIPINAS 50 TAON
MAKATAPOS NG BAGONG MILENYO)”
ni Reuel Molina Aguila
Upang
basahin ang kapalaran ng mga bayan,
kailangang
buklafin ang aklat ng kanyang kahapon.
At
dahil diyan ay inuulit namin at uulifin kailanman, na,
samantalang
may panahon ay lalong mabufing pangunahan
ang
mga hangarin ng isang bayan kaysa pahinuhod; ang una’y
umaakit
ng kalooban at ng pag-ibig; ang pangalawa ay
umaakit
ng pagpapawalang-halaga at ng poot.
(Ang
Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon)
Jose
Rizal
1.Sarap na sarap sa paghahapunan
ang pamilyang de la Cruz, isang gabing tikatik ang
ulan at ang simoy ng amihan sa
mga unang araw ng buwan ng Pebrero ay naghahatid
ng nakapanghahalukipkip na lamig.
2 Sa liblib na baryong ito na
lalong naging liblib dahil napag-iwanan ng mabilis na
pagbabago ng mundo, ang munggong
sinahugan ng ampalaya at tinambalan ng tuyo
ay langit nang masasabi.
3 “Heaven!”
4 Ganyan nga ang sinabi ng
kabataang mountaineer na minsang nagawi sa pamilya
de la Cruz at nakisalo ng
munggong may ampalaya. Matagal na raw siyang hindi
nakakatikim ng ganoong ulam.
5 Hindi iyon maunawaan nina Juan de
la Cruz dahil pangkaraniwan lang na ulam nila
iyon. Pagkaing mahirap, wika nga.
Laking tuwa nila nang abutan sila ng ilang de-lata
bilang kapalit sa munggo’t
ampalaya.
6 Kaya’t sa tuwing ganito ang
kanilang ulam ay naghahagikgikan ang pamilya de la Cruz
sa alaalang ito.
7 Hagikgikan pa sila nang
hagikgikan dahil sa sinasabi sa radyo habang naghahapunan
sila. Hindi nila mapagtanto kung
ano ang sinasabi ng announcer. Bargain sale daw sa
Super Tiangge Mall ng mga
kasangkapan tulad ng teleponong nakikita ang kausap at
bombilyang 10 watts lamang pero
kayang ilawan ang isang malaking plasa.
8 Sapagkat, ni koryente o linya ng
telepono ay wala sila. Taong 2050 ay wala silang
koryente o linya ng telepono.
9 Nagkaroon kung sa nagkaroon
ngunit pinutulan din ang buong baryo nang ang
karamihan dito ay hindi
nakayanang magbayad.
10 Gapok at nakahilig na ang mga
poste ng koryente; at ang mga kawad ay pinagkukuha
na nila para gawing sampayan o
panali ng kung ano-ano.
11 Gayon ding nakatiwangwang na ang
butas-butas na mga solar panel na ikinabit
noong bata pa si Juan. Donasyon
iyon ng mga Aleman, limampung taon na ang
nakakaraan, noong bago magpalit
ang taon sa kalendaryo mula sa panimulang
disinuwebe tungo sa dalawampu.
12 Tulong daw iyon upang
hindi magdumi ang papawirin mula sa karbong ibinubuga
ng mga de-langis na
plantang lumilikha ng koryente. Na, sa pagdami ng karbon sa
papawirin ay siyang
nagiging sanhi ng pag-init ng mundo. At siya namang sanhi ng
pagbabago ng klima at
panahon: wala sa panahong bagyo, panay-panay na tagtuyot,
at kainitang pati
silang sanay nang mababad sa araw ay umaangal.
13 Ngunit sa pagdalaw ng
bagyong siya nga sanang nilulutas ng solar panel ay siya
namang
pagkabutas-butas at pagkakalasog-lasog nito.
14 Sa tuwing nakikita ni Juan ang mga kalansay ng panahong
iyon ay sumasagi sa
kanya, bilang isang
gising na bangungot, ang mga ritwal, takot, at pag-iimbak ng mga
pagkain dahil sa
sunod-sunod na kalamidad na dumadalaw na siyang kinikilalang
mga signos ng
katapusan na ng mundo; at paniwalang hatid ng pagbabago ng
milenyo.
15 Tuyo na rin at
tinabalan na ng damo ang mga poso, na kapag hinawan ang sukal ay
makikita pa sa
semento ang mga pangalan ng nangampanyang meyor, gubernador,
kinatawan, bokal, at
pangulo. Ang mala-lapidang talang ito ay parang isang punit na
pahina na siya na
ring nagsisilbing tanging nakatalang kasaysayan ng baryong iyon.
16 Kaya nga’t
napapahagikgik na lang sila sa tuwing nakakarinig sila ng mga balita
tungkol sa mabilis na
pagbabago sa lunsod at sa ibang sulok ng daigdig.
17 Gaya ng iba pang
produktong inaanunsyo ng announcer na kahit pa singkwenta
porsyento ang ibinaba
ng mga presyo nito, dahil sa pagkawala ng taripa ayon sa
umiiral na
pang-ekonomiyang kalakaran ng globalisasyon, ay hindi pa rin maabot ng
karaniwang mamamayan.
18 Sa radyo niya narinig
ang mga mabibigat na salitang iyon hinggil sa pang-
ekonomiyang
kalakaran, tuwing umagang bago niya harapin ang kanyang mga
pananim. Kaya’t
tuwing umaga nga, sa awa ng itinatagal ng baterya, pilit inuunawa
ni Juan kung bakit umuunlad naman
ang ibang bansa, o kung bakit umuunlad
naman ang Maynila ay
lalo naman yatang nahuhuli ang kanilang baryo.
19 Kalabaw pa rin ang
gamit nila sa pagsasaka samantalang sinasabi rin sa radyo na de-
robot na ang
pagsasaka sa ibang bansa.
20 Sinungaling marahil
ang radyo. O, marahil hindi niya nasundang mabuti ang sinasabi
ng radyo dahil
madalas maubusan siya ng baterya.
21 Pero sa radyo din
niya narinig na ‘wag daw silang mag-alala. ‘Yan ang pangako ng
bagong pangulo, isang
child actress noong magpang-abot ang mga milenyo na higit
na nakilala sa halos
makatotohanang pagganap niya sa papel ng batang ginang-rape
ng kanyang lolo, ama,
at mga tiyuhin.
22 Pararatingin daw niya
ang kaunlaran hindi lang sa Maynila, bagkus sa kaliblib-
liblibang sulok ng
bansa, gaya ng kanilang baryo. Iyon ang pangako ng dating child
actress.
23 Kaya’t ganoon ngang
umaasa na lang sina Juan. Sapagkat, ano pa nga ba ang kanilang
magagawa kundi ang
umasa na lang at magsikap sa araw-araw.
24 Ni hindi nga siya sumapi sa mga
rebeldeng halos mag-iisandaang taon nang
nakikipaglaban ngunit
hindi pa rin nagwawagi.
25 Sa ilang pagbisita sa
kanila ng mga ito ay nakikipaghuntahan sila kay Juan at
ipinapaliwanag kung
bakit paurong lalo ang takbo ng buhay sa kanayunan. Ito,
diumano ay sanhi ng
globalisasyon na sinimulan noon pa mang dekada ’90 ng ika-20
siglo. At kaya
nakalusot ang bagong kaayusang
ito ay dahil sa imperyalistang hangarin
ng Estados Unidos, sa
pakikipagkutsabahan nito sa naghaharing uri ng bansa sa
pangunguna ng mga
panginoong maylupa at komprador-burgesya.
26 Kung anuman ang
pinagsasabi sa kanya ng mga taong labas ay hindi niya
maunawaan; na ‘yon
din naman ang kantsaw ng matandang si Kadyo, 80 anyos at
dating aktibista sa
kanyang kapanahunan—na halos mag-iisandaang taon na ay iyon
pa rin ang uri ng
pagsusuri ng mga rebelde sa lipunang Pilipino.
27 “Sapagkat hindi po
nagbabago ang kaayusang politiko-ekonomiya ng bansa,” ang
mariing ratrat ng
batang gerilya.
28 “Ipasa-Diyos na lang
natin,” ang sabi naman ng pari na taunan kung magmisa sa
kanilang baryo.
29 “Magbabago para sa
kabutihan ang lahat,” ang sabi naman ng kandidatong meyor, na
anak ng dating meyor,
na anak din ng dating meyor, na anak pa uli ng dating meyor,
na anak ng...
30 “Putris naman.” Ito
ang sumasagi lagi sa isipan ni Juan
tuwing nauungkat sa anumang
pagkakataon ang
kaunlaran sa lunsod at ang kahirapan naman sa kanilang baryo.
31 Hanggang sa natutunan
na niya at ng kanyang pamilya na maghahagikhikan na lang
sa tuwing nauungkat
ang mga ganitong kaunlaran.
32 Para lamang daw iyang
LRT sa Kamaynilaan na maigi ngang sa pagpasok mo sa
isang estasyon ay
makakarafing ka saan mang parte ng Maynila; ngunit ikot lang
nang ikot at hindi
nakakaabot sa kanayunan.
33 Mahigit limampung
taon na si Juan, halos kasintanda ng bagong milenyo;
isang tunay
na magsasakang
nabubuhay kahit paano sa kanyang mga sinasaka, umaasa sa sarili
at walang
pineperwisyo.
34 ‘Yan lang ang kanyang
maipagyayabang, na binuhay niya ang kanyang pamilya,
walang-wala man sila.
Sapagkat ganoon din siya binuhay ng kanyang ama, kahit
walang-wala mandin
sila.
35 Kaya’t nakakahimlay
siya, sila, nang matiwasay tuwing gabi. Lalo pa ngayong
halumigmig ang hangin
na pinag-init naman ng kaninang umaasong munggong may
ampalaya na hinapunan
nila kanina.
36 At sila’y natulog
nang mahimbing.
NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO
mula sa nobelang Ang Sandali ng mga
Mata
Alvin Yapan
Ngunit kailangan na
munang maghintay nina Baltog, Handiong, at Bantong, ang tatlong
bayani ng Ibalong.
Hindi ko kaagad sila naikuwento kay Boboy dahil pagkagising, una
niyang hinanap ang
kaniyang ina. Ni hindi
niya naitanong kung nasaan siya at kung bakit
ako ang naroroon.
“Tiyong, nasaan si
Mama?”
“Alam mo kung nasaan
siya.”
Nasa Amerika si Nene
sa pagkakaalam ni Boboy.
Ngunit ang totoo’y walang nakasisiguro
kung nasaan siya.
Mula nang lisanin ang Sagrada, wala nang balita ang pamilya Nueva
sa kaniyang
kinaroroonan. Tiyak lamang nila na may balak pumunta ng Amerika si Nene
bago umalis. Kung
saan doon, wala ring nakakaalam.
Sumusulat siya kay
Boboy paminsan-minsan ngunit palaging walang nakalagay na
address kung saan
nagmula ang sobre. Makukulay ang mga sobreng pinagsisidlan
ng mga liham, at ang
liham ay nakasulat sa mababangong papel na kadalasang
napapalamutian ng
naka-imprentang mga bulaklak.
“Tiyong, dadalawin
niya kaya ako?”
“Kung alam niya
sigurong may-sakit ka. Pero pa’no naman niya malalaman?”
Nasubaybayan ko ang
paglaki ni Nene sa
bahay na bato. Sapul nang isilang siya. Ngunit
mula nang siya’y
umalis wala na akong nalaman tungkol sa kaniyang naging buhay.
“Ano ba ang
ikinukuwento niya sa mga sulat niya sa ‘yo?”
Ikinuwento sa
akin ni Boboy ang mga
kuwento sa kaniya ni Nene.
Ang iba’t ibang
kulay. Ang iba’t
ibang amoy. Ang iba’t ibang ingay. Ang iba’t ibang bugso ng hangin.
Ikinuwento niya sa
akin ang tungkol sa snow. Ang snow at ang Pasko. Isang malamig na
Pasko. Ang mga himig
ng kantang “White Christmas.” Ang hindi maintindihang eksena
ng mga batang
nagbabatuhan ng binilog na snow. Kung paano nasama ang kaniyang
ina sa larong ito.
Ang napakalinis na kalye. Hindi aspaltado at bitak-bitak. Hindi katulad
ng kalsada sa
Sagrada. Ang mababait na tao. Ang uma-umagang “Good Morning!” ang
hapun-hapong “Good
Afternoon!” o kaya’y ang gabi-gabing “Good Evening!” tuwing
may makakasalubong sa
daan. Kung paano naaalala ng kaniyang ina ang mga estudyante
nito noong nagtuturo
pa sa Mababang Paaralan ng Sagrada, pati ang aninong nakulong
sa bahay ng mga
alaala. Ang pangungupahan sa isang apartment. Ang pine tree sa
harap nito. Kung
paano, tuwing Pasko, sinasabitan ng maliliit na bola at Christmas lights.
Napakaraming
Christmas lights. Iba-ibang kulay. Ang snowman. Ang pagtutulong-tulong
ng magkakapitbahay sa
paggawa ng snowman na di-hamak na mas matangkad sa
kaniyang ina. Pati
ang fireplace. Mamamatay daw ang kaniyang ina sa ginaw kung walang
fireplace. Ang
napakatinding lamig. Ang nakamamatay na lamig. Kung paano kailangang
pagpatung-patungin
ang mga damit makalabas lamang ng bahay. May pang-ilalim
na, may t-shirt pa at
polo at jacket. Kung gaano kasaya sa Amerika. Kung paano siya
niyayaya ng kaniyang
ina na sumunod doon kapag nakatapos na siya sa kaniyang pag-
aaral at may trabaho
na. Ang pagiging presidente ng kaniyang ina ng mga kahera sa isang
department store. Ang
malaking kita. Ang mga libreng damit dahil sa department store
na lang niya
kinukuha. At ang mga prutas. Ang napakarami at napakamurang prutas. Ang
nakakasawa nang
mansanas. Ang kapulahan ng mansanas. Kumikinang sa kapulahan at
napakatamis. Hindi
katulad ng mga mansanas sa Filipinas na napakaliliit. Mapakla. Hindi
maintidihan kung pula
o berdeng mansanas dahil kalahating pula at kalahating berde.
Kung paanong doon,
kapag pula ang mansanas talagang pula; kapag berde, talagang
berde. May mga orange
ding napakalaki. Original siyempre, sabi ng kaniyang ina. Talo
ang ponkan sa
Filipinas. Ang pagtatrabahong nauuwi sa pag-iikot sa department store,
dahil walang magawa.
Kaya minabuti niyang bantayan na lamang ang mga kahera upang
walang matuksong
kumupit. Ang malaking suweldong natatanggap ng kaniyang ina. Ang
pagiging katiwala
nito sa pinapasukang department store. Kung paano bago umuwi ay
kinokolekta ang benta
at ito mismo ang nagtatala ng benta sa logbook. Ang kaniyang
inang naging katiwala
ng may-aring Amerikano. At hindi lamang ang kulay ng mansanas.
Hindi lamang ang
kulay ng orange. Higit sa lahat ang kulay ng pera. Kakulay ng damo
at sindami. Hindi
kakulay ng isandaan ng Filipinas. Kakulay ng ubeng napakahirap nang
hanapin sa palengke
ng Sagrada.
“Tiyong, hindi niya
siguro doon nahanap si Mr. Edwards. Hindi niya nabanggit sa
mga sulat ni minsan. Mabuti na rin siguro
iyon,” dagdag pa ni Boboy.
“Malaya siyang
makauuwi sa Filipinas
kung hindi pa siya kasal kay Mr. Edwards.”
Naaalala ko si Nene
bilang babae ng mga simulain. Mayroon siyang pagkukusa. Bago pa
man siya nagturo,
marami na siyang binuksan at pinasimulang mga negosyo sa Sagrada.
Dapat pa nga sigurong
kay Nene magpasalamat ang Sagrada sa pagpapalago ng negosyo
sa bayan namin, at
hindi kay Chua.
Nang maging mura ang
refrigerator, nag-ipon si Nene ng pera mula sa ipinapadala ng
katiwala sa mga
lupang sakahan na iniwan sa kanila ni Severino.
Bumili siya ng General
Electric.
Single-door. Basta may mainom lamang silang malamig na tubig. Nang huwag
ding mapanis ang mga
ulam. Biglang tumaas ang kanilang bayarin sa koryente. Nagbanta
si Selya na ibebenta
ang refrigerator. Nakaisip si Nene na magbenta ng yelo.
Sa sunod nilang
pamamalengke, bumili siya ng plastic. Brand ng White Horse. Pinag-
aralan niyang mabuti
kung paano itinatali ang dulo ng plastic nang hindi sumasabog ang
tubig. Ibinenta niya
ang yelo. Dalawang piso bawat isa.
Dahil wala pa noong
ibang may refrigerator sa lugar nila palaging ubos ang ibinebentang
yelo ni Nene. Nanghihinayang siya sa mga
dalawang pisong nakaalpas dahil
nauubusan siya ng
paninda. Maliit lang kasi ang freezer ng refrigerator kaya hindi niya
nadadagdagan ang
ginagawang yelo. Saka niya inimbento ang ice tubig. Nakaplastik
na malamig na tubig.
Kahit hindi matigas na yelo, naibebenta pa rin niya ng uno
singkuwenta isang piraso.
Walang ibang may
refrigerator sa Sagrada noon dahil namamahalan pa rin ang mga tao.
Mahal na nga raw,
pampadagdag pa ng gastos sa koryente. Ngunit nang makita nilang
mas malaki ang
napagbebentahan ni Nene
kaysa sa ibinabayad sa koryente, ang dealer
namang RC Marketing
ang nahirapang tumugon sa dami ng order.
Nagkaroon ng paskil
na “Ice for Sale” ang halos lahat ng tarangkahan ng mga bahay sa
Sagrada. Dahil halos
lahat ng bahay ay may refrigerator na, nabawasan ang mamimili.
Ibinaba ni Nene ang kaniyang presyo sa piso
para mapasakaniya lahat ang kakaunti na
lang na mamimili.
Pagkalipas lamang ng isang gabi wala nang nagbebenta ng yelo sa
presyong dalawang
piso.
“Gaya-gaya, puto
maya!” galit na sigaw noon ni Nene.
Sunod na
pinasok ni Nene ang
ice candy. Ibinenta niya ng dalawang piso. Ganoon din
ang nangyari.
Makalipas lamang ang isang gabi, may nagbebenta na ng ice candy ng piso
at iba-iba pa ang
flavor: abukado, monggo, at buko.
Ngunit tunay na
negosyante talaga si Nene dahil alam din niya kung kailan bibitaw sa
isang negosyo. Isang
araw, napagpasiyahan niyang wala nang iaasenso ang industriya
ng yelo, ice tubig,
at ice candy sa bayan ng Sagrada. Muling nag-isip si Nene ng isang
pagkakakitaang
susustento sa konsumo sa koryente ng refrigerator. Manok. Nagpatayo si
Nene ng manukan.
Sinimulan niya sa sampung forty-five days lamang at pagkatapos ng
apatnapu’t limang
araw may benta na muli siya. Nangyari ang lahat ng ito bago pa man
dumating sa Sagrada
ang Sariwanok ng Magnolia.
Ngunit nahalata ni Nene na mahirap mag-alaga ng
manok at kailangan pa niyang
maghintay nang higit
sa isang buwan. Ang benta ay hindi ganoon kalaki. Kaya hindi
nagtagal sinabayan
niya ang kaniyang poultry ng piggery. Tatlong baboy lamang nang
simulan niya.
Paanakan ang isa sa tatlo nang hindi maputol ang kaniyang aalagaan
at ibebentang baboy.
Ibinebenta ni Nene ang
baboy sa mga may-ari ng carneceria sa
palengke. Libo-libo
ang kaniyang napagbebentahan. Dahil sa malaking kita napalitan ni
Nene ang single-door
na General Electric refrigerator ng double-door. Higit na malaki na
ngayon ang freezer
ngunit hindi yelo, ice tubig, o ice candy ang ipinuno niya rito kundi
mga pitso ng manok at
karneng baboy. Nang mabalitaan ng mga tao ang tagumpay
ni Nene, nagtayo
rin sila ng kani-kanilang poultry at piggery. Natuwa ang may-ari ng
carneceria dahil
marami na silang mabibilhang baboy. Makakapili na sila. Ayaw na
nilang bumili ng mga
baboy na pinakain ng mga tirang pagkain. Higit na malaman ang
mga baboy na sa feeds
lamang pinalaki. Halos araw-araw nagigising ang buong bayan
ng Sagrada sa mga
putak ng libo-libong manok at tili ng kinakatay na mga baboy. Ang
papawirin ng Sagrada
ay nangamoy ipot ng manok at tae ng baboy. Kaya nang minsang
may dumaang bagyo,
nagpasalamat ang buong bayan dahil muli silang nakalanghap ng
sariwang hangin kahit
na panandalian lamang.
Nagreklamo si Selya.
Tuwing mainit ang panahon kahit mayaman sila sa yelo, hindi
mapawi-pawi ng
kaniyang abaniko ang sangsang ng dumi ng manok at baboy. Si Selya
ang nagpahinto sa
negosyo ni Nene.
Silang mga Nueva ang unang pamilyang umahon sa
kabaliwan ng poultry
at piggery.
Sa mga kinita ni Nene sa manukan at babuyan,
nakapagtayo siya ng malaki-laking sari-
sari store. Saka siya
namasukan sa Mababang Paaralan ng Sagrada. Naisip ni Nene
na malaking kustomer
ang mga estudyante. Nagtrabaho siya bilang guro ng Home
Economics, ang
asignatura tungkol sa sining ng paglalaba, paghuhugas ng pinggan,
pagpapaganda ng
bakuran, paglilinis ng bahay, at paggawa ng kung anumang palamuti sa
salas. Bumili si Nene
ng iba-ibang klase ng kendi sa palengke, mga gamit pang-eskuwela
at mga pang-araw-araw
na gamit sa kusina tulad ng toyo, asin, bawang, sibuyas, at iba
pang recados. Hindi
pinabayaan ni Nene ang
kaniyang sari-sari store. Gusto lamang
niyang mapalapit sa
kaniyang mamimili. Hawak pa niya sila bilang kanilang guro.
Hindi nagkaroon ng
takot si Nene na mawalan ng kustomer. Pipiliin at pipiliin pa rin ng
kaniyang mga
estudyante ang kaniyang sari-sari store.
Dahil isa rin daw na
estudyante ang guro sa loob ng silid-aralan, may natutuhan din si
Nene sa kaniyang mga
mag-aaral: ang sining ng mga patalastas.
“Kung ang isang baso
ng suka sa Nene’s Sari-sari Store ay piso at ang isang baso ng
toyo ay dalawang
piso, ilan dapat ang dadalhin mong pera sa Nene’s Sari-sari Store
kung bibili ka ng
dalawang baso ng suka at tatlong baso ng toyo?” Kapag hindi na rin
makapaghintay si Nene
na pumunta sa kaniyang tindahan ang mga mag-aaral, siya na
mismo ang nagdadala
ng paninda sa paaralan. Isang balot ng mani sa presyong dalawang
piso, pulboron na
tatlong piso ang isa, tuwing recess.
Katulad ng mga
naunang pinasok na negosyo ni Nene
sa umpisa lamang naging malago,
bumaba ang benta
noong halos bawat madaanang kanto ay may nakatayo nang sari-sari
store at kung minsa’y
may karinderya pa sa harap. May Nita’s Sari-sari Store, Tindahan
ni Aling Prising,
Jovy’s Mini-Mart, at kung ano-ano pang pangalan. Ang listahan din
ng utang ay
kasinghaba na ng pinagdugtong-dugtong na mga ahas, buntot sa ulo,
na natatagpuan
uma-umaga sa kalsada, na yupi sa pagkakasagasa ng mga sasakyan.
Nandoon na pala si
Oryol noon pa lamang, hindi ko lamang napansin: sa mga ahas
na nabulabog ng mga
engkuwentro ng NPA at Konstabularyo sa kasukalang kanilang
tirahan, nagsilabasan
upang masagasaan lamang at magsabog ng dugo at lamang-loob sa
highway ng Sagrada.
Sa kabila ng hirap at
pagod na ibinuhos ni Nene
sa paglalako ng kaniyang paninda sa
mga estudyante, hindi
pa rin niya mapantayan ang kinita niya sa pag-aalaga ng manok at
baboy. Nawalan siya
ng gana.
Muli na lamang nabuhayan
si Nene nang dumating si Mr. Edwards sa Sagrada.
Naghahanap ang
Amerikano ng matutuluyan sa loob ng isang buwan. Hindi nag-atubili
ang mag-inang Nene at
Selya na patuluyin siya sa kanilang malaki ngunit lumang bahay.
“Dagdag na kita!”
paliwanag noon ni Nene
na hindi naman tinutulan ni Selya
na noon na
naman lamang
nakatagpo ng Amerikano.
Isang turista ang
pakilala ni Mr.
Edwards. Ngunit hindi ang Bulkang Mayon ang ipinunta
niya sa Bicol kundi
ang Daro-anak sa Pasacao. Sinabi nila sa kaniya noon na higit na
maganda kung umupa na
lamang siya roon mismo sa Pasacao dahil may kalayuan din
ang Sagrada. Dalawang
oras mahigit ang biyahe papuntang Daro-anak magmula Sagrada.
Katwiran naman ni Mr Edwards, marami na raw tao
doon at mahal ang mga paupahang
kuwarto. Ang ibinayad
niya kay Selya at kay Isko, ang inupahang tagapaghatid-sundo ni
Mr. Edwards sa
Pasacao ay higit na mababa kaysa sa ipambabayad niya sa renta doon.
Nagtitipid din pala
ang mga Amerikano, naisip ko noon.
Misyon daw ni Mr. Edwards sa buhay na gagawin
niyang sikat ang Daro-anak sa buong
mundo. Isang pulo sa
Pasacao ang Daro-anak. Kakaiba ang pulo dahil parang isang bukid
na nagkataon lamang
na ibinagsak sa kapatagan ng dagat. Parang naligaw na kapatid ng
mga luha ng higante
na naging Chocolate Hills ang Bohol. Walang puno. Lahat talahib at
damo. May kalayuan
ang pulo sa pinakamalapit na pampang. Pangarap ni Mr. Edwards
na languyin ang ilang
milyang papunta at pabalik sa Daro-anak nang walang tulong sa
anumang kagamitan sa
paglalangoy. Dahil dito magiging sikat daw siya bilang taong
kayang makalangoy
nang pulo sa pulo sa Guinness Book of World Records. Hindi lamang
daw siya ang sisikat
pati na rin ang lugar ng Daro-anak.
Nang buong buwan
ngang iyon ng Oktubre, dalawang beses bawat linggong inihahatid-
sundo ni Isko si Mr. Edwards sa Daro-anak.
Ginawa na ring assistant ng Amerikano si Isko
na susundan niya sa
paglalangoy sa isang bangka. Para sa kapakanan ni Mr. Edwards,
kapag hindi na kaya
ng kaniyang limampung taong gulang na katawan, sasakay na
lamang siya sa
bangka ni Isko at
muling sisimulan ang isa pang pagsubok.
Sa mga kuwento ni Isko kung paano halos malunod na
si Mr. Edwards sa kalalangoy,
naawa na kaming mga
taga-Sagrada. Pinayuhan namin siyang kung talagang gusto niyang
marating ang pulo ng Daro-anak,
hintayin na lamang niya ang takipsilim sa Pasacao. Sa
pagkati ng tubig sa
dapithapon may lumilitaw na tulay na lupa na nag-uugnay ng Daro-
anak sa dalampasigan.
Higit na kahanga-hangang pakinggan na nilakad ng isang tao ang
pagitan ng dalawang pulo
kaysa sa nilangoy. Hindi nga lang namin maintindihan kung
bakit ayaw
pakinggan ni Mr.
Edwards ang aming payo.
Hindi nagtagal at
nakasanayan na rin namin ang paulit-ulit na pamamalagi ni Mr.
Edwards sa Sagrada
nang isang buwan, tuwing Oktubre. Naging masaya na rin ang lahat
para sa dagdag na
kabuhayan nina Isko, Selya, at Nene. Napalitan na ni Cory Aquino
si Ferdinand Marcos
at ni Fidel Ramos si
Cory Aquino sa pagkapangulo ng Filipinas,
naroon pa rin si Mr
Edwards, nangangarap pa ring makasama sa Guinness Book of World
Records.
Subalit hindi
nakapagtatakang umabot nang ganoon katagal si Mr. Edwards sa kaniyang
pangangarap dahil may
lumabas na tsismis na hindi naman daw talaga ito ang pangarap
ng Amerikano.
Hindi lamang mani at
pulboron ang ibinebenta ni Nene
sa kaniyang mga estudyante.
May mga plastik na
baril-barilan na rin, mga eroplano, tren, mga tangke, at kung
ano pang mga laruan.
Nagreklamo ang mga magulang na dapat itigil na ni Nene ang
pagtitinda.
Lalong-lalo na raw iyong plastik na baril na nalalagyan ng maliliit na balang
plastik. Baka raw
makabulag sa mga anak nila.
Muling nakita ni Nene ang kasaganaang naramdaman
niya sa panahon ng
pagmamanukan at
pagbababuyan. Hindi pumayag si Nene sa gusto ng mga magulang
na pinangangambahan
ang pagkabulag ng kanilang mga anak. Ang ginawa na lamang
niya ay umorder kay
Mr. Edwards ng mga baril na tubig ang bala. Manghang-mangha
ang mga estudyante
dahil kulay-pula ang tubig. Kaya kapag natatamaan nila ang kanilang
kaaway, parang duguan
talaga ang damit ng mga ito. At pagkatapos lamang ng ilang
minuto maglalaho ang
dagta at makauuwi silang hindi mapapagalitan ng kanilang mga
labanderang ina.
Hindi na rin
nakapagreklamo ang mga ina lalo na nang magbenta si Nene ng mga
hulugang t-shirt,
pantalon, at sapatos sa kaniyang sari-sari store na umabot sa pagiging
boutique kinalaunan.
Umorder din si Selya ng payong kay Mr. Edwards nang lubusan
na niyang maagaw ang
mga mamimili sa Bombay na naging kaaway niya noon.
Walang nagawa ang
Bombay kundi ituon na lamang ang kaniyang pagnenegosyo sa
pagpapautang ng
five-six.
Ang talagang pangarap
daw ni Mr. Edwards ay
ang pagkakaroon ng mapagbebentahan ng
mga laruan, damit, at
iba pa, at hindi ang pagkakasali sa Guinness Book of World Records.
Pinili niya ang
Sagrada, hindi dahil palaging inaantok dito ang mga pulis at walang
panahon upang
tuntunin ang pinagmulan ng mga payong, kalan, at kobrekama, kundi
dahil naniniguro
lamang talaga si Mr. Edwards na may kakagat sa kaniyang mga produkto.
Alam niya na habang
lumalayo siya sa kabihasnan ng lungsod, higit na maibebenta niya
ang kaniyang mga
produkto.
Ang sabi naman ng
iba, na naniniwala na ang puso ni Mr.
Edwards ay kasimputi ng
kaniyang kutis, si
Nene ang may kasalanan ng lahat. Si Nene raw ang nagsulsol kay Mr.
Edwards na magdala ng
mga imported na bilihin. Ang patunay daw nila: sa ikalawang
buwan lamang
nagsimulang magbenta si Mr. Edwards at hindi sa una. Baling naman ng
mga naniniwala na
sing-itim ng mga Agta ang puso ni Mr.
Edwards, tiningnan lamang daw
kasi niya kung
talagang may pera nga sa Sagrada noong unang buwan kaya wala siyang
dala.
Kinausap ko minsan si
Nene. Sa kaniya ko nalaman ang kuwento ng Amerikano.
Tumakas daw si Mr.
Edwards sa Amerika nang sumiklab ang digmaan sa Vietnam
noong 1966. Hindi
lang naman daw siya ang tumakas. Marami raw sila. Pinili raw niya
ang Filipinas dahil
nandito ang base militar. Kapag nagbago raw ang kaniyang isip para
sa pagmamahal sa
kaniyang bayan madali raw siyang makakatagpo ng mga kapuwa
Amerikano. Ngunit
hindi nagbago ang kaniyang isip dahil natuklasan niyang maganda raw
palang magnegosyo
rito sa Filipinas. Lalo niya itong napatunayan nang mawala si Marcos
at nagkagulo ang
Filipinas sa pamamahala ni Cory
Aquino. Ang kailangan mo lamang
daw gawin ay pumunta
sa mga liblib na baryo at doon magnegosyo. Abala ang lahat sa
mga kaguluhan sa
siyudad at Maynila upang pakialaman pa sila.
Si Mr. Edwards ang
may balak talagang magbenta ng imported doon sa Sagrada.
Nakipagsosyo lamang
sa kaniya si Nene. Nang ibalita raw ni Mr.
Edwards ang kaniyang
plano kay Nene, hindi
raw nag-atubili si Nene. Sabi niya kay Mr. Edwards, bibilhin niya
ang lahat ng dadalhin
nito sa Sagrada. Pakyawan nang wala nang problemahin si Mr.
Edwards sa pagbibenta
at pagsingil ng pautang, hindi kagaya ng Bombay. Ngunit may
kondisyon: si Nene
lamang ang bibentahan ni Mr.
Edwards nang maging madali naman
sa kaniya ang
paglalako sa mga produkto. Sumang-ayon naman agad si Mr. Edwards.
Hindi lang pala
nagtitipid ang mga Amerikano, nagsa-sideline din, sabi ko na lang uli
noon sa sarili.
Ang pangarap naman
daw ni Mr. Edwards na
masama sa Guinness Book of World Records
ay pakulo lamang niya
upang ituring lamang siyang suking turista kung sakaling may
magising na pulis sa
kalam ng tiyan at makaisip mandelihensiya. Saka hilig daw talaga ni
Mr. Edwards ang
lumangoy. Napakainit daw talaga sa Filipinas. Hindi na raw siya nasanay
kahit may ilang taon
na ring naninirahan dito.
“Napakainit talaga
rito sa Filipinas,” pagsang-ayon naman ni Selya
sabay paypay ng
kaniyang abaniko.
Hindi lamang si Nene
noon ang nabuhayan sa pagdating ni Mr.
Edwards. Pati na rin si
Selya. Kahit nasa
sisenta anyos na, nakuha pa rin niyang makipaglandian sa limampung
taong gulang na Mr.
Edwards.
“Age doesn’t matter,”
sabi noon ni Selya,
kaya hindi siya mapagbabawalan.
“Age doesn’t matter!”
sabi rin ni Nene at
nangarap din siyang magkatuluyan sila ni
Mr. Edwards. At kung
edad ang pag-uusapan, ang agwat ni Mr.
Edwards kay Nene ay
sampung taon din
katulad ng agwat niya kay Selya. Ngunit higit na maganda raw kung
mas matanda ang
lalaki kaysa sa babae kaysa ang babae ang higit na matanda sa lalaki.
Higit na matagal daw
tumanda ang pag-iisip ng lalaki.
Noon nagsimula ang
away ng mag-ina. Higit na mapilantik pa sa dila ng ahas ang mga
dila nina Nene at
Selya kapag nag-aaway sila. Ang tanda-tanda na raw ni Selya, sabi ni
Nene, naglalandi pa,
gayong pumasok na raw sa menopause. Kapag dumarating naman
si Mr. Edwards upang
dalhan muli ng paninda si Nene at subukang languyin muli ang
Daro-anak, nawawala
ang pilantik ng mga dila nina Nene at Selya.
Sa hapag-kainan, sa
salas o kaya’y sa bakuran kapag maliwanag ang buwan,
kukuwentuhan ni Selya si Mr. Edwards tungkol sa
kapanahunan ng mga Amerikano sa
Filipinas. Noong bago
pa man dumating ang mga Hapon at kung paano siya niligawan ni
Mr. Smith. Sabi raw
sa kaniya noon ni Mr.
Smith, hindi raw siya nababagay sa Filipinas.
Higit na nababagay
raw siya sa Amerika nang hindi na siya nagpapaypay ng abaniko nang
ganoon kabilis. Saka
ipakikita ni Selya kay
Mr. Edwards ang kaniyang abaniko, na noon pa
ma’y punit-punit na
sa palagiang paggamit.
“Napakarami nang
ganiyan sa Maynila,” pansin noon ni Mr.
Edwards sa wikang Ingles.
“Ginaya lamang nila.
Dala ito ni Mr. Smith
galing sa Amerika,” sagot naman ni Selya
sa
baluktot na Ingles na
natutuhan niya sa nasirang asawa.
“Gusto mo dalhan kita
niyan sa sunod na pagbisita ko?”
“Basta yung galing sa
Amerika!”
Subalit pag-alis
noon ni Mr. Edwards
hindi na siya nagpakita sa buong taon ng 1986.
Isa rin siguro ito sa
mga nagbunsod kay Nene na pumunta sa Maynila nang magkagulo
sa EDSA, sabi ng
ilan. Ngunit nakabalik na sina Nene sa Sagrada at natapos na ang
Rebolusyon sa EDSA at
hindi pa rin nagpapakita si Mr. Edwards. Lumipas ang mga
buwan at hindi siya
dumating. Nasingil na halos lahat ni Nene
ang mga hulugan wala pa
rin siyang bagong maibebenta. Akala niya noon
wala na si Mr. Edwards sa buhay nila.
Nalungkot si Selya
dahil hindi na mapapalitan ang kaniyang antigong pamaypay.
Nang dumating ang
buwan ng Pebrero, taong 1987, muling nagpakita si Mr. Edwards.
Isang palumpon ng
pulang rosas ang dala niya at isang kahon ng tsokolate. Wala siyang
dalang abaniko.
Ibinigay ni Mr.
Edwards ang mga rosas at tsokolate kay Nene. Ibinigay ni
Nene ang tsokolate
kay Boboy. Walang biyayang natanggap si Selya kundi isang scotch
tape upang pagtagpi-tagpiing
muli ang kaniyang punit-punit na pamaypay.
Akala raw ni Mr. Edwards magkakaroon ng giyera
sa Filipinas nang nakaraang taon. Hindi
raw siya
makabalik-balik dito sa Filipinas sa takot. Ngunit ngayon at gumanda na ang
papawirin para sa
negosyo bumalik kaagad si Mr. Edwards at may balak pang pakasalan
si Nene. Doon
nagtapos ang away ng mag-ina. Nanahimik na lamang si Selya sa kaniyang
pagkatalo.
Hindi naman tumanggi
si Nene sa balak ni Mr.
Edwards gayong matagal na rin silang
magkakilala at naging
magkasama na rin sila nang ilan taon. Napatunayan na rin noon
ni Nene na peke
ang isinauling Birhen ng Peñafrancia noong 1972. Sa Birhen na nga
lamang siya umaasa at
naniniwalaa noon, pagkatapos nawala pa. Wala na rin siyang
pakialam sa
pakikibaka ni Benjamin
na may ilang taon na ring patay. Lahat ng kaniyang
ipinaglaban at
pinaniwalaan ay naglaho nang lahat. Kaya nang niyaya siyang pakasal
ni Mr. Edwards,
wala siyang makitang dahilan upang tumutol. Hindi raw sila rito sa
Filipinas
magpapakasal. Sa Amerika raw. Dadalhin daw niya si Nene roon. Ngunit bago
sila magpakasal,
kailangan na muna raw nilang palaguin ang boutique nila sa Sagrada.
Ang nais na
ngayon ni Mr. Edwards
ay hindi na lamang isang boutique kundi isa nang
department store.
Dinagdagan pa ni Nene ang mga binibili niya kay
Mr. Edwards. Bilang patunay na
hindi siya
niloloko ni Mr.
Edwards, dinala siya nito sa Maynila kung saan daw sila
magbabakasyon. May
sasabihin daw siyang lihim kay Nene. Hindi noon isinama ni Nene
si Boboy dahil
nag-aaral na siya sa Mababang Paaralan ng Sagrada.
“Buo ang tiwala ko
noon sa kaniya, Tiyong,” sabi sa akin ni Nene
bago siya umalis
papuntang Amerika sa
paghahanap kay Mr. Edwards. Nabigla raw siya nang sabihin sa
kaniya ni Mr. Edwards na ang mga ibinebenta
niyang mga kaldero, laruan, at iba pa ay
binili lamang sa
Maynila, sa Divisoria raw kung saan mura ang lahat ng bilihin. Ngunit
hindi naman daw iyon
panloloko dahil galing naman daw talaga iyon sa ibang bansa.
Hindi nga lamang daw
siya ang mismong nagdala sa bansa.
Sabi ni Mr. Edwards na makikipagsosyo na
sila nang pormal, may kontrata, sa mga may-
ari ng binibilhan
nila sa Divisoria. Magtatayo raw sila ng department store sa Sagrada.
Uunlad daw ang
Sagrada kapag naitayo nila ang tindahan. Dadayuhin daw sila ng mga
taga-ibang bayan.
Ipapangalan daw nila kay Nene ang department store. Nabunyag din
kay Nene ang isa pang
sikreto ni Mr.
Edwards. TNT raw kasi siya kaya hindi maaaring sa
kaniya ipangalan ang
department store. Pagkatapos daw ng kanilang kasal, kukuha na
lamang siya ng dual
citizenship. Ngunit samantalang hindi pa siya Filipino, si Nene na
muna ang maglalakad
ng lahat ng papeles ng itatayo nilang negosyo. Lalago raw ang
negosyo dahil paunlad
na raw ang bansa. Bibili raw sila ng isang dyip na maghahakot ng
mga ibebenta nila sa
Sagrada. Pagkatapos, hindi lamang daw sila sa Sagrada magtitinda;
pati na rin sa mga
karatig-bayan.
Hindi ko noon alam
kung ano ang iisipin ko, dahil hindi lamang pala mga Filipino ang
nagti-TNT.
Biglang-bigla noon si
Nene sa mga lihim na ibinunyag sa kaniya ni Mr.
Edwards.
Binantaan kaagad niya
si Mr. Edwards. Hindi aasenso ang anumang negosyo sa bayan
ng Sagrada dahil ang
mga tao rito ay parang mga aninong tagasunod lamang sa katawan
ng tao. Ngunit
naalala ni Nene ang
anino sa loob ng bahay na bato. Hindi anino,
pagwawasto niya.
Higit na angkop na parang loro. Kung may sasabihin ka, ang gagawin
lamang ay ulit-ulitin
ang sinabi mo nang walang iniiba. Kung walang ituturong bago,
wala ring
matututuhang bagong salita.
Ngunit hindi rin talaga katulad ng anino o ng loro
dahil kakaiba ang
ganitong panggagaya sa bayan ng Sagrada. Hindi sa ginagaya lamang
talaga. Nais lamang
talunin ang ginagaya. Parang mga talangka. Parang mga alimango.
Marahil aasenso sa
unang mga taon ang itatayo nilang department store. Dudumugin pa
nga siguro ng mga
tao, natitiyak na halos ni Nene.
Ngunit kapag nalaman nilang galing
lamang sa Maynila ang
mga ibinebenta, hindi malayong gagawa rin sila ng sarili nilang
department store.
Ipagkakalat pa nila sa buong bayan ng Sagrada kung paano sila naloko.
Darating ang panahon
na wala nang bibili sa kanila at sila-sila na rin mismo ang mag-
aaway-away para sa
mga mamimili.
Ipinamukha rin ni Nene sa kaniya na ang tatlumpung
taong walang ipinagbago ng maliit
niyang negosyo sa
tulong ni Mr. Edwards
ay sapat nang patunay na walang mangyayari sa
balak nila. Nakita
rin siguro ni Mr.
Edwards ang lohika ng paliwanag ni Nene,
na dumaan
na sa panahon ng
yelo, ng manok at baboy at sari-sari store. Mag-isa na lamang na
bumalik si Nene sa
Sagrada at halatang-halata ang pagod sa kaniyang mukha. Susunduin
na lamang daw
siya ni Mr. Edwards sa
Pebrero ng susunod na taon.
“Naku, may nangyari
sa Maynila,” paliwanag ng isa sa maputlang mukha ni Nene pag-uwi
niya.
“Inuna ang
pulot-gata.”
“Aba’y siyempre! Baka
napag-iwanan na nga ang babae ng panahon.”
Mahigit apatnapung
taong gulang na noon si Nene.
Napakabilis na ng mga
pangyayari ng mga panahong iyon. Hindi nagtagal at pinalalayas
na ng mga Filipino
ang base militar ng Amerika sa bansa. Masyado na raw matagal ang
ipinirmi nila sa
Filipinas. Masyado nang mapanganib para sa Filipinas na nandito ang base
militar ng Amerika.
Maraming dahilan ang ibinigay.
Ikalawa ng Abril 1991
nang pumutok ang Bulkang Pinatubo pagkatapos ng anim na
daan at labing isang
taong pagkakahimlay. Ang ulan ng abo, makalipas lamang ng ilang
araw, ay nakarating
na sa Bicol upang ihatid ang balita kay Nene na hindi na darating si
Mr. Edwards. Walang
ibang nakakuha sa amin ng balita kundi si Nene lamang, dahil
abalang-abala ang
lahat ng tao sa kapapasok ng mga basang sinampay. Sa pagdapo
ng mga abo sa mga
basang sinampay natutunaw agad sila, dumidikit sa labada at
nagiging mantsa na
hindi naman pinangambahan ng mga labanderang ina dahil kayang-
kaya naman daw
linisin nina Mr. Clean, Ajax, at Perla. Walang natataranta sa Sagrada
dahil kaya namang
linisin ng tubig ang maimpis na abo sa halamanan, sa lupa, at sa
kalsada, hindi
katulad sa mga abong umulan sa magkakatabing bayan ng Pampanga na
nagpaguho sa hindi
iilang mga gusali at kumitil sa libo-libong buhay.
Taong 1992 nang
mapasakamay na ng Filipinas ang Subic Naval Base at Clark Air Base.
Kahit Disyembre pa
ang palugit ng paglilipat, Setyembre pa lamang tapos na ang
lipatan. Dumaan ang
mga taon nang hindi nagpapakita si Mr. Edwards. Lihim itong
ikinatuwa ni Selya. Akala niya’y matatalo na
siya ng kaniyang anak sa pangangasawa ng
isang Amerikano.
Mabuti at anak niya ang niligawan at iniwan. Ngayon ay amanos na
sila. Kapuwa na nila
alam ang nararamdaman ng isang naloko.
Sa mga taga-Sagrada
namang hindi nakaaalam sa tunay na dahilan ng bigla na lamang
pagkawala ni Mr. Edwards, ang naging katwiran
na lamang ay marahil daw nalangoy na
niya ang Daro-anak.
Ngunit walang dumating na balita tungkol sa pagkakasali ng Daro-
anak sa Guinness
Book of World Records. Noon sila naghaka-haka na baka minsan daw
sinubukan niyang
languyin ang Daro-anak nang hindi ipinaaalam kay Isko; nahihiya na
siya sa paulit-ulit
na pagkabigo. Marahil daw hindi na nakayanan ni Mr. Edwards ang
paglalangoy at
nalunod na lamang. Hindi nila nakuhang itanong ang kasagutan kina
Nene at Selya dahil
naawa sila sa bigla na lamang pagkawala ng negosyo ng mag-ina.
Binura na rin nila
ang mga bintang nila kay Nene. Marahil nga ang paglangoy lamang
talaga ang sadyang
pakay ni Mr. Edwards
sa kaniyang pagpunta sa bayan ng Sagrada.
Isang araw narinig ko
na lamang na namamaalam na sa akin si Nene.
“Tiyong, susundan ko
po sa Amerika si Mr. Edwards.”
“Alam mo ba ang
address niya?” pagtutol ko noon sa balak ni Nene.
“Hindi.”
Ngunit buo na ang
pasiya ni Nene. “Bukas
po aalis na ako papuntang Maynila.
Aasikasuhin ko pa po
ang passport ko. Baka doon ako magsimula sa paghahanap.
Pupunta siguro ako sa
Subic o sa Clark. Siguro naman may nakakikilala doon kay Mr.
Edwards. Magpapaturo
na lamang ako ng address niya sa Amerika.”
Ito ang ikinuwento ko
kay Boboy nang tanungin niya ako tungkol kay Nene. Ikinuwento
ko rin kung paanong
ang kakayahang ipinamalas ni Nene upang pasulputin nang parang
kabute ang mga yelo,
ice tubig, ice candy, manok, baboy, at sari-sari store ay siya ring
kakayahang ginamit
niya sa pagbaklas ng mga estante sa sari-sari store. Nag-sale na si
Nene, bago pa man
naging uso rito sa Maynila ang mga sale, ng lahat ng kasangkapan
sa sari-sari store at
boutique. Siningil niya ang lahat ng mga utang. Isinanla rin niya ang
bahagi ng kaniyang
mamanahin mula kay Severino. Lalo pang nabawasan ang kakaunti
na lamang na
hektaryang natira sa Hacienda Nueva. Noon natuklasan ni Nene na higit na
madali ang pagbaklas
kaysa sa pagpako ng estante. Higit na madali ang lumikha ng gulo.
“Natagpuan kaya niya
Tiyong, si Mr. Edwards?” tanong sa akin ni Boboy.
“Hindi ko alam. Ano
ba ang sabi niya sa sulat?”
“Wala. Wala siyang
sinasabi tungkol kay Mr. Edwards.”
“Siguro nga, hindi pa
niya natatagpuan.”
“Hindi niya ako
kinausap nang umalis siya.”
“Pero sinusulatan ka
naman niya.”
“Hindi ko naman siya
masulatan.”
“Ano ang natatandaan
mo nang umalis siya?”
“Wala. Nagmamadali
siyang makaakyat sa bus. Inaayos ang mga bagahe. Hinahanap ang
tiket. Nagpapaganda
siya. Tapos sabi niya sa’kin ingatan ko raw ang sarili ko.
Hindi ko na sinabi
kay Boboy, ngunit natatandaan ko noon si Nene, parang si Estela nang
makita ko ang
kaluluwa nitong papuntang gubat. Pinili ni Estela ang gubat dahil parang
inaasahan lamang
talaga na doon siya pupunta. Natural lamang. Isa siyang nawawalang
kaluluwa at ang gubat
ang bayan para sa mga nawawala.
Muling lumamig ang
paligid. Narinig kong may ibinubulong na tanong sa akin ang
kaluluwa. Itinatanong
niya kung bakit hindi sa gubat pumunta si Nene.
May sariling dahilan
si Nene. Ngunit hindi pa ito ang wastong panahon upang itala iyon
at mantsahan ang
kadalisayan ng papel ng isang higit na masakit pang alaala. Sapat
nang sabihin na ang
gubat ng lungsod ang kaniyang pinili. Hindi mapakali ang kaluluwa
sa aking likod. Ngunit
natuto na ako minsang huwag uunahan ang panahon. Sapat
nang sabihin na rito
sa gubat ng lungsod nababagay ang pagkaligaw ni Nene. Sapat
nang sabihin na ang
bus na sinakyan niya papuntang Maynila ay nag-iwan ng bakas na
parang nilikha ng
isang higanteng sawa. Ni hindi niya nakuhang magpaalam sa aninong
umaaligid sa bahay na
bato. Noon ko unang naramdaman ang kamandag ng aking mga
kuwento, dahil umalis
si Nene pagkatapos kong isalaysay sa kaniya ang kuwento ng
mga Nueva. Humingi
siya noon ng tulong sa akin. Akala ko makakatulong sa kaniya ang
kasaysayan ng
kaniyang pamilya.
Sa tingin ko’y hindi
narating ni Nene ang Amerika. Marahil narito lamang siya sa Maynila.
Hindi ko noon
maipaliwanag ang selyong nakatatak sa mga liham na padala niya. May
tatak namang New
York. Ngunit nang makarating ako rito sa Maynila nakita kong
nagkalat ang mga
gumagawa ng iba’t ibang disenyo ng selyo at stamp pads. Magaling
ngang manggaya ang
mga Filipino. Hindi mahirap gayahin ang tatak ng selyo. Ang
ikinalulungkot ko
lamang ay si Nene; si Nene, na siyang nagpasimula ng panahon ng
mga yelo, manok, at
baboy sa aming bayan bago pa man nakarating ang Sariwanok ng
Magnolia sa Sagrada
at bago pa man ang mga mega-sale sa mga malls dito sa Maynila; si
Nene na nakilala ko
bilang babae ng mga simulain ay sa huli’y natuto na ring manggaya.
BAGONG BAYANIni Joseph Salazar
1 LIMPAK-LIMPAK na
salapi ang nagastos sa pagbili lamang ng kaniyang damit. Sa
dami ba naman ng
taong inutangan ni Aling Clara, paano ba namang hindi kakalat
ang mga bali-balita?
Disiotso anyos lang si Lea subalit, sa kaniyang kamusmusan,
inako na niyang lahat
ang obligasyong maghanap ng perang ipantutustos sa kaniyang
pamilya. “Hindi mo ba
alam,” bulong ng mga tsismosang nanay na nagmamaang-
maangan pa para
lamang may mapag-usapan. “Pupunta si Lea sa Amerika.” Ikukunot
nila ang kanilang
noo, itataas ang mga kilay at iaangat ang mga ilong upang simulan
ang pang-uusisa sa
mga detalye ng kaniyang pangingibang-bayan. Natuyo na ang
kanilang mga labada,
nagkalat muli ang alikabok na winalis sa isang tabi at nasunog
na ang kanilang mga
sinaing, asahan mong nariyan pa rin ang kanilang mga tsismis.
Samantala, nagkunwang
tahimik lamang ang mga ama sa piling ng di matapos-
tapos na kuwentuhan
ng kanilang mga asawa. Gaya ng dati, hindi nila ipinakikita na
naaabala rin sila ng
mga pangyayaring nagaganap sa San Joaquin. Subalit binubuhos
naman nila ang
kanilang paghanga kay Ka Nardo, ang yumaong ama ng dalaga, sa
kanilang mga inuman.
“O, para kay Ka Nardo,” isisigaw nila sabay tagay ng serbesa.
“Kung buhay lamang
siya, pihadong matutuwa ito kay Lea.”
2 Tunay ngang isang
malaking pangyayari ang nakaakit sa pansin ng San Joaquin.
Habang abala si Lea
sa paghahanda sa kaniyang nakasabit na kontrata – nakasabit
sapagkat maraming
pasikot-sikot hinggil sa kung ano-anong legalidad ang kailangan
pa niyang pagdaanan –
abala rin ang buong bayan sa pagpapalitan ng mga kuro-
kuro. Hindi sila
magkasundo sa pagtinging ibibigay nila kay Lea. Sa isang banda, siya
ang anak ni Aling
Clara na magpapaahon sa kaniyang pamilya mula sa kahirapan:
kaiinggitan,
kamumuhian, masarap siraan. Subalit siya rin ang anak ng San Joaquin
na kapupulutan ng
pag-asa: pupurihin, tatangkilikin, gagawing pangunahing tauhan
sa mga kuwentong
isasalaysay sa ilang henerasyon ng kabataan.
3 Piling-pili ang Lunes
ng kaniyang pagpunta sa embahada. Katatapos lamang ng kasal
ni Paciano kay Elena
noong Linggong dumaan, at walang duda na ang kaniyang
pangalan ang laman ng
mga usap-usapan sa naganap na handaan. Aba, natalo
pa niya ang mga
ikinasal sa paglaganap ng atensyon ng San Joaquin. Sa halip na
pagtawanan ang
kapilyuhan ni Paciano na nagkunwang papasok sa seminaryo para
lamang payagan ito ng
ama ni Elena na makausap ang dalaga, naging tampok ang
buhay ni Lea.
Pinagtalunan nila ang kaniyang pagiging masunuring anak at masungit
na kapitbahay,
mapagmahal na kaibigan at di matalinong kaklase, mapagbigay na
pinsan at mataas kung
mangarap na pamangkin. Kalat na kalat ang balita: pupunta
si Lea sa Amerika.
Bagama’t hindi pa naitatakda ang ganitong kapalaran, kumbinsido
na ang San Joaquin na
pupunta talaga siya sa Amerika. At dahil sa mga umiinog
na usapin kahapon sa
kasal nina Paciano, gumising nang maaga ang buong bayan,
dumungaw sa
kani-kanilang mga bintana, pumuwesto kapiling ng paborito nilang
kakuwentuhan, at
inabangan ang paglabas ng walang kamuwang-muwang na dalaga
mula sa maliit na
kubong kaniyang tinitirhan.
4 Noon pa nila gustong
makausap si Lea subalit lagi na lamang abala ang dalaga.
Maging ang mga
kabarkada niya’y napikon sapagkat hindi siya makausap, ni wala
silang maibahaging
detalye sa mga ina nilang gabi-gabi na lamang nangungulit
tungkol sa hinaharap
ng kaibigan nilang pupunta sa Amerika.
5 Maganda sana ang
pagkakataong ibinigay ng handaan sa kasal ni Paciano upang
mausisa si Lea. Matagal
nang pinangarap ng buong San Joaquin na makausap
siya. ‘Yun nga lang,
pinili ni Aling Clara na itabi ang kaniyang anak kay Ore.
Nakapagtrabaho na
dati si Ka Ore sa isang pabrika sa Amerika kung kaya’t
pinagsamantalahan ng
biyuda ang pagtatanong hinggil sa magiging buhay ng
kaniyang anak doon.
At sa puntong ito kung saan tanging ang embahada na lamang
ang makapipigil sa
pag-alis ni Lea, hindi mo masisi si Aling Clara na walang ginawa
maghapon kundi
mangalap ng mga payong makatutulong sa kaniyang anak na
pupunta sa embahada
sa kinabukasan.
6 “Aba, kailangan pa ba
‘yon?” laking gulat niya matapos ikuwento ni Ka Ore ang
tungkol sa kakilala
niyang TNT na hindi nakakuha ng Visa dahil hindi nito alam
kung
anong trabaho ang
ibibigay ng pabrikang tumanggap sa kanya. “Kasalanan na ‘yan
ng recruifing
agency. Sila ang nagsabi na may trabaho, eh. Siyempre, nag-aplay itong
si Lea, ilang trabaho
ba ‘yung sinabi nating kaya mong gawin sa applicafion form?”
tanong agad ni Aling
Clara kay Lea. Tahimik lamang ang dalaga. “Malay ba namin
kung alin do’n ‘yung
ibibigay sa kanya. Walang sinabi sa sulat.”
7 “Ay, ganoon na nga,”
sumbat ni Ka Ore. “Sinasabi ko sa iyo, idadahilan sa inyo ng
Kano na porke ba’t
may trabaho na, papayag na lang basta-basta? Hindi pupuwede
sa kanila ang gano’n.
Ang gusto nila, alam mo ang pinapasukan mo.” Sa lakas ng
boses ni Ka Ore,
halos lahat ng bisitang naupo sa silid ay nakinig na lamang sa mga
kuwento niya. Ni
isang salita walang nabitiwan ang ibang mga matatandang noon
pa kating-kati na
mausisa ang dalagang pupunta ng Amerika. “Ay, Lea,” patuloy ni
Ka Ore. “Sinasabi ko
sa iyo, dapat siniguro mo muna ‘yan. Naku! Paano kung hindi
disenteng trabaho ang
bagsakan mo? Ha?”
8 “Ka Ore, ano ba naman
ang iniisip mo?” sagot agad ni Aling Clara. “Legal ang
recruifing
agency na pinag-aplayan namin. Aprubado ng POEA ‘yon. Huwag mo
namang takutin ang
anak ko ng ganyan.”
9 Nanlaki ang mata ng
matanda. “Naku, Clara! Hindi ko siya tinatakot. Ang hirap din
kasi sa mga kasong
ganyan, kapag hindi masiguro ang trabaho pag-alis dito, pihadong
walang trabaho
pagdating doon. Maski na ba legal ang recruifing agency dito,
naloloko din ‘yan ng
mga Kano do’n. Ano nga ba kasi ang trabahong pinasukan mo?
Ha?”
10 Tumingin lamang si
Lea kay Aling Clara na madaling nagtanong: “E, Ka Ore, bukod sa
trabaho, ano pa
kadalasan ang mga tinatanong?”
11 “Depende. Kung
magpapakasal ka, halimbawa, itatanong sa iyo kung ano ang
ginagawa ng asawa mo,
ano ang trabaho niya, saan siya nakatira, sino ang nanay
niya, ilang kuwarto
mayroon sa bahay niya, ano ang paborito niyang kulay.
Tinatanong din nila
kung anong balak mong gawin matapos ang ilang buwang
paninirahan doon,
kung babalik ka pa, kung may balak kang manirahan doon nang
tuluyan. Tinatanong
din nila kung ano ang alam mo sa Amerika, kung ilan na ang
mga pangulo nila.
Tapos kung may pamilya ka rito, tatanungin nila kung ano-ano ang
pinaggagagawa nila
rito, kung may balak silang sumunod sa iyo pagdating mo doon.
Kung wala ka namang
pamilya, tatanungin nila kung may boyfriend ka na...”
12 “Pati ba naman
ang boyfriend tinatanong?” sabad ni Aling Clara.
13 “Bakit, may boyfriend na
ba si Lea?”
14 “Wala,” tugon agad ni
Aling Clara. Ngumiti naman sa hiya si Lea habang
mapanuksong humiyaw
ang ilang nakikinig. “Pero bakit naman kailangan pa nilang
pag-aksayahan ng
panahon ang mga detalyeng ganyan?”
15 “Ay, Clara,” wika ni
Ka Ore. “Kapag nagtatanong ang mga Amerikano, aakalain mo
may ginawa kang
kasalanan. Napakabagsik nila. Kulang na lamang ay hubaran ka.
Aba, pati nga kulay
ng panti mo natatanong kung minsan. Mapipilitan ka namang
sumagot. Kapag
nandoon ka na’t tinamaan ka na ng kaba sa dibdib, wala nang
magagawa ang
pagsisinungaling. Kung hindi ka naman makasagot nang tuwid, hindi
ka makakapunta ng
Amerika. Wala, hindi ka nila papayagan. Dapat listo ka. Tuwid
ang pag-iisip. Hindi
ka dapat aanga-anga. Bawat yes na sagot mo, bigyan mo ng
dahilan. Bawat no na
sagot mo dapat maipaliwanag mo nang husto. Matuto kang
gumawa ng dahilan.
Kung tango ka lang nang tango ng ulo, walang mangyayari sa
iyo. Kahit baluktot
ang Ingles, sige lang. Ipakita mo ang nalalaman mo, na matalino
ka at karapat-dapat
kang mabuhay sa bayan nila. Siguraduhin mo na alam mo ang
ginagawa mo.
16 At sinimulang muli ni
Ka Ore ang kaniyang talambuhay. Magsisisenta na si Ka Ore
subalit ang kaniyang
alaala ay umiinog lamang sa walong taong nanirahan siya sa
Amerika. Ilang beses
nang narinig ng mga taga-San Joaquin ang kaniyang kuwento.
Memoryado na nila
ito. Kahit alam nilang iniimbento na lamang ng matanda ang
ilang detalye,
pinalalampas na lamang nila ito. Sinasabayan nila si Ka Ore sa kaniyang
pananaginip na
namimitas siya ng mansanas at kahel; o lumalanghap ng malamig na
simoy habang
dahan-dahang lumalatag ang niyebe sa lupa; o naglalakad sa ilalim ng
mga puno sa sidewalk,
pinakikinggan ang mga nalagas na dahon na nagngungumalot
sa kaniyang pag-apak.
Iisipin ng mga taga-San Joaquin na minsa’y mararanasan din
nila ang ganito
katamis na buhay. Titingin sila kay Lea, at sa kanilang mga guniguni,
panonoorin nila ang
dalagang may suot na Amerikana, pumipitas ng mansanas,
naglalakad sa yelo o
sa mga namumulang dahon ng taglagas. Ay, buti pa si Lea.
Makakatikim ng
masarap na buhay, lalayo sa hirap, kikita ng dollar. Mabuti pa si
Lea,
iisipin nila, pupunta
ng Amerika.
17 HALOS hindi na
makahinga ang buong bayan nang dumating si Lea mula sa
embahada. Dahan-dahan
siyang bumaba sa traysikel, walang imik. Wala silang
makuhang pahiwatig ng
tagumpay, ni kasawian sa kaniyang mukha habang hinintay
niyang bayaran ng
kaniyang ina ang drayber. Napansin ng drayber ang pananabik ng
mga tao sa kaniyang
paligid, at maging siya ay walang balitang maibahagi hinggil sa
kapalaran ng dalaga.
Bumaba si Aling Clara sa traysikel, subalit ang kaniyang mukha’y
nakatalikod sa madla,
nakaharap sa pinto ng kanilang bahay.
18 “O, Aling Clara,
kumusta?” may malakas na loob ang nagtanong.
19 Umiling si Aling
Clara sa sama ng loob. “Wala, ni-reject.” Nanatiling tahimik ang
buong San Joaquin.
“Hayaan ninyo,” patuloy ni Aling Clara, “may dalawa pa siyang
pagkakataon.”
20 “Aba, Lea,” tawag ng
isang ale. “Sinunod mo ba ang payo ni Ka Ore?”
21 Tumango si Lea.
“Opo,” sabi niya. “Sinunod ko po ang lahat ng bilin ni Ka Ore.”
22 “Sinasabi ko na nga
ba,” sigaw ng isa pang tagaroon.
23 Dahan-dahang naglakad
papasok sa kanilang bahay si Aling Clara, mabigat
na mabigat ang loob.
Tumingin na lamang si Lea sa mga kababayang maiging
sumubaybay sa sinapit
niyang kapalaran. Nakita niya kung paano nasiraan ng loob
ang iba sa kaniyang
sinapit na kasawian sa embahada ng mga Amerikano. Nadama
niya ang mga nanlalamig
na pagtinging bigay ng ilan sa kanila.
24 Subalit isang tingin
lamang ang kaniyang iginanti sa bayang naging manunuri at
tagahanga ng kaniyang
makakalimutan ding kasaysayan. At sa kaniyang mga mata
nakita ng San Joaquin
ang isang matamis na ngiti ng tagumpay at pag-asa na tila
nakalimutan nilang
damhin simula nang isuko nila ang kanilang mga pangarap sa
Amerika.
___________________________________________
Ang akda ay hango sa
librong ito:
Santos, B. at C.
Santos. (2002). Kawil II: aklat sa paglinang ng kasanayan sa wika at
literatura (KAWIL).
Lungsod Quezon: Rex Bookstore, ph. 190-194
BAYAN KO: LABAN O BAWI1?ni Jose F. Lacaba
1 May mga kaibigan at
kakilala akong nag-iisip nang mangibang-bayan. Hindi naman
sila mga Amboy2 na may mental colony, at ang ilan pa nga sa kanila ay
magiting na
lumaban sa dalawang
People Power Revolution sa Edsa3. Pero nitong mga nakaraang
araw, seryosong
pinag-aaralan ng mga kaibigan at kakilala kong ito ang posibilidad na
mag-immigrate4 sa Canada o Australia.
2 Kung baga, pagod na
sila sa laban, bawi na ang gusto nila.
3 Hindi ko naman sila
masisi. Ibon mang may layang lumipad5, kapag matagal-tagal
nang nakakalanghap ng
makamandag na hangin dito sa ating bayang magiliw, ay
makakaisip na
talagang mag-alsa-balutan at mag-TNT6.
4 At hindi sila
nag-iisa, o nag-iisandaan, o nag-iisang milyon. Ayon sa pinakahuling
survey ng Weather-Weather
Station7, 69 porsiyento ng ating mga kabataan—at
siyento-porsiyento ng
mga sidewalk vendor at ng mga presong nahatulan ng
kamatayan—ay ayaw nang
maging Pilipino. Mas gusto nilang maging Men in Black. O
kaya’y X-Men. O kahit
na Hobbit8.
5 Ang 30 porsiyento
naman, ayon pa rin sa nasabing survey, ay gustong sumapi sa
Yaya Sisterhood9. Mas malaki kasi ang
kita sa pag-aalaga ng isang uhuging sanggol
sa Hongkong kaysa
pagtuturo ng 50 uhuging bata sa ilalim ng punong mangga sa
Barangay Bagong
Bakuna.
6 Gayunman, lumalabas
sa survey na may isang porsiyentong nakalaan pa ring manatili
sa ating lupang
tinubuan. Ito’y binubuo ng mga sumusunod na sektor: pulitiko,
kidnap-for-ransom
gang, Abu Sayyaf10, at SWAP (Samahan ng mga Walang Atik at
Pamasahe).
7 “Wala na talagang
pag-asa ang Pilipinas, sa kabila ng dalawang Edsa at isang
Diosdado Macapagal
Avenue11,” himutok ng mga nawalan na ng pag-asa.
8 Kabilang sa mga
ibinigay na dahilan ng paglaganap ng kawalang-pag-asa ang
sumusunod:
di-masawatang krimen, di-kinokolektang basura, di-makontrol
na polusyon, sobrang
trapik, walang-tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina at
galunggong, kawalan
ng hanapbuhay, paghihigpit sa mga pelikulang bold, at
pagpapakasal ni
Assunta kay Kongresista Jules12.
9 Takang-taka ang mga
kaibigan ko’t kakilala kung bakit pinipili kong dito pa rin
manirahan sa loob ng
bayan nating sawi. Ang una nilang tanong ay: “Bakeeet?!” At
ang ikalawa’y: “Is
that your final answer?” “Do you sure?”
10 Ganito ang sagot ko
sa kanila.
11 Sa ganang akin, mas
masarap pa ring mabuhay sa Pilipinas dahil excifing ang buhay
dito, hindi boring.
Kung masyadong plantsado ang bawat araw at gabi mo, kung
sukat na sukat ang
bawat oras mo mula sa pagpasok sa trabaho hanggang sa pag-uwi
ng bahay, mamamatay
ka sa antok. Samantalang dito sa atin, makapigil-hininga at
makabagbag-damdamin
at puno ng misteryo ang bawat sandali, tulad sa telenovela.
12 Paglabas mo ng bahay,
hindi ka nakatitiyak na walang aagaw sa cellphone mo.
Pagtulog mo sa gabi,
hindi ka nakatitiyak na walang magtatanggal sa side-view mirror
ng kotse mo.
13 Kahit superbilyonaryo
ka at marami kang security, tulad ni Kongresista Imee Marcos,
puwede ka pa ring
mabiktima ng akyat-bahay13. At kahit superpobre ka at walang
mananakaw sa bahay
mo, tulad ng mga taga-Payatas, puwede namang mabagsakan
ng bundok ng basura
ang barungbarong mo14.
14 Sa madaling salita,
kung narito ka sa Pilipinas, para kang laging nakakapanood ng
palabas sa circus.
Marami kang makikitang naglalakad sa alambreng tinik, at kabilang
sa makikita mo ay ang
iyong sarili.
15 At saka, marami
namang magagandang nangyayari sa ating bayan. Sa kabila ng
kapalpakan at
kasuwapangan ng maraming taong-gobyerno, mayroon namang
gumagawa ng
kabutihan. Halimbawa, sa Iloilo ay ipinagbawal na ng alkalde ang
bikini car wash . Sa gayon, napangalagaan niya ang dangal, puri, at kalusugan ng
kababaihan. Nawalan
nga lang ng trabaho ang mga nakabikining kumikita noon ng
P400 isang araw, pero
hindi na sila sisipunin. Kung ipasiya nilang magputa na lang,
baka mas malaki pa
ang
kanilang kitain.
16 Salamat din sa
pangangalaga sa moralidad na ginagawa ng mga taong-simbahan,
hindi ka na
makakabili ngayon ng condom sa 7-11 at iba pang convenience store.
Posibleng lalong
lumaganap ngayon ang AIDS sa Pilipinas, o kaya’y maraming
mabubuntis na hindi
puwedeng magpalaglag, pero kasalanan nila iyon.
Mahilig kasi silang
manood ng Joyce Jimenez16 sa Pasay, e di, ayan, impiyerno sa lupa
ang bagsak nila.
17 Kahit ano pa ang
sabihin tungkol sa Pilipinas, grabe rin naman ang kalagayan sa
ibang bansa.
18 Sa New York,
halimbawa, kabubukas lang ng Museum of Sex17. Diumano,
mayroon
itong layuning historikal at edukasyonal, at ipakikita nito ang “sexual
landscape”
sa pamamagitan ng ritrato, poster, painting, libro, at pelikula, na
mangyari
pa ay puro malaswa at mahalay sa paningin ni Cardinal Sin18.
19
Alam ba ninyo ang implikasyon ng ganitong Museum of Sex? Lalo pang
mapapariwara
ang maraming kalalakihang Amerikano, na pagkatapos ay
magsusundalo,
at pagkatapos ay ipapadala sa Pilipinas para sa Balikatan19, at
pagkatapos
ay magsisilang ng isa na namang henerasyon ng mga walang-tatay na
tisoy
at tisay, na pagkatapos ay kukuning artista ni Kuya Germs20 at sa kalaunan ay
magiging
bold star, na pagkatapos ay pupukaw sa makamundong pagnanasa ng mga
manonood,
na paglabas ng sinehan ay manggahasa ng unang babaeng makikita nila,
na
dahil walang condom ay magsisilang ng sanggol na may AIDS, at pagkatapos...
20 Diyos
na mahabagin! Wala na bang katapusan ang trahedya ng sambayanang
Pilipino?
21
Teka muna, bawi na rin yata ako. May mapapasukan kaya ako sa Timbuktu?
__________________________
Lacaba,
Jose F. “Bayan Ko: Laban o Bawi?” BULATLAT. Vol. 2, No. 45 December 15-21, 2002.
http://www.bulatlat.com/news/2-45/2-45-labanobawi.html.
Accessed: 02 June 2012 (isinaayos at nilagyan
ng
mga talababa)
1 Isang
laro sa pantanghaling palabas na Eat...Bulaga!
2 Tawag
sa mga Pilipinong lumaki sa America. Pinaikling “American boy”.
3 EDSA
1986 na tumapos sa rehimeng Marcos. At 2001 na nagpatalsik kay Estrada.
4 manirahan
sa ibang bayan bukod sa lupang tinubuan http://www.merriam-webster.com/dictionary/
immigrate
5 “Ibon
mang may layang lumipad”—unang parirala sa koro ng awiting “Bayan Ko”
na
isinulat ni Jose Corazon de Jesus at pinasikat ni Freddie Aguilar. Madalas
itong
inaawit
sa mga kilos-protesta.
6 Pinakiling
“tago nang tago”—tawag sa mga Pilipinong nangingibang-bayan at
umiiwas
sa batas dahil hindi kumpleto ang papeles.
7 Paglalaro
sa totoong tawag sa mga ito na “Social Weather Stations”. http://www.sws.org.ph/
8 Nanggaling
sa mga pelikula. Men In Black—tungkol sa sikretong organisasyong
namamahala
sa mga alien. X-men—tungkol sa mga taong may-kakaibang abilidad
dahil
sa genefic mutafion. Hobbit—maliliit na tao sa mundong nilikha ng nobela/
pelikulang Lord of the Rings.
9 Mula
sa nobela/pelikulang Divine Secrets of the
Ya-ya Sisterhood na tungkol sa
relasyon
ng mag-ina. http://www.imdb.com/title/tt0279778/
10 Abu
Sayaff—grupong nasangkot sa iba’t ibang uri ng krimen at teroristang kilos. http://
11 5.1
km highway sa
Pasay na naging kontrobersyal noong 2002. Tila raw pinatungan
ng
700 milyon ang presyo nitong umabot ng 1.1 bilyong piso. http://www.bulatlat.com/news/3-
8/3-8-corruption1.html
12 Ikinasal
sa huwes ang 19 taong artistang si Assunta de Rossi at ang 41 taong
kongresista
ng Negros Occidental na si Jules Ledesma noong Nobyembre 2002. http://
news.google.com/newspapers?nid=2479&dat=20021103&id=x641AAAAIBAJ&sjid=dyUMAAAAIBAJ&pg=517,36598186
13 Naganap
noong Setyembre 2002. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=177528
14 Naganap
noong Hulyo 2000. http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view/20070810-81712/Garbage_
pile_collapses_at_Payatas_dumpsite,_no_casualties
15 Naging
usapin noong kalagitnaan ng 2002. http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=166246
16 Artistang
tinawag na “Pantasya ng Bayan”. http://www.imdb.com/name/nm0422779/bio
17 Nagbukas
noong Oktubre 2002. http://en.wikipedia.org/wiki/Museum_of_Sex
18 arsopibspo
ng Maynila 1974-2003. http://en.wikipedia.org/wiki/Jaime_Sin
19 Balikatan
Exercises—magkasamang pagsasanay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
at
ng US Armed Forces. http://www.globalsecurity.org/military/ops/balikatan_02-1.htm
20 German
Moreno, sikat na talent scout na pinasisikat niya sa mga palabas niyang
That’s
Entertainment at GMA
Supershow. http://en.wikipedia.org/wiki/German_Moreno
PULANGI:
ANG ILOG NA HUMUBOG
SA
MARAMING HENERASYON
Sipi
mula sa Regional Profiles: Peoples and Places (Adarna House, 2009)
Hanggang kamakailan
lamang ay sa Ilog Pulangi umiinog ang mundo ng mga taga-
Gitnang Mindanao. May
dalawang pangunahing direksiyon lamang ang Maguindanao:
ilod; pababang agos;
at laya, pasalungat sa agos.
Itong ilog na
tinatawag ring Rio Grande de Mindanao ay tumatawid pababa sa
kanlurang bahagi ng
Lungsod Cotabato, at pasalungat na sumusuot sa agos–pasilangan,
pahilaga, at
patimog–sa mga lalawigan ng Maguindanao, Hilagang Cotabato, Sultan
Kudarat, Bukidnon, at
Agusan. Ang mga lalawigang ito, maliban sa Bukidnon at Agusan,
ang bumubuo sa dating
binansagang Imperyo ng Lalawigang Cotabato.
Sa loob ng ilang
henerasyon, mula sa panahon ng aking lolo sa tuhod hanggang sa
noong ako’y bata pa,
ay ito ang naging pangunahing rutang pangkalakalan ng rehiyon.
Kahit ang galeon ng
Espanyol at Olandes, at maging ang mga bapor ng Britanya, ay
naglayag mula sa
karagatan patungong Salimbao ng Nuling, ang luklukan ng Sultan ng
Maguindanao. Umangkat
sila ng maraming kalakal, kabilang na rito ang gutta percha,
isang uri ng likido
na parang kola, na ginagamit ng mga taga-kanluran bilang insulator sa
mga nakalubog na
linya ng telepono sa Atlantiko.
Para sa aming mga
bata noong dekada-70, pugad ito ng pagsasaya sa pagligo,
pamamangka, paghuli
ng ibon at pamimingwit. Kapag tag-araw, isinasama kami ng aking
nasirang ama, na
isang manlalayag, sa paghahatid ng mga pasahero’t produkto gamit
ang mga bangka
papunta at pabalik mula sa Lungsod ng Cotabato at sa Datu Piang,
ang mga sentro ng
kalakalan sa Maguindanao. Minana ito ng aking ama, si H. Muslimin
Maulana, mula sa
aking lolo, si Datu Timpolok Buisan, ang ama ng aking Inang si Bai
Ma’mur Rahma Buisan.
Ang mga Bangka’y tinawag na Fresco I, II, III, at ang pang-apat
ay ipinangalan sa
kapatid kong si Nasser. Hindi lang mga kargamento’t pasahero kundi
pati mga guro at mga
aklat pampaaralan ang itinatawid ng mga bangka sa buong rehiyon
namin.
Kahit na nagbigay ng
trabaho ang industriya ng transportasyon, umusbong din sa Ilog
Pulangi ang ilang
industriyang masamâ para sa kalikasan. Napakaraming bangka ang
humila ng
balsa-balsang troso-ipinaaanod sa agos ng ilog hanggang makarating sa bukas
na dagat. Ilang
punongkahoy na ba ang dumaan sa Ilog Pulangi? Naramdaman lamang
ang mga epekto ng
labis na pagputol ng mga punongkahoy sa balanseng ekolohiko
pagkalipas ng isang
henerasyon.
Sa kasalukuyan, hindi
na maaring mamangka gaya nang kinawiwilihan ng marami
nang ako’y bata.
Naghihingalo na ang ilog. Umaapaw na ito dahil sa pagguho ng lupa
sa pampang nito, na
dulot naman ng patuloy na pagkalbo sa kagubatan. Nakalulungkot
isiping hindi na
kailanman masasaksihan ng aking henerasyon at ng mga susunod pa ang
ganda at ang biyaya
ng Ilog Pulangi.
OBRA
Kevin Bryan Marin
TAUHAN:
MAKSIMO
VITO
DALAWANG SEKYU
VALENTIN
TATLONG ALAGAD
EUGENIO
NAGSUSUBASTA
TAGPUAN:
Ang entablado’y medyo
madilim. Isang ilaw lamang ang nakabukas. May tatlong
kahong
magkakapatong-patong at doon, nakaupo ang tatlong tao. Ang ayos ng mga
kahon ay parang sa
mga tinatayuan ng mga nanalo sa palakasan (hugis tatsulok kung
saan nakapatong ang
isa sa dalawang magkatabi sa baba). Sa kahon sa kaliwa nakaupo
ang unang tao, sa
pinakamataas na kahon ang ikalawa, ang ikatlo naman sa kanan.
Nakapaligid sa kanila
ang mga nakahandusay na anino. Hindi masabi ang oras dahil ang
araw ay tila hindi
lumulubog. Sa baba ng entablado ay may dalawang sekyu na naglalaro
ng baraha.
P R O L O G O
*
*
*
UNANG SEKYU [MALIGALIG]
O, pare, tong-its ha!
Kitang-kita, walang daya!
IKALAWANG SEKYU [MAGKAKAMOT NG ULO]
Ang malas naman, o!
Lagi na lang akong talo! Ayoko na, suko na ‘ko!
UNANG SEKYU
Pare naman, wala
namang ganyanan. Ngayon pa lang ako ginaganahan!
IKALAWANG SEKYU [MABABALISA BIGLA]
Uy, pare, padating
ang binabae!
[MAGMAMADALING
LIGPITIN NG DALAWA ANG MGA BARAHA. MULA SA KANANG GILID
NG ENTABLADO PAPASOK
ANG NAGSUSUBASTA.]
NAGSUSUBASTA [GALIT]
Hoy, kayong dalawang
tukmol! Kaya naman pala ang mga utak n’yo ay
mapupurol, hari pala
kayo ng mga sugarol!
UNANG SEKYU
Ser, hindi naman po…
NAGSUSUBASTA [SASABAT]
Lintek,
magmamaang-maangan ka pa! Ang mga pinagagawa ko, kumusta na? Ang
mga upuan, nalinis na
ba? Ang mga ilaw, ayos na? Aba, wala pang natatapos ni isa! Kayo
ha, kapag hindi
naging maayos ang lahat para mamayang gabi, talagang malilintikan kayo
sa’kin!
IKALAWANG SEKYU [MAAMO ANG MUKHA]
Sige po,
ser…makakaasa kayo.
NAGSUSUBASTA
Bueno, kayo ang
magbabantay rito…siguraduhin n’yong walang makalalapit dito
dahil pare-pareho
tayong mananagot kapag nawala ito. [ITUTURO ANG ENTABLADO.]
DALAWANG SEKYU
[PABATO]
Opo!
NAGSUSUBASTA
Tse! Makaalis na nga
dito! Kaaga-aga, nasisira ang kagandahan ko!
[LALABAS ANG
NAGSUSUBASTA SA KALIWANG GILID NG ENTABLADO AT MAIIWAN ANG
DALAWANG SEKYU SA
GITNA.]
UNANG SEKYU
Grabe ang baklang
‘yun! Kung magalit, parang leon! May regla siguro!
IKALAWANG SEKYU
Ewan ko. Binabayaran
tayo rito para magbantay at hindi masabon ng bading na ‘yun.
[MAKIKITA ANG
NAKATAGONG BARAHA NA NAKAIIPIT SA MEDYAS NG UNANG SEKYU] O,
kita mo na! Pati ako
dinadaya! Magsama kayo ng baklang ‘yun! E… ibalik mo na kasi yung
pera ko…
UNANG SEKYU
Gago! ‘Lika na nga!
Ayoko nang marinig ang kanyang bunganga!
[PUPUNTA SA KALIWANG
GILID ANG DALAWANG SEKYU, MAUUPO, AT TUTUGTUGIN
ANG KANILANG GITARA
BILANG PASAKALYE SA DULA.]
U N A N G T A G P O
*
*
*
[UNTI-UNTING KIKILOS
ANG MGA ANINO AT PALILIBUTAN ANG TATLONG TAO]
MGA ANINO
Mundo ng salamangka
Mga aninong likha
Nakulong sa mahika
At ginapos sa luha
Ng huwad na pag-asa
Kathang-isip na nasa
Disyerto ng pangarap
Walang tubig na lasap
[PUPUSISYON SA LIKOD
ANG MGA ANINO. HINTO. TATAYO ANG UNANG TAO AT TATAPAT
SA ILAW NA NAKABUKAS.
TITINGALA SA SPOTLIGHT.]
MAKSIMO [PATULA]
Sa mundo ng karimlan,
Liwanag ang pangarap
At bagtasin ang daan
Ng hilahil at hirap
Upang maabot ang nasa
Ngunit paano na…
At bukas, diyan din,
aking matatanaw
Sa sandipang langit
na wala nang luha
Sisikat ang gintong
araw ng tagumpay
Layang sasalubong ako
sa paglaya
[HINTO. TATAYO ANG
IKALAWANG TAO AT TATAPAT SA ILAW NA NAKABUKAS. AANINAGIN
SA MGA MANONOOD ANG
SINISINTA.]
VALENTIN [PATULA]
O pagsintang labis na
kapangyarihan
Sampung mag-aama’y
iyong nasasaklaw
‘pag ikaw ang nasok
sa puso ninuman
Hahamaking lahat, masunod
ka lamang
[HINTO. TATAYO ANG
IKATLONG TAO AT TATAPAT SA ILAW NA NAKABUKAS. TITINGIN SIYA
SA MALAYO.]
EUGENIO [PATULA]
Ikaw ay lumitaw, O
Katalinuhan
Magiting na diwang
puno sa isipan
Mga puso nami’y sa
iyo’y naghihintay
At dalhin mo roon sa
kaitaasan
Bumaba kang taglay
ang kagiliw-giliw
Na mga silahis ng
agham at sining
Mga kabataan, hayo
na’t lagutin
Ang gapos ng iyong
diwa at damdamin
[BAHAGYANG LILIWANAG
ANG ENTABLADO. AKMANG MABUBUHAY ANG TATLO SA
PAGKAKAHINTO.
TITINGIN SA PALIGID. MAPAPANSIN ANG ISA’T ISA.]
VALENTIN [NABIGLA AT
NAGTATAKA]
Sino kayo?!
EUGENIO [NAGTATAKA,
NAKAKUNOT ANG NOO, AT MATAAS ANG BOSES]
Hoy ginoo, ang sarili
muna’y ipakilala mo!
VALENTIN [NAG-AATUBILI]
Ha? A-ako?
[MASISINDAK] Valentin ang ngalan ko. Kayo, sino ba kayo?
MAKSIMO [MAHINAHON]
Ako, mga kaibigan, ay
si Maksimo.
EUGENIO
Eugenio.
[MAKIKIPAGKAMAY KAY MAKSIMO AT TATALIKOD. GAYUNDIN SI MAKSIMO.]
VALENTIN [MAHINAHONG
NAGTATAKA]
Nasaan ba tayo?
MAKSIMO
Ewan ko! Basta
pagdilat ng aking mga mata, naririto na ‘ko. Kanina, sinubukan kong
maghanap ng lagusan
ngunit ako’y bigo. At nang tinangka kong dumeretso, [TUTURO SA
DIREKSYON NG
MANONOOD] ang inabot ko’y bukol sa noo! Isang hindi makitang pader
ang kalaban ko!
EUGENIO [MAGUGULAT]
Hindi makitang
pader?! [BAHAGYANG MATATAWA] Ayos ka lang Maksimo? Kaibigan,
ako’y isang batikang
siyentipiko at nakasisiguro akong imposible ang sinasabi mo.
MAKSIMO AT
VALENTIN [SARKASTIKONG MAY PAGHANGA]
Gan’on?!
EUGENIO
Oo, gan’un nga!
[TATAHIMIK ANG TATLO. MAGLALAKAD-LAKAD. MAIINIP SI EUGENIO.]
Diyos ko! Sino bang
hunghang ang nagdala sa atin dito? Kay dami ko pang gawain na
dapat kong
asikasuhin!
MAKSIMO [TITINGIN SA
MANONOOD AT SISIGAW]
Hoy! Kami ba’y
naririnig ninyo?! Bakit kami narito?
EUGENIO [NAKATINGIN
SA MANONOOD AT MAINIT ANG ULO]
Sino ba ‘yang mga
kumag na ‘yan? Kanina ko pa napapansin na tayo’y tinititigan. Ano ‘to,
lokohan?!
MAKSIMO [MAPUSOK]
Hoy ikaw! [TUTURO NG
ISA SA MANONOOD.] Oo, ikaw na mukhang bakulaw! Bakit ang
sama mong makatingin?
Baka gusto mong makatikim! [SANDALING TITIGIL.] O, bakit
ayaw mong sumagot?!
Bansot!
EUGENIO [MANG-AALASKA]
Maksimo,
baka…[SANDALING TITIGIL AT NGINGITI.] ano… [MAGPAPAKITA NG KILOS-
BADING.]
MAKSIMO [MATATAWA]
Tsss… gusto ngang
makatikim!
[MAGTATAWANAN ANG
DALAWA HABANG TINUTURO ANG ISANG MANONOOD.]
VALENTIN
Hoy, ano ba kayong
dalawa? Tama na. Wala rin kayong mapapala. Ni hindi nga nila
napapansin ang
pinagsasabi n’yo! Mag-isip na lang tayo ng paraan kung paano
makalalabas dito.
MAKSIMO
Alam mo, ubod ka nang
pakialamero!
EUGENIO
Oo nga, e, puro
hangin lang naman ang nasa ulo! [DUDURUIN SA NOO SI VALENTIN]
MAKSIMO
At ikaw naman,
nagdudunung-dunungan.
EUGENIO
Aba, sa iyong sinabi,
ako’y nalalaki!
[MARAHAS NA MAG-AAWAY
SINA MAKSIMO AT EUGENIO AT SI VALENTIN ANG
MAGSISILBING
TAGAPAMAGITAN. ‘DI KALAUNA’Y MAUUNTOG SI EUGENIO SA “HINDI
MAKITANG PADER.”
MAPAPAHINTO ANG LAHAT.]
MAKSIMO
Kita mo?! Ngayon
nama’y naniniwala ka na siguro?
EUGENIO
[KAKAPAIN ANG HARANG]
Imposible ito! Isa akong isang henyo ngunit wala
pa akong naririnig na
ganitong klaseng imbento!
MAKSIMO [MANG-AASAR]
Henyo na kung henyo…
kulang pa rin sa talino!
EUGENIO
Kanina ka pa!
Namumuro ka na!
[MAG-AAWAY MULI ANG
DALAWA]
VALENTIN
Tigilan niyo na yan!
Ang away n’yo ay isang malaking kahangalan. Bakit
kaya hindi
magtulungan? Kapag marami’y mas malakas. Hindi ba mas
madaling makaaalpas?
EUGENIO
Tama, tayo’y magsama.
Ang mga alitan ay atin munang kalimutan.
MAKSIMO
At sa pagpapalano,
magkasundo na tayo.
[MAGKAKATINGINAN ANG
DALAWA AT KANYA-KANYANG MAGMUMUNI-MUNI.]
[SANDALING
KATAHIMIKAN.]
EUGENIO
Alam ko na! Hindi
ba’t ang layunin nati’y iisa lamang, ang makalabas sa harang? Ano
kaya kung ang paggiba
nito’y ating pagtulung-tulungan?
[LUBHANG MAMAMANGHA
ANG TATLO SA IDEYA AT BABALIK SA PAGMUMUNI-MUNI.
UUPO SI VALENTIN SA
KAHON. KATAHIMIKAN ULIT. TATAPAT SA ILAW NA NAKABUKAS SI
MAKSIMO.]
MAKSIMO
Alam n’yo ba kung
bakit gusto kong makalabas? Ang Kanlungan ng Araw ang nais kong
tunguhing landas!
[TITINGALA AT ITUTURO ANG SPOTLIGHT HABANG NAKANGITI.]
VALENTIN [SA DILIM]
At ano naman ang
naghihintay sa iyo roon, kaibigan?
MAKSIMO [NAKATITIG SA SPOTLIGHT]
Kalayaan! Walang
hanggang kasiyahan! Kailanma’y ‘di ko na daranasin ang kahirapan…
ang kalungkutan! Nais
kong isama rito ang mahihirap upang ang lubos na kalayaa’y
aming malasap. At sa
gawaing busilak, ang puso ko’y magagalak.
EUGENIO [SA SARILI]
Nangarap ang
ambisyoso…
MAKSIMO
May sinabi ka,
Eugenio?
EUGENIO [PLASTIK NA NGINGITI KAY MAKSIMO]
Wala, aking katoto!
VALENTIN
Eh, ikaw Eugenio, ano
naman ang nasa mo?
[AALIS SA TAPAT NG
ILAW SI MAKSIMO. TATAPAT SA ILAW SI EUGENIO.]
EUGENIO [NAGMAMALAKI]
Para sa inyong
kaalaman, aking mga kaibigan, ako’y isang taong sadyang biniyayaan
ng Diyos ng
katalinuhan. Kaya simple lang naman ang nais ng aking lubhang
mapagpakumbabang
puso…karangalan. Karangalan para sa aking mga naimbento at
nadiskubre.
Karangalan para sa aking pambihirang katalinuhan. Ngunit sa kabila ng
karangalang ito,
hatid ko rin ang tulong–mediko para sa mga kapos-palad sa bayan ko.
At gaya mo, [TITINGIN
KAY MAKSIMO] kasiyahan at kalayaan din, para sa akin ang dulot
nito.
EUGENIO
Ikaw, tahimik na
kaibigan, ano naman ang nais ng iyong kalooban?
[TATAYO SI VALENTIN
SA PAGKAKAUPO AT TATAPAT SA ILAW NA NAKABUKAS.]
VALENTIN
Simple lang. Ang sa
aki’y para sa aking naghihikahos na puso, sapagkat nakita na niya ang
kanyang kahati.
[PILIT INAANINAG SA MGA MANONOOD ANG SINISINTA] O, aking irog,
ako’y hintayin. Upang
makasama ka, tandaang ang lahat ay aking gagawin. At ang harang
na ito’y kasama sa
lahat ng aking haharapin upang ika’y makapiling. [KAKALAMPAGIN
ANG HARANG.] Ika’y
aking iniibig! Alam kong ako’y iyong naririnig…[MAPAPALUHOD
HABANG LUGMOK SA
KALUNGKUTAN.]
EUGENIO
Kung gayo’y hayo na’t
tuparin ang aking plano na pabagsakin ang balakid na ito!
MAKSIMO
Ngunit, kaibigang
Eugenio, paano?
[MAGKAKAMOT NG ULO SI
EUGENIO. TATAYO SI VALENTIN.]
VALENTIN
Pagbilang ng tatlo,
itutulak natin ang pesteng sagabal na ‘to. Isa…
EUGENIO
Dalawa…
MAKSIMO
Tatlo!
[GAGAWA SILA NG
KANYA-KANYANG TINDIG UPANG MAKABUO NG ISANG KAKAIBANG
PORMASYON. SUSUGURIN
NILA AT SUSUBUKANG ITULAK ANG PADER NGUNIT SILA’Y
MAPAPAGOD.]
VALENTIN
Kaya natin ‘to!
LAHAT
Todo na ‘to!
[MULING GAGAWIN ANG
PORMASYON AT SASALAKAY]
I K A L A W A N G T A
G P O
*
*
*
MGA ANINO
Daing at dalamhati
‘pag ang gabi’y
kumubli
Tayo’y pinatatabi
Ng dahilang dalamhati
[LALABAS ANG TATLONG
ALAGAD]
UNANG ALAGAD
Huwag humarang,
kayo’y tumabi!
IKALAWANG ALAGAD
Mga hampas-lupang
walang silbi!
IKATLONG ALAGAD
Alis! Mga peste!
[LALABAS NA ANG MGA
ALAGAD]
UNANG ALAGAD
Kabaliwan!
IKALAWANG ALAGAD
Kahibangan!
IKATLONG ALAGAD
Kalokohan!
MAKSIMO [MAGUGULAT AT
TONONG PANLALAIT]
Teka, saan nanggaling
ang mga kutong-lupang ito?
EUGENIO [MAANGAS]
Ang kakapal ng mga
apog ninyo!
VALENTIN
Sino ba kayo?
TATLONG ALAGAD
Aba, hindi n’yo kami
nakikilala, mga iho?
UNANG ALAGAD
Bueno, hayaan mong…
IKALAWANG ALAGAD
…ipakilala namin…
IKATLONG ALAGAD
…ang aming mga
sarili!
UNANG ALAGAD
Unang Alagad ang
aking ngalan
Kanang kamay dito sa
kulungan…
IKALAWANG ALAGAD
Ikalawang alagad
naman ang tawag sa’kin
Simpleng alalay
ngunit tigasin…
IKATLONG ALAGAD
Sino ang sa inyo’y
gustong makaladkad
Lumapit lang sa’kin,
ang Ikatlong Alagad…
VITO [BOSES]
Ehem! Anong kaguluhan
ito?! Mga alagad, nasaan kayo?!
UNANG ALAGAD
Kami po’y naririto,
mahal naming Ginoong Vito!
[PAPASOK SI VITO MULA
SA KANANG GILID NG ENTABLADO.]
VITO [MASOSORPRESA]
Aba’t may mga bagong
panauhin ang sa ati’y sadyang napadayo! [SA MGA MANONOOD]
Trabaho kong
mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at pagmamahalan sa lugar na
ito. Itinuturing nila
akong amo, ngunit pag-utusan po ninyo. [SA TATLO] Kumusta mga
kaibigan, sa ‘yo, sa
‘yo at sa ‘yo? Anong sadya ninyo?
EUGENIO
Ginoong…
VITO
Vito…
EUGENIO
Ah, Ginoong
Vito…mawalang-galang na ngunit nais sana naming lisanin ang loob ng
harang na ito.
VITO
[TATAWA NANG PILIT]
Naku, pinatatawa mo lamang ako. Imposible ang sinasabi mo!
[MAGKAKAGULO ANG
TATLO.]
UNANG ALAGAD
Manahimik!
IKALAWANG ALAGAD
Mga inutil!
IKATLONG ALAGAD
Itigil ang satsat!
VITO [MAGTATAAS NG
BOSES]
Ako’y inyo namang
igalang! [KATAHIMIKAN] Ngunit, may isang paraan.
VALENTIN
Paraan?
VITO
Oo, paraan, ang
natatanging paraan! Ibubunyag ko kung ano iyon subalit dapat ko muna
kayong subukin.
MAKSIMO
Paano?
[HINTO SINA MAKSIMO,
VALENTIN, AT EUGENIO]
MGA ANINO
[MATATARANTA]
Huwag! Kami’y inyong
pakinggan!
Iwasan ninyo ang
paraan!
VITO [MAGTATAAS NG
BOSES SA MGA ANINO]
Ang sumabat ba’y
inyong karapatan?! Ni hindi ko kayo
pinahihintulutan!
[MANANAHIMIK AT
MALULUGMOK ANG MGA ANINO]
VITO
Bueno, isang tanong
ang ibabato ko para sa inyong tatlo. At batay sa inyong
kasagutan, pipiliin
ang karapat-dapat lumisan. Upang ako’y makumbinsi, ang hanap
ko’y makabuluhang
rason. Kung nakuha n’yo ang aking sinabi, pwes, ‘wag na tayong
magsayang ng panahon!
EUGENIO
Naku, naman! Kay dali
naman pala! Ano ba ‘yan? Kimika o Literatura? Lahat ng iyan…
kayang-kaya!
VITO
[LALAPIT SA MANONOOD]
Hindi! Basta, pumarito ka’t sagutin ang aking tatanungin.
[PAPALAPITIN SI
EUGENIO SA MANONOOD.]
UNANG ALAGAD
At kayo, Maksimo at
Valentin,
IKALAWANG ALAGAD
Maupo muna, dalawang
kuto sa paningin,
IKATLONG ALAGAD
At maghanda sa inyong
sasagutin.
[PAPAUPUIN NG TATLO
SINA MAKSIMO AT VALENTIN.]
MAKSIMO [MAGAGALIT]
Huwag n’yo kaming
hamakin!
TATLONG ALAGAD [SA MANONOOD]
Hala, simulan na!
VITO [KAY EUGENIO]
Bueno. Ang tanong:
bakit pakay mong lumabas?
EUGENIO [MAHINAHON]
Tulong-Mediko ang
nais kong ihandog sa sambayanan. Salamat sa isang pambihirang
lalawigan, ako’y may
natagpuan: isang kakaibang halaman! Anumang sakit ay kayang
lunasan! Para sa’kin,
Ginoong Vito, ang makapagsilbi sa kapwa ay kaginhawaan.
[TITINGIN SA MALAYO.
NAKANGITI.]
VITO
Mahusay. Subalit,
kung ikaw na isang siyentipiko ang makararating sa kabila ng harang,
sisikat ka. Kasabay
nito ang pagbulusok ng iyong pagyaman! Matatamo mo ang buhay na
puno ng karangyaan!
Samakatuwid, yayabang ka dahil sa iyong kasikatan! Iyan ang lason
ng karangalan! Tila
lubos ang iyong pagkagahaman!
EUGENIO
Ako? Gahaman? Isa
lamang akong siyentipikong tumutulong sa kaunlaran!
VITO [GALIT]
Bastardo! Pinakukulo
mo ang dugo ko! Nararapat talagang ibasura ang edukasyon sa
mundo upang maubos
ang mga sugapang tulad mo.
EUGENIO [GALIT]
Dapat ay magpasalamat
pa kayo dahil natitiis naming makibagay sa mga taong gaya n’yo!
UNANG ALAGAD
Manahimik
IKALAWANG ALAGAD
Inutil!
IKATLONG ALAGAD
Huwag kang bastos!
[PABABAGSAKIN SI
EUGENIO NG IKATLONG ALAGAD SA KANANG BAHAGI NG
ENTABLADO. LALAPITAN
NG MGA ANINO SI MAKSIMO NGUNIT ITATABOY RIN NG
IKALAWANG ALAGAD]
VITO [KAY MAKSIMO]
Susunod! [TATAYO SI
MAKSIMO AT LALAPIT SA MANONOOD.] O, kaibigan, ano ang iyong
mithi sa pagpunta sa
kabilang dako ng harang?
MAKSIMO
Ako? [ITUTURO
ANG SPOTLIGHT.] Gusto kong marating ang dulo ng naturang liwanag
dahil gusto kong
magkaroon ng pagbabago. Pagkakapantay-pantay sa mundo! Lahat ay
may kapangyarihan!
Maglalaho ang kahirapan! Ang salapi ay para sa karamihan! Hindi
ba napakagaling ng
aking layunin? Para sa nakararami ang aking mithiin! Kung gayo’y
ako ang inyong
piliin!
VITO
Tama na! [HIHINTO
SANDALI.] Kung walang nakatataas at nakabababa, walang
mamumuno at
mag-uutos. Kung walang mag-uutos at mamumuno, mawawasak ang
disiplina ng bayan.
Sa iyong sinabi, pinahihirap mo rin ang mga dating mayayaman at
pinayayaman mo ang
dating mahihirap. Hindi ba lugi ang mapepera dito? Nakuha mo?
MAKSIMO [NAKATINGIN SA MANONOOD, MAGKAKAMOT NG ULO]
Naligaw yata ako.
Sumakit ang ulo ko!
VITO
Umoo ka na lang!
MAKSIMO [NAG-AALINLANGAN]
Uhm…sige, oo, kaso
parang…
UNANG ALAGAD
Manahimik
IKALAWANG ALAGAD
Inutil!
IKATLONG ALAGAD
Huwag kang sasabat!
[PABABAGSAKIN SI
MAKSIMO NG IKATLONG ALAGAD SA KALIWANG BAHAGI NG
ENTABLADO. LALAPITAN
NG MGA ANINO SI MAKSIMO NGUNIT ITATABOY RIN NG
IKALAWANG ALAGAD.]
VITO [KAY VALENTIN]
Susunod! [TATAYO SI
VALENTIN AT LALAPIT SA MANONOOD.] Ano naman ang ating
kuwento, ‘pañero?
VALENTIN [MAHINAHON]
Simple lang. Hangad
ko lamang sundin ang itinitibok ng aking…[TITINGIN SA IBABA.]…
puso. Ako po’y
umiibig sa dilag na iyon. [ITUTURO ANG SINISINTA SA MGA MANONOOD.]
Hangad kong mahawakan
ang kanyang mga kamay at halikan ang kanyang mga labi kahit
isang saglit…
UNANG ALAGAD [MALUHA-LUHA AT SUMISINGHOT-SINGHOT]
Makabagbag-damdamin!
IKALAWANG ALAGAD [MALUHA-LUHA AT SUMISINGHOT-SINGHOT]
Bukod-tanging
mithiin!
IKATLONG ALAGAD [MALIGALIG]
Nakakikilig ka
Valentin!
VITO
[KITANG-KITA ANG
PAGBABAGO SA KANYANG MASUNGIT NA MUKHA.] Mamang
madrama, inantig mo
ako ng iyong telenobela. Magiting na kawal ng pag-ibig, tumayo
ka’t tanggapin ang
basbas ng balakid! [MAPAPANGITI SI VALENTIN.] Ngunit, may isa
pang pagsubok upang
mapatunayan kung ang pag-ibig mo nga’y tapat at kung ikaw ang
pinakanararapat.
VALENTIN
Paano?
[HINTO SI VALENTIN]
MGA ANINO
Huwag! Tanggihan mo
ang pagsubok!
Iwasan ang maging
mapusok!
VITO [MAGTATAAS MULI
NG BOSES]
Tila sukdulan na ang
inyong kabastusan!
VITO
Halika rito…
[IBUBULONG NI VITO SA KANYANG TAINGA ANG PLANO.]
VALENTIN [NABIGLA AT NAG-AALINLANGAN]
Ha?! Kahit ang isang
balasubas ay hindi gagawin ang iyong inaatas!
VITO
Binibigo mo ako,
kaibigang romantiko! Akala ko pa nama’y kaya mo…
VALENTIN [SASABAT]
Subalit kailangan ba
talagang ito’y maisagawa ko?
VITO
Ungas! Tandaan mong
sa larong ito’y ako ang batas! Kailangang magmala-Hudas upang
sa harang ay makalampas!
UNANG ALAGAD
Iyong kukote ay
gamitin!
IKALAWANG ALAGAD
Huwag mo kaming
buwisitin!
IKATLONG ALAGAD
Pagkat kami’y
nabibitin!
VALENTIN [SISIGAW]
Pero…!
[MAGDIDILIM ANG
ENTABLADO KASABAY NG KUMPLETONG KATAHIMIKAN.]
I K A T L O N G T A G
P O
*
*
*
VITO
Matapos ang matinding
pagninilay, aking hatol, ngayo’y ibibigay: ang nagwagi ay si…
[PULANG ILAW SA
ENTABLADO. MAKIKITA ANG HUGIS NINA MAKSIMO, EUGENIO, AT
VALENTIN. KIKILOS SI
VALENTIN, TANGAN ANG ISANG PATALIM, NA TILA PUMAPATAY
SA KANYANG
KINATATAYUAN HABANG SINA EUGENIO AT MAKSIMO NAMA’Y TILA
NASASAKTAN SA
MAGKABILANG GILID NG ENTABLADO. TATAYO SINA MAKSIMO AT
EUGENIO MULA SA
KANILANG KINAUUPUAN. MAG-UUNAT SILA NA PARANG MASAKIT
ANG KANILANG MGA
BATOK AT LIKOD. IPAPAKITA ANG KANILANG DUGUANG LIKURAN
SA KANILANG
DAHAN-DAHANG PAG-IKOT. TUTUMBA SILA PAREHO. KIKILOS SI VALENTIN
SA KANYANG
KINAUUPUAN. MAGTATANGKA SIYANG MAGPAKAMATAY NGUNIT
BIBITAWAN ANG
PATALIM. TATAYO SI VALENTIN. PAPALAKPAKAN SIYA NG LAHAT] Iyan
ang manok ko! Dahil
sa iyong determinasyon, igagawad ko ang iyong premyo: ang
natatanging paraan.
MGA ANINO
Hala, hala, hayan na
Dasal nga ba o sumpa?
Hala, hala, hayan na
Dasal nga ba o sumpa?
VITO
Punding-pundi na ‘ko
sa inyo! Magsitahimik kayo, mga indio!
[TATAHIMIK ANG MGA
ANINO] Ehem. Balik tayo sa ‘yo. Makinig ka, iho.
Habang hinahawakan mo
ang harang, kailangan mong bigkasin ang dasal na
ito:
Awit ng panahon,
Bulong ng alon,
Ika’y gibain,
At nang maparoon.
[UULITIN NG DALAWANG
BESES PA ANG DASAL KASABAY NG RITWAL NA SAYAW.
TULALANG LALAPIT SA HARANG
SI VALENTIN. BLANGKO ANG MUKHA. WALANG
EKSPRESYON.
KATAHIMIKAN.]
VALENTIN
Awit ng panahon,
Bulong ng alon,
Ika’y gibain,
At nang maparoon.
[WALANG MANGYAYARI.
KATAHIMIKAN. UULITIN NI VALENTIN ANG DASAL NGUNIT
WALA PA RIN.]
VALENTIN [NAGTATAKA]
Ginoong tampalasan,
ako’y nagugulumihanan. Ginawa ko naman ang lahat ng iyong bilin
ngunit parang bitin.
VITO [NAMILOSOPO]
Sira-ulo! Sinabi ko
bang dapat mong gawin ito ngayon din?
VALENTIN [NAGTATAKA]
Hindi ba’t…
VITO[NAMILOSOPO]
Oo, ibinigay ko sa
iyo ang paraan ko subalit gagana lamang ang dasal kada-isandaang
taon. Malamang ay
hindi ko binanggit sa iyo ito.
VALENTIN [NAGTATAKA]
Ibig sabihin…
[MAYROONG MAPUPUNA SI
VALENTIN SA LABAS NG HARANG. LALAPIT SIYA PARA
KALAMPAGIN ITO.]
VITO
Ibig sabihin, ang
gantimpala mo sa ngayo’y wala ring saysay. Isasagawa mo ang dasal
matapos pa ang
matagal na paghihintay.
VALENTIN [MAG-AALALA]
Pero…siya…[NAKATINGIN
SA MALAYO]…ang mahal ko…ti…tila lilisan na! Bakit…
[MAGUGULAT SIYA DAHIL
ANG KANYANG SINISINTA AY PAALIS NA. MANGIYAK-NGIYAK
NA MAPAPALUHOD SA MGA
NAPASLANG NIYA.]
VITO
Bakit ano? Ika’y
sadya lamang na uto-uto! Ang lakas pa ng loob mong magkalat dito!
Mga alagad, linisin
ang kalat, pronto, pronto! [TATAWA SI VITO HABANG PUPUSISYON
ANG LAHAT NA AYON SA
SPOLIARIUM.] Kaibigan, hindi mo na mabubura iyan…
[HINTO. KUMPLETONG
KATAHIMIKAN.]
E P I L O G O
*
*
*
[PAPASOK ANG
NAGSUSUBASTA MULA SA KANANG GILID AT PUPUNTA SA GITNA NG
ENTABLADO.]
NAGSUSUBASTA [SA MGA SEKYU, PABULONG]
Psst! Ayos na ba
tayo?!
[Senyales na okey
mula sa mga sekyu.]
NAGSUSUBASTA [MAGKAKLARO NG LALAMUNAN, BOSES MAGINOO]
Mga giliw naming
panauhin, salamat po sa inyong pagdating. Ngayon, sisimulan na natin
ang subastahan sa
obra ni Juan Luna — ang Spoliarium. Ang presyo sa pintang ito’y
magsisimula sa
limampung libong dolyar…
[HINTO. UNTI-UNTING
MAMAMATAY ANG LAHAT NG ILAW.]
W A K A S
*
*
*
BERTDEY
NI GUIDO
Isang
Yungtong Musikal
Halaw
sa librong Bertdey ni Guido.
Nailathala
ng Lampara Books.
Mga Tauhan
GUIDO, magsisiyam na taong gulang
MOMMY, mother ni Guido, mid-30s
DADDY, father ni Guido, mid-30s
AYI, yaya ni Guido, mataba, motherly, 40s,
may tendensing maging
over-acting at melodramatic
BUBOY, kapitbahay ni Guido sa subdivision,
9 years old, spoiled
at KSP
Iba pang Tauhan
MARCOS/FIRST LADY
CARDINAL SIN/CORY
RAMOS/ENRILE
MADRE/WORKER
MGA MARINES/ETC.
TALA:
Ang dula ay isinulat
para sa limang aktor lamang. Kung marami ang gaganap, mas
mabufi. Ang IBA PANG
TAUHAN ay gagampanan din ng limang aktor, pero magususot
ng maskarang angkop
sa tauhan. Minsan, maaaring dalawang maskara ang suot ng
isang aktor. Isa sa
harap, isa sa likod. Maaari ring billboard na parang maskara ang
nakasuot sa ulo. Pero
magmamaskara lang ang mga aktor kapag ibang tauhan ang
ginagampanan nila. Si
GUIDO lamang ang hindi magpapalit ng papel sa kabuuan ng
dula. Makatutulong
kung gagamit ng ilang oversized props at carton cut-out bilang
standees para
i-recreate ang damit ng tao sa EDSA.
Sa gilid ng tanghalan
laging may malaking kalendaryo na maghuhudyat ng panahon ng
dula. Ang pagpapalit
ng petsa ay magsisilbi ring pagpapalit ng tagpo.
PEBRERO 1986
Sa private road ng
isang upper middle class na subdivision, sinsipa-sipa ni GUIDO ang
isang malaki at
makulay na bola habang susunod-sunod, nang-aasar, sa kaniya si BUBOY
na may hawak na ice
cream sa cone. Kakanta si Buboy sa pagitan ng pagdila sa ice cream.
Habang nagaganap ng
eksena, daanan nang daanan, isa-isa o pares ang mga ordinaryong
tao na abala sa
kaniya-kaniyang concern at walang paki sa isa’t isa. May namamasyal. May
magde-date. May
nagtitinda ng balut. Maiikling character ad lib lang ang kailangan dito.
Nakamaskara sila,
ordinaryong damit ang suot. May naka-walkman, attaché case, atbp.
Nagmamadali, hindi
nila pinapansin ang dalawang bata. Magsisimula ang tagpo malapit
nang dumilim hanggang
sa unti-unting lumalim ang gabi.
BUBOY (Pakanta):
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Me maghahanda sa
kaniyang bertdey parti!
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti (3x)
‘Yon lang handa sa
kaniyang bertdey parti?!
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti (3x)
GUIDO:
Ano’ng ‘yon lang?
Marami pa!
BUBOY:
Sige nga, ano-ano?
GUIDO:
Bakit ko sasabihin?
BUBOY:
Kasi wala nang iba
kundi ...
(Pakanta uli.)
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti (3x)
GUIDO:
Hindi ko sasabihin
kasi … surprise!
BUBOY:
No’ng bertdey parti
ko, merong cake!
GUIDO:
Ako rin! Me Batman at
Robin pa sa ibabaw!
BUBOY:
No’ng bertdey parti
ko, meron pang clown!
GUIDO:
Ako rin! Dalawa pa!
Si Happy at si Funny!
BUBOY:
Hmp! No’ng bertdey
parti ko, me magic!
GUIDO:
Sa akin, may
storyteller pa! “Once upon a time, a long, long time ago …”
BUBOY:
A, basta, laos ang
bertdey parti mo sa bertdey parti ko! Ang handa mo lang. (Pakanta.)
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti! (Paulit-ulit hanggang mag-exit.)
GUIDO (Pasigaw):
Kahit na! Basta,
hindi ka imbayted sa parti ko!
Di ka makakatikim ng
... (Pasuyang kakanta, habang pinagdidiskitahan ang bola.)
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti (3x)
Leche flan, lechon,
lengua, macaroni!
Me Andok’s morcon,
salad, chicken mami!
Sandwich, puto,
cuchinta, chicken honey!
Pastillas,
marshmallow, fried chicken, pitsi-pitsi!
Siopao, juice, suman,
kalamay, tutti-fruitty!
Monay, chicharon,
suman, cotton candy!
Mamon, hotcake,
bijon, hamburger, sundae, chicken joy,
dinuguan, laswa,
dinengdeng,
mechado,
menudo,
paksiw,
adobo,
p-p-pinapaitan
Worcestershire sauce,
TERIYAKIII!
Ibabato ni GUIDO ang
bola niya sa inis. Papasok si AYI, may bitbit na transistor. Maririnig
ang kantang “Pidro”
ng Apo Hiking Society. Bigay na bigay ang sayaw ni AYI. Malapot
ang puntong-Bisaya ni
Ayi, kahit matagal na siya sa Maynila at nagsisilbi sa pamilya ni
Guido. Pansinin:
hindi lahat ng linya ni Ayi ay isinulat ayon sa kaniyang punto. Bahala na
ang aktor at gaganap.
Gabi na.
AYI:
Sus, Guidu, dius miu.
Gabing-gabi na, nasa labas ka pa? Mag take a shower ka na!
GUIDO:
Ano’ng oras darating
sina Mommy at Daddy?
AYI:
Malay ku? Baka
nag-uubirtaym sila. Para madagdagan ang kita at panggastus sa nimo.
Para sa iskul mu, sa
iskul bus mu, sa iskul uniform mu, baun mo sa iskul, field trip ng iskul
mu’ ... Saksakan ng
gastus! Kaya kayudkalabaw ang Mommy at Daddy nimu. Huwag mo
na silang hintayin!
GUIDO:
E pa’no na ’yan?
Sinong magpaplano ng birthday party ko? Three days na lang, nine
years old na ako.
AYI:
Nine years old lang,
pinuprublima mu? Aku nga, furty na, ukey pa rin! (Magpapa-sexy ng
pose, saka biglang
matataranta.) Anooo? Nine ka na?! Oo nga pala!
Hihilahin si GUIDO at
tarantang kakapkapan sa buong katawan, hahaplusin ang mukha
nito nang pauli-ulit,
na parang noon lamang niya nakita ang alaga.
AYI:
Sus, ginuu, ang baby
na dating kinakarga-karga ko, pinapaliguan, pinapalitan ng lampin,
nilalagyan ng bigkis
para hindi umusli ang butod, pinapahiran ng aceite de mansanilla sa
tiyan para laging
mautot – kulang na lang pasusuhin kita sa sarili kong dibdib! Sus, ginuu,
Guidu, binata ka na
pala! At ako nama’y nagiging tigulang na tonta! Bertdey mo na nga
pala, two days from
now. Muntik ko nang makalimutan!
GUIDO:
Kailangan nang gumawa
ng mga invitation cards para sa classmates ko saka mga friends
nila. Baka di sila
magpunta kung wala silang invitation. Baka makalimutan nila ang
birthday ko!
AYI:
Sus, Guidu, ang laki
ng prublima mu! Ako ang tutulung gumawa ng card at magplanu ng
parti nimu!
GUIDO:
Marunong ka ba?
AYI:
Aba, syimpri! Kaya
nga yun ang trabahu ku. Katulung. Maid. Yaya. More sophisticatedly
known as Maitre d in
France. Domestic Worker sa Hongkong. Filipinas sa London! In
other words, party
planner, laundry woman, dishwasher, gardener, at kung pilyo si Kuya,
Sex Object! Ahayyy!
Yes, I am a Maid. And
proud to be one. Ang Bagong Bayani! Unsung Heroes! Unpaid
Diplomats. All-around
talent. Round-the-Clock-Dependable. At your service, twenty-four
hours a day, seven
days a week, and thirty-days a month, except January, March, May,
July, September,
October and December. Plus of course, February, which sometimes has
twenty-eight or
twenty-nine!
Don’t worry, Guidu,
kayang-kaya kong planuhin ang parti nimo. Alam ko ang ihahanda …
(Sabay silang kakanta
ni GUIDO habang pa-exit).
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Paglabas nina AYI at
GUIDO, maririnig ang recorded na panawagan ni CARDINAL SIN na
magpunta ang mga tao
sa EDSA. Habang nagpapalit ng eksena, humahangos na daraan
sa tanghalan ang
iba-ibang uri ng tao papunta sa EDSA. Nakamaskara sila, pero may
suot o props na
magpapakilalang Corysta sila o anfi-Marcos. Naka t-shirt na dilaw o may
Laban sign. Lahat ay
nagmamadali. Muli, makatutulong ang maiikling character adlibs.
Kasabay nito ang
papalakas na halo-halong tunog, ingay, tugtog, islogan, at sigawan sa
EDSA habang bahagyang
madidilim ang tanghalan.
PEBRERO 23, LINGGO
Naka-pajama, nasa
kama si GUIDO. Nakadapa, nagsusulat sa mahabang listahan ng
mga gusto niyang
matanggap na regalo. Nasa mesa si AYI, kaharap pa rin ang transistor
na patuloy na
nagbabalita ng mga pangyayari sa EDSA. Gumagawa siya ng isang
bundok na sandwiches.
Bababa si GUIDO mulang kama at bantulot na lalapit kay AYI.
AYI:
Gud morning, little
boy. Natapos mu na ba ‘yung listahan ng bertdey wish mu?
GUIDO:
(Iaabot kay Ayi ang
isang yardang listaha.) Hindi pa nga e. Nasaan sina Mommy?
Dadampot si GUIDO ng
sandwich. Kakain.
AYI:
(Dadampufin ang
listahan.) Sus, Guidu, dius mio! Mas mahaba pa sa rice terraces ang
listahan ng bertdey
wish mu! Sana sinabi mu na lang, Gustu mung maging si Marcos,
para lahat ng gustu
mu, makukuha nimo!
May daraang carton
cut-out ng isang tangke sa harapan nila.
Sa likuran nila o sa
magkabilang gilid ng stage, pantomime ng nangyayari sa EDSA
at Malacañang. Mga
nakamaskara ang mga tauhan. Doble ang mascara ng bawat
aktor. Isa sa harap
at isa sa likod ng ulo. Halimbawa, sa kanan, si MARCOS/IMELDA.
Sa kaliwa, si
RAMOS/ENRILE. Ipapasok ding isa-isa ang carton cut-out ng standees na
kinabibilangan ng mga
tauhang nasa EDSA nang araw na iyon. Lalakas ang naka-taped
na ingay at hiyawan
ng magka-kontrang kampo. “Cory! Cory!” “Marcos pa rin! Marcos
pa rin!”
Maririnig ang malakas
na boses ni CARDINAL SIN. Nananawagan na magpunta ang mga
tao sa EDSA.
Paulit-ulit.
Nenerbiyusin si AYI.
Hihilahin sa tabi niya si GUIDO para magtago sa ilalim ng mesa.
AYI:
Nagriribulusyun na,
Guidu! Kanina pang madaling-araw nagpunta sa IDSA ang Mommy at
Daddy nimu! Sasamahan
daw nila ang mga tao sa pagtulong kina Ramos at Enrile laban
kay Marcos. Ayan
pakinggan mu, ang dami-dami na raw tao sa IDSA.
Hihilahin si GUIDO
para magtago sa ilalim ng kama. Hindi sila kasya, babalik sila sa
ilalim ng mesa.
AYI:
Dius mio, Guido!
Dali! Dali! (Maaabot ni AYI ang payong. Bubuksan ang payong sa ilalim
ng mesa para gawing
cover sa harapan nila.) Isuot mo itong gas mask. Totohanan na
ito!
Sus, Guido, dius mio!
Isusuot ni GUIDO ang
gas mask, na dali-dali namang huhubarin sa kaniya ni AYI.
AYI:
Ay, nu, nu, nu, nu!
Mali, mali! Hindi ka pa puwedeng magsuot nitong gas mask, Guidu.
GUIDO:
Bakit?
AYI:
You have to tiyk a
shower first!
GUIDO:
Kaka-shower ko lang
kabagi.
AYI:
But today is another
day! February 23 na today! Remember this day. This is a very
historic day.
GUIDO:
February 23 is two
days from my birthday! A very special and historic day! Babalik agad
si Mommy? Gagawa pa
kami ng mga invitation!
AYI:
(Magpapalahaw ng
iyak.) Oh, this can’t be true! You just gave me a living,
incontrovertible,
unassailable proof that I failed. I failed! God, how I failed in bringing
you up as a sensible
Little Boy. Tama talaga si Ate Guy, “Walang himalaaa!” Kahit araw-
araw kang nag-a-Our
Father at Holy Mary, Mother of God. Hindi ka pa rin natututo,
Guidu. Look at you!
Look at you, Guidu. Nagkakagulo na ang mga tao.
Naggagapangan na ang
mga tangke. Nakakasa na ang mga armalite. Ang dami-dami
nang nagbuwis ng dugo
… sa Red Cross ni Rosa Rosal – pero sarili mo pa rin ang iniisip
mo! Bertdey mo pa rin
ang importante sa iyo. Mga invitation cards pa rin ang mahalaga
sa iyo. Sus, Guidu,
dius mio! Ano’ng klase kang Filipino? Sabi pa naman ni Ninoy, “the
Filipino is worth
dying for!”
Nagsakripisyo ba ang
ating si Ninoy – (Ala-Cory). My Ninoy! Our Ninoy! –so you can
celebrate your ninth
birthday?
Maiinis si GUIDO.
Magta-tantrums.
GUIDO (Sisigaw):
I just want to know:
Is Mommy coming back soon?
Mahihimasmasan si
Ayi.
AYI:
Hindi! Sabi ng Daddy
nimu, daraanan daw niya itong mga tinapay bago mananghali. Sige,
mag-almusal ka na!
Matamlay na kakain ng
sandwich si GUIDO.
GUIDO:
Dalawang araw na
lang, bertdey ko na. Baka hindi matuloy ang party ko!
Tutulo ang luha ni
AYI sa mafinding awa sa alaga. Sabay silang kakanta, habang lilipat,
darapa, sa kama si
GUIDO, dala ang transistor. Lalakasan ang radyo, ililipat ng istasyon
pero puro coverage ng
EDSA ang maririnig. Makikinig siya ng balita habang kain ng kain
ng sandwich.
Tatabihan ni AYI sa kama ang alaga. Alalang-alala. Magduduweto sina Ayi
at Guido.
GUIDO/AYI (Kakata):
Dalawang araw na
lang,
Bertdey ko na!/
Bertdey na niya!
Isa, dalawa, two days
na lang
Bertdey ko naaa!/
Bertdey na niyaaa!
Di na maiinip
Hindi mapipigil
Hindi mapo-postpone
Kahit pa bumagyo
Magseselebrasyon
dahil
Bertdey ko naaa!/
Bertdey na niyaaa!
GUIDO:
(Habang nagsasayaw
si AYI)
Apat na ikot ng relo!
Apatnapung oras at
walo!
Bago magka-gulo-gulo!
Bertdey na! Bertdey
ni Guidooo!
AYI:
(Habang nagsasayaw
si GUIDO)
Sana’y magbago ang
mundo
Mas masaya, walang
gulo
May value na kahit
piso
Walang gutom, me
asenso
Sa bertdey, bertdey
ni Guiduuu!
DUETO:
Pantay-pantay lahat
tayo
Sa bertdey, bertdey
ni Guidooo!
Humihingal na
mapapaupo ang dalawa.
Samantala, habang
nagaganap ang song number, unfi-unfing kakapal ang mga tao
(cut-outs) sa likuran
at tagiliran ng tanghalan. Sa pagitan ng bawat dialogue sa ibaba,
sisingit nang salitan
ang hiyawan ng “Cory! Cory!” at “Marcos pa rin! Marcos pa rin”
kasabay ng malakas na
busina ng mga sasakyan.
GUIDO:
Lagpas na ng
tanghali. Bakit hindi dinaanan ni Daddy ang mga sandwich?
AYI (Pakanta):
Guidu, ayaw mu bang
Lumabas
Para mag-bike …
GUIDO:
Nakalimutan na rin
siguro nina Daddy at Mommy ang bertdey ko.
AYI (Pakanta):
Guidu, ayaw mu bang
Maglaro
Do’n sa labas?
GUIDO (Malungkot):
Ayoko. Makinig na
lang tayo ng balita sa radyo.
Pipihifin ni Guido
ang volume tuner. Lalakas ang transistor. Maririnig ang recorded awit
ng koro,
pinagtagni-tagning piraso ng mga balita, habang binabago ang ayos ng mga
cut-out standees ayon
sa realignment of forces.
KORO:
Hu - Hu - Hum
Humi - wa - layyy
Humiwalay
Humiwalay
Humiwalay
Humiwalay sina Ramos
at Enrile
Sina Ramos at Enrile?
(Oo, sila!)
Sina Ramos at
Enrile!! (Walang iba!)
Kanino? (Kanino
paaa?)
E DI KAY MARCOS! (O
tapos?)
Hu - Hu - Hum
Humi-ngi
Humingi
Humingi
Humingi
Humingi sila ng
tulong
KAY CARDINAL SIN!
Tutunog ang telepono.
Pupuntahan ni AYI. Sasagufin.
KORO:
Sumugod ang mga tao
Sa harap ng Kampo
Para proteksiyunan
Ang mga sundalo …
(Ang tao? Sa kampo?
Para sa sundalo?
Sa Kampo? Sundalo?
Para sa mga tao?
Ang tao? Sundalo?
Para nasa Kampo?)
KORO:
Nakagugulat!
Nakaloloko!
Dapat ay sundalo
Sundalo’ng lulusob
Para may proteksiyon
Ang lahat ng tao …
(Sundalo? Sa Kampo?
Niligtas ng tao?
Niligtas sa Kampo? Ng
tao? Sundalo?
Ang tao? Naglitas sa
Kampo? Ng mga sundalo?)
Nakaloloko!
Nakaloloko!
Nakalolokooo!
Iaabot ni AYI kay
GUIDO ang telepono. Mag-uusap sa telepono sina GUIDO at MOMMY
niya.
Lalapit ang MOMMY,
may hawak na oversized phone. Dueto ng MOMMY at ni GUIDO.
Maaari ding regular
na usapan lamang.
MOMMY:
GUIDO:
Guido, son,
I’m fine, Mommy,
How are you?
Fine, Thank you!
(Please, son
(Please, mom
Huwag mong
babanggitin,
Banggitin mo, Mom
Please!
Please
Ayokong ma-guilty!
Please, let me know
Ayokong malito!
Na naaalala mo
Dahil sa bertdey mo!)
Ang bertdey ko!)
Matatabunan ang boses
nina GUIDO at MOMMY niya ng NEWS REPORT.
NEWS REPORT VO:
General Ramos and
Senator Enrile had cut off their ties with President Marcos.
They turned to
Cardinal Sin for support. People rushed to Camp Crame to protect the
soldiers from Marcos’
loyal forces.
MOMMY:
Guido, son,
Remember, we love
you!
Magha-hung up ang
MOMMY niya. Tunog na lang ng telepono ang maririnig nafin.
Yuyupyop sa mga palad
niya si GUIDO para umiyak nang tahimik. Unfi-unfing didilim
ang tanghalan
hanggang sa makatulog si GUIDO. Mananafiling bukas ang radyo sa
dilim.
Pagkaraan, darafing
ang MOMMY at DADDY niya. May dala silang styrofoam na kulay
yellow ng Laban sign
at bilog na barbed wire na may yellow ribbon. Pareho din silang
naka-Cory yellow
t-shirt at maong na pantaloon. Hindi sila magsusuot ng maskara
habang nagkukuwento
kahit gumaganap ng ibang tauhan.
Sisilipin nila si
Guido, saka pafiyad na lalapit sa kama para ayusin ang pagkakahiga ng
anak.
Mapabubuntung-hininga sila. Ilalagay din nila nang maayos sa kama ang Laban
sign at barbed wire
na may ribbon. Magigising si GUIDO. Biglang babangon.
GUIDO:
Mommy, Daddy …
DADDY:
We love you, son!
Sa tagpong ito,
magkukuwento ang Mommy at Daddy ni Guido, nang hindi gumagamit
ng maskara kahit
gumaganap ng ibang tauhan. Ang mga standees at cut-out ay lilipat
sa harapan, sa
tagiliran nang tanghalan. Unfi-unfi namang mauurong sa likod ang
tagpo sa kuwarto ni
GUIDO. Hindi dapat itago sa manonood ang pagpapalit ng tagpo at
paglalagay ng mga
props at standees sa eksena.
Excited na
magkukuwento ang MOMMY at DADDY ni GUIDO, ia-arte ang nasaksikhan
nila sa EDSA.
Inaantok na makikinig si GUIDO. Pero kasalit ng huma-harurot at
dramafikong kuwento
ng dalawang magulang ang malungkot, makabagbag-
damdaming pagkanta ni
GUIDO ng iniisip niya habang nakikinig sa kuwento.
GUIDO:
How are you, Mom? Are
you okay, Dad?
DADDY:
We’re fine, hijo.
MOMMY:
Pagod lang. At
amoy-pawis!
DADDY:
And very, very
hungry!
MOMMY:
Naku, Guido! Nakita
mo sana ‘yung nangyari sa EDSA. Saksakan ng dami ang tao.
DADDY:
Nasa harap namin
‘yung mga tangke. Napaliligiran ng mga Marines.
MOMMY:
Ang itim pala nila.
At ang lalaki ng mga hawak na armas.
DADDY:
Pero ang babata pa
nila. Halos ilang taon lang ang tanda nila sa iyo, Guido!
GUIDO:
(Aawit.)
Naalala ba ninyo …
MOMMY:
Hindi sila tumitingin
nang deretso sa amin. Hindi sila ngumingiti.
DADDY:
Nasa likuran lang
sila ng tangke.
MOMMY:
God, ang laki-laki ng
tangke! How very big the tank! Parang higanteng pagong! (Iihitin sa
katatawa.)
GUIDO:
(Aawit.) Na
bukas na ang bertdey ko …
DADDY:
Tapos, isang babaeng
may hawak na krus ang nagpunta sa harapan para kausapin ‘yung
mga sundalo …
Iaarte ng MOMMY ang
tagpo.
MOMMY:
(Hawak ang krus.)
Peace, brod, sabi niya.
DADDY:
Pero ayaw talagang
tumingin ng mga sundalo.
Iaarte ng DADDY ang
sundalo. Naka-attenfion, may hawak na di-nakikitang armas na
nakaturo sa ibaba.
DADDY:
(Mafigas ang anyo.)
“Sumusunod lang ho kami sa utos,” sabi nito.
MOMMY:
Magkababayan tayo,
brod, sabi ng babae. May mga anak ako. Iniwan ko lang sa bahay.
Ang asawa ko nasa
abroad, kasi walang makitang trabaho dito sa atin. Huwag ninyo
kaming saktan! Gusto
lang naming ipaglaban ang ating kalayaan! Sumama na kayo sa
amin!
Magsisimulang kumanta
ang babae ng “Bayan Ko.” Magfifikas-pahinga ang sundalo
pero mafigas pa rin
ang anyo. Pagkaraan, sasabayan ang babae ng naka-taped na kanta
ng maraming tao ng
“Bayan Ko.” Maiiyak ang babae.
MOMMY:
Naiyak ‘yung babae.
Naiyak na rin ‘yong mga katabi ko.
DADDY:
Nakita kong nagpahid
din ng luha ‘yung mga sundalong kaharap niya. (Magpapahid ng
luha, habang
nakafikas-pahinga.)
MOMMY:
Pero nagsimulang
umusad ang tangke.
DADDY:
Nagsigawan ang mga
tao!
MOMMY:
Nagkapit-bisig kaming
lahat!
DADDY:
‘Yung babaeng may
hawak na krus, sumugod sa harap ng tangke.
MOMMY:
Peace, brod. God
loves you! Brod, we love you!
DADDY:
Sumunod kaming lahat
sa babaeng may hawak na krus.
MOMMY:
Pinalibutan namin ang
umuusad na tangke.
DADDY:
Tapos, narinig namin
ang utos ng opisyal.
MOMMY:
Pinaurong ang tangke
at pinababalik!
DADDY:
(Lulundag.)
Naglundagan kami sa tuwa!
MOMMY:
(Yayakapin ang
DADDY.) Nagyakapan kami at nag-iyakan at nagsisigaw sa tuwa …
DADDY:
Hanggang sa lumayo
nang malayong-malayo ang tangke!
GUIDO:
(Aawit.) Mommy …
Daddy …
Bukas na po ang
bertdey kooo …
Halos magkasabay na
mafifimbuwang sa kama, sa bandang head board, ang MOMMY
at DADDY dahil sa mafinding
pagod.
Parehong naka-Laban
sign ang mga kamay. Malakas na maghihilik. Lulundag para
bumaba ng kama si
GUIDO, nakapulupot sa katawan ang mahabang listahan ng
birthday wishes.
Papasok si AYI,
aakbayan si GUIDO. Tinfingnan nila ang naghihilik na MOMMY at DADDY.
GUIDO:
Huwag na lang natin
silang istorbohin tungkol sa bertdey ko. Pagod na pagod na sila.
Bukas, babalik uli
sila sa EDSA.
Magdidilim ang
tanghalan.
PEBRERO 24, MONDAY
Umaga, sa sala. Nasa
harap sila ng TV set na naka-talikod sa manonood. Tinutulungan
ni AYI si GUIDO na
magsuot ng damit. Bagong-paligo si GUIDO. Pupulbusan ni AYI ang
alaga ng baby powder
mula sa espongha. Pufing-pufi ang mukha ni GUIDO. Naiinis na
pupunasan nang mariin
ni GUIDO ng tuwalya ang mukha para mawala ang pulbos.
Maririnig ang
naka-taped na balita.
NEWS REPORT VO:
Ang ating latest
bulletin. Umalis na raw ang mga Marcos sa Malacañang. Repeat: Umalis
na si Pangulong
Marcos at ang kaniyang pamilya sa Malacañang. We will try to verify
this. Repeat: This is
an unverified report.
Maririnig na kasunod
ng balita ang pagtugtog ng “Mambo Magsaysay.” Sabay halos na
papalundag sa tuwa
sina AYI at GUIDO.
AYI:
Wala na si Marcos!
Wala na si Imelda!
GUIDO:
Uuwi na sina Mommy at
Daddy! Ibig sabihin, puwede pa rin akong magkaroon ng
birthday party bukas!
AYI:
Sus, guinoo! Natupad
ang prayer ko kay Santa Zita at Mary Rose. Sabi ko kasi kagabi,
Dear Santa Zita at
Mary Rose, Tulungan n’yo naman ang Little Boy ko. Kasi gusto niyang
magkaroon ng bertdey
parti. Sige na, Lord, Santa Zita at Mary Rose. Balato na lang nimo
sa bata ang bertdey
parti niya. Tigbakin n’yo na si Marcos para matuloy ang parti. At …
Mali pala si Ate Guy!
“Hindi totoong walang himalaaa!”
GUIDO:
Tuloy ang bertdey
parti ko!
Kakanta at magsasayaw
ang dalawa.
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
GUIDO:
Tatawagan ko lang ang
mga classmate at friend ko. Sasabihin ko, dito na lang kami
magpa-parti!
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
GUIDO:
Bibili na lang tayo
ng cake. Nine candles, Ayi! Saka –
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
AYI:
Ako na ang gagawa ng
spaghetti. Specialty ko ‘yon!
GUIDO:
Hindi na baling
walang regalo sa akin ‘yung mga friends ko. Ang importante meron
tayong –
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Maaaring i-belt ni
AYI ang kaniyang huling linya, parang last line ng mga Negro
spirituals.
Pero bigla silang
mapapatda sa bagong NEWS REPORT.
NEWS REPORT VO:
Narito ang latest
news bulletin:
Nasa Malacañang pa
rin sina Marcos. Repeat: Nasa Malacañang pa rin ang Pangulong
Marcos at ang
kaniyang pamilya, contrary to earlier reports. This is a confirmed report.
Repeat: It has been
confirmed na nasa Malacañang pa rin si Pangulong Marcos at ang
kaniyang pamilya.
Please stay tuned to our People Power coverage.
Manghihina sina GUIDO
at AYI sa narinig.
GUIDO/AYI:
Hayyy …
GUIDO:
Hindi pa rin makauuwi
sina Mommy at Daddy.
AYI:
Ate Guy, Santa Zita,
and Mary Rose, ano ba talaga, mga tita!?
GUIDO:
Hindi na talaga
matutuloy ang birthday party ko. Hindi na natin kailangan ng –
Aawifin nila ang very
sad version.
GUIDO/AYI:
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Magdidilim ang
tahanan. Salitang maririnig ang “Cory! Cory!” at “Marcos pa rin!”
kasaliw ng
“Impossible Dream.”
PEBRERO 25,
MIYERKULES, BERTDEY NI GUIDO
Umaga. Wala nang
anomang gamit sa bahay nina GUIDO. Masayang papasok ang
MOMMY at DADDY niya.
Hahalikan siya.
Habang nagaganap ang
tagpong ito, maaaring kabitan ng mga kulay-Cory yellow na
lobo at ribbons ang
mga cut-outs at standees sa paligid. Para unfi-unfing maging fesfive
ang milieu.
MOMMY/DADDY:
Happy birthday,
Guido! Son!
MOMMY:
Don’t worry, son.
Ipinahahanda ko ang mga pagkain para sa party mo.
Huhubaran ng
pang-itaas ng MOMMY niya si GUIDO at papalitan ng dilaw na t-shirt.
GUIDO:
Hindi po ba kayo
pupunta ngyon sa EDSA?
DADDY:
Pupunta – at kasama
ka!
GUIDO:
Yehey!
MOMMY:
Sa EDSA na natin
ise-celebrate ang birthday mo. Doon na tayo magpaparty!
Hindi makapaniwala si
GUIDO.
DADDY:
Magkakaroon ka ng
pinakamalaking birthday party sa buong mundo!
Maririnig ang
“Magkaisa” bilang transifion music.
Sa EDSA.
Napapalibutan ng mga dumalo sa People Power si GUIDO. Ipapasok ni AYI ang
isang malaking cake,
na may siyam na yellow candles.
AYI:
Sus, ginoo, Guidu,
nakita mo na ba kung gaano karami ang tao sa parti nimu? Look ako
sa left, mga babae,
lalake, bata, matatanda. Mga kayumangging mukha. Look ako sa
right, mga babae,
lalake, bata, matanda. Mga kayunmangging mukha! Nag-left-right, left-
right na ako nang
paulit-ulit, pero hindi nababawasan ang tao. Parang parami pa nga ng
parami. Ang saya-saya
ng parti nimu, Guidu. (Yayakapin si GUIDO at hahalikan.)
GUIDO:
Ayi, one month ka na
bang nagra-rally sa EDSA?
AYI:
Ano ka? First time ko
lang ito. First day. First chance na maging bayani, at maging tunay
na tapagapagmana ng
kadakilaan nina Gabriela Silang at Tandang Sora! – E bakit mu
naman naitanong ‘yon?
GUIDO:
Iba kasi ang amoy mo,
Ayi! I think you should take a shower.
AYI:
Ano’ng shower-shower?
I don’t want to miss the action, Guidu! (Sisigaw.) Cory! Cory!
Cory! – Nandito kaya
si Kris? Magpapa-autograph ako!
Darafing si BUBOY.
BUBOY:
Hapi bertdey, Guido.
(Iaabot kay GUIDO ang isang yellow baseball cap.) Tenk yu sa
invitation card, ha!
GUIDO:
Tenk yu din.
BUBOY:
Ayan, redi na ‘yung
cake!
MOMMY/DADDY:
Make a wish, Guido.
Make a wish!
Pipikit nang
nakafingala si GUIDO.
AYI/BUBOY:
Five, four, three,
two, blow!
Hihipan ni GUIDO ang
cake. Palakpakan. Magkakantahan ng “Happy Birthday, Guido”
ang lahat ng naroon.
Pakapalin ang recorded crowd song.
BUBOY:
Ano’ng winish mo,
Guido? Ano’ng wish mo?
GUIDO:
Secret …
Maririnig ang tunog
ng isang helicopter mula sa itaas. Tifingala lahat. Saka magtataas
ng kamao at sisigaw
ng “Cory! Cory! Cory!”
Pero biglang susutsot
ang DADDY niya. Makikinig ng balita sa radyong nasa balikat.
DADDY:
Sssh! Me balita!
Pakinggan n’yo.
Sisiksik sa DADDY
sina MOMMY, AYI, BUBOY, pafi si GUIDO, para makipakinig ng balita.
Tahimik na tahimik
ang lahat. Biglang maglulundagan at sisigaw.
DADDY:
Umalis na si Marcos!
Wala na sila sa Malacañang! Malaya na tayooo!
Magsisigawan uli ng
“Cory! Cory! Cory!” Maririnig din ang mga putukan. Panay-panay
ang busina ng mga
sasakyan.
Yayakapin at
hahalikan ng mga magulang niya si GUIDO.
MOMMY:
Happy birthday, son!
Malaya na tayooo!
LAHAT:
Wala na ang diktador!
Maririnig ang “Tie A
Yellow Ribbon.” Ilalabas ang isang kawayan na may carton cut-out
ni MARCOS sakay ng
helicopter sa itaas.
LAHAT:
Malaya na ang
Filipinas! Mabuhay ang Filipino!
Mabilis na malilinis
ang set. Bahagyang didilim bagaman patuloy na maririnig ang
ingay ng selebrasyon
at mga busina ng sasakyan.
Maaaring gamifin ang
pinagdugtong-dugtong na bahagi ng mga kantabg sumikat
noong EDSA People
Power bilang transifion music.
Sa muling
pagliliwanag, papasok ang kama ni GUIDO. Nakaupo siya sa gitna nito.
Ginagawang ribbon ang
kaniyang mahabang listahan ng birthday wishes.
Tapos, ihahagis iyon
sa basurahan malapit sa kama. Tatayo, nakapamaywang sa kama
si GUIDO.
GUIDO:
Iyon ang
pinakamasayang birthday ko! Ang pinakamalaking birthday party sa buong
mundo kahit walang …
(Kakanta.)
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Natupad naman ang
birthday wish ko! Walang nakaaalam na nang hipan ko ‘yung mga
kandila sa birthday
cake ko, ang wish na ibinulong ko ay … (Sisigaw.) Umalis n asana si
Marcosss!
Muling lalabas ang
kawayang sa itaas ay may carton cut-out ni Marcos sakay ng
helicopter.
Lalabas ang buong
cast. Sabay-sabay na kakanta, iba-ibang esfilo, theme song.
LAHAT:
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Coke, ice cream,
hotdogs, spaghetti
Cory, Sin, Ramos,
Enrile, confetti
Bayan, Diokno,
Tañada, Makati
Marines, madre,
pare’t estudyante
Teachers, vendors,
doctors, Ugarte
Nurses, singers,
artista, baong bayani, kasali
Lahat tayo, lahat
tayo, lahat ay kasali
Bata, matanda,
lalake, babae
Lahat-lahat, bawat
isa, lahay ay BAYANIII!
WAKAS
Nakuha mula sa: www.depedmakati.com/updates/wpcontent/uploads/2012/11/Learning-Package-Baitang7-Ikaapat-na-Markahan.pdf